Dahan-dahang lumabas ng silid si Marro makaraan niyang masiguradong maayos na ang kanyang hitsura sa harapan ng salamin pagkatapos ng halos bente minutos. Iyon na yata ang pinakamatagal niyang titig sa salamin pagkatapo ng kanyang kasal. Ngayon ay kabado siyang palapit sa kinauupuan ni Martina na subsob pa rin sa ginagawa nito sa harapan ng laptop na tila hindi pansin ang paglapit niya sa kinauupuan nitong sofa. "You need help?" Seryoso niyang tanong rito pagkaupo niya. Ayaw na muna niyang subukan ang pasensya nito at baka maubos ang swerte niya. Bahagya itong lumingon. "No. I'm good. Just finishing some papers." She seems to be not affected with his presence na bahagyang nagbigay ng dagok sa ego niya. Women usually stop whatever they're doing whenever he is around except Martina. Par

