23 "Stop taking pictures, mother fucker!" Naalimpungatan ako matapos marinig ang boses ni Darius. Mahina iyon at tila nagpipigil na sumigaw. "Who's that girl, baby boy?" Kumunot ang noo ko nang makarinig ng boses ng isang lalaki. Akala ko ay isa sa mga kaibigan ni Darius pero hindi ako familiar sa boses na narinig ko. "Tone down your voice. My cara might wake up," saad ni Darius at hinimas ang aking buhok kasabay ng paghila pataas ng comforter para balutan ang katawan ko. "Aww, you looked cute," rinig kong sabi ng lalaki. Ramdam ko naman na kumuha si Darius ng unan at inihagis iyon sa kung saan. Nagmulat naman ako ng mata at tiningnan kung sino ang kasama namin sa bahay. "Oh s**t," Darius remarked. "Nagising ba kita?" Hindi ko siya sinagot at sa halip ay tumingin sa lalaking hindi

