Kabanata Dalawampu't Anim

2517 Words

“Alam niyo ba ‘yung tungkol sa kasama ni Lilith Bautista ngayong araw sa orientation?” Nanatili ang hawak ko sa door knob ng cubicle na kinaroroonan ko. Palabas na sana ako ngunit hindi ako tumuloy dahil sa mga naririnig ko na nag-uusap sa labas. “Sabi ng iba kapatid daw niya ‘yon?” Hindi ko alam kung ilan silang nag-uusap, ngunit nakarinig ako ng iilang mga singhap bago nasundan ang usapan nila. Naestatwa ako roon sa loob ng cubicle… Hindi ko alam kung hihintayin ko ba silang umalis o lalabas na ako rito. Anong magiging reaksyon nila kapag nakita nila na ang taong pinag-uusapan nila ay narito rin sa loob ng comfort room? “So, what is she? Adopted?” “Hindi! Anak daw sa labas ng Daddy ni Lilith.” Inilapat ko ang aking libreng palad sa aking bibig upang hindi makagawa ng ingay. Hihinta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD