Chapter 1- FIRST ENCOUNTER

5000 Words
Sunod-sunod na kalabit ang naramdaman ni Martina sa kanyang tagiliran habang binabasa ang dalang libro na hawak ng magkabilaan niyang kamay at habang kaagapay na naglalakad ang kaibigang si Carolyn papunta sa canteen. Kunot ang noong nilingon niya ito. "Bakit ba?" Naka-concentrate siya sa pagbabasa dahil maya-maya lang ay may quiz sila sa isang major subject nila at kinaray-karay pa siya nito para lang makabili ng meryenda. Isang nanunuksong ngiti ang isinagot nito sa kanya sabay pabulong na nagsabi, "Mamaya mo na ako pasalamatan. Tumingin ka sa harap dali. Nandoon ang bebe mo." Mula sa pagkakalingon sa kaibigan ay dahan-dahan niyang ipinihit ang ulo paharap at doon nga ay nasilayan niya sa umagang iyon ang pinaka-gwapong nilalang sa paaralan nila. Si Marro. Kasalubong nila ito mga fifteen meters ang layo mula sa kanila kasama ang isang estudyante din na katulad nito na nakasuot ng puting unipormeng pang-itaas at kulay asul na slacks at itim na sapatos. Iningatan niyang huwag humugalpos ang ngiting unti-unting gumuhit sa kanyang likas na mapupulang labi habang palapit sila sa mga ito pero dahil sa sobrang kaba ay napahawak siya sa kaibigang noon ay tawang-tawa sa reaksiyon niya. Mula sa salaming suot ay sinipat niya ang lalaking dalawang taon na niyang hinahangaan. He is a second-year college student dito sa University nila and he is taking up AB Communication. She is two years ahead of him and from what her friend told her; he is an only child of a rich family although hindi nila malaman kung sino ang pamilyang iyon o kung kabilang ba ang mga ito sa alta sociedad. His name is Marro Dominguez. Tall with not so dark complexion and a super handsome face. He is very popular sa school nila hindi lang dahil sa taglay nitong hitsura kung hindi dahil sa talino nito at pagiging soccer player. Last year, he's one of the schools youngest representative sa debate team ng buong campus and to their surprise ay isa ito sa nag-uwi ng karangalan kaya hindi kataka-taka kung marami man ang humanga rito. She even wonder kung paano nito napagsasabay ang pag-aaral ng maayos at ang mga practice nito sa soccer team ng school nila. Habang mahigpit na nakahawak sa kaibigan ay hindi niya maiwasang titigan ang lalaki habang masayang nakikipag-kwentuhan sa kasama nito. Mahangin ang umagang iyon pero hindi nito pansin na nililipad ang tuwid nitong buhok while he was smiling from ear to ear. Then it happened again. Katulad noong mga nakaraan na makikita niya ito ay parang nag-slow motion ang paligid habang nakatingin siya dito or rather, she didn't see anything aside from him during those times. Halos mahigit na rin niya ang paghinga dahil sa pag-aalalang marinig nito ang tumatalon-talon niya yatang puso. Everytime that he is near, parang feeling niya ay aatakihin siya sa puso dahil di siya makahinga sa presenya nito. Ten, she started counting her footsteps. Nine, she sighed long and deep. Eight, she secretly hopes na sana ay tumingin ito sa gawi niya. Seven, he's smile become even brighter ng may sinabi ang kasama nito. Six, he was so near yet she can't even smile at him. Five, she bit her lower lip. Four, she is now almost facing him kung magkaharap lang sila ng lakad. Three, She inhaled. Two, one. Saka niya pinakawalan ang malakas na paghinga ng makalampas na sila dito. She squeezed her friend's arm pagkatapos ay kinikilig na tinapunan niya ito ng tingin. Hindi niya parin mapakawalan ang kanina pa pinipigil na ngiti. "Pagsisisihan mo pa ba ang pagsama mo sa akin?" Pang-aasar nito. Bahagya niyang ipinilig ang ulo dito. "Sure?" Muling alaska nito sa kanya. Hindi na niya napigilan ang malakas na tawa na kanina pa sinusupil. "No. I have more reason para ma-perfect ko ang quiz natin ngayon. Kaya go na tayo." Hila niya dito pabalik sa pinanggalingan nila. "Hep-hep. Canteen ang punta natin girl. Hindi tayo susunod doon sa crush mo." Nakipaghilahan naman ito sa kanya at ng magtagumpay ay patulak siyang pinauna papunta ng school canteen. Nang matapos itong bumili ng makakain ay nagdumali silang makabalik sa classroom nila. Habang naglalakad ay palinga-linga siya dahil sa pagbabakasakaling makita pa sa Marro sa paligid pero hanggang sa nakarating sila sa kanilang classroom ay hindi na niya ito nasilayan. Gayunpaman ay masaya pa rin niyang pinaghandaan ang kanilang quiz dahil sa pagkakakita rito kani-kanina lang. "Nagkakasiyahan ba yung mga inaaral mo diyan sa Strategic Management natin girl? Bakit parang di yata nawawala yang ngiti mo?" Pukaw ni Carolyn sa kanya habang ipinagpapatuloy niya ang pagbabasa at ito nama'y kumakain ng binili nila. Pabiro niya itong hinampas sa braso. "Oo. Tingnan mo dali." Inismiran siya nito. "Mmmm. Iba talaga ang nagagawa ng inspiration, no?" Ihinarang niya ang kanyang kanang hintuturo sa bibig niya bilang babala dito na huwag itong maingay pagkatapos ay lumingon-lingon siya. "Sus. Hindi naman nila alam na si Marro ang tinutukoy ko e." Bulong nito. Pinandilatan niya ito at inambahan ng binabasang libro, mabuti nalang at nakailag ito kaagad. "Ang ingay mo. Hahampasin kita Carolyn." Nangigigil niyang turan dito. Umingos ito at lumayo ng upuan sa kanya. Siya naman ay ipinagpatuloy ang kanina pang ginagawang pag-aaral. Although her mind’s wander around kung nasaan man si Marro ay di pa din naman niya kinakaligtaan ang mag-aral. Studying was her first love kaya naman ay hindi na masamang mapasama siya sa mga running for c*m laude sa batch nila ngayon. It was also because of her addiction into reading kaya di sinasadyang nakita niya si Marro for the first-time last year. He was a freshman at their university at mag-eenrol palang sana. Nasa university bookstore siya noon at naghahanap ng mga mabibiling libro ng makita niya ito. He was towering all of them kaya akala niya noong una ay ka-batch niya ito o di kaya naman ay mas senior sa kanya. He looked like he was looking for something dahil palingon-lingon ito sa paligid and she unconsciously followed him. Bitbit ang apat na librong medyo maliliit lang naman ay nilapitan niya ito and right there the curse had hit her. He smiled at her, revealing the deep dimple on his left cheek which makes her heart flutter for the first time in her life. She also remembers feeling hot all over her face at that time. Right there and then nalaman niya ang meaning ng ‘blush’ na nababasa niya lang sa mga novel at napapanood niya lang sa mga palabas na kinababaliwan niya base on her firsthand experience mismo. She was mesmerized by his smile and his smiling eyes when he suddenly spoke. “Ate, are you alright?” Ilang beses siyang kumurap-kurap habang nakatitig dito bago niya nakuha ang ibig nitong sabihin. “Ah. Yes…yes.” Tumango-tango siya at napangiti ng tabingi. Medyo sumama ang loob niya sa narinig. Does she look old already? Tinawag siya nitong ate which means she might really look old than her age already. Noon niya pinagsisihan kung bakit hindi niya kailanman pinagtuunan ng pansin ang pag-aayos sa kanyang hitsura unlike other girls at her age na pawang pagpa-paganda ang ginagawa. Sana kahit paano ay naglaan siya ng panahon para matutong mag-ayos at hindi lang puro basa ang ginawa niya. She consciously fixed her hair dahil napansin niyang gusot nga ang buhok niya at ang ilang hibla pa ay humulagpos na sa pagkakatali niya. She secretly hoped na di nito matandaan ang hitsura niya. “Ahh.” Narinig niyang sabi nito na tila nag-dadalawang isip. “Ate…” She frowned secretly pero sinagot niya ito ng nakangiti. “Bakit?” “I am looking for a copier. Meron ba dito?” Tumango siya. “Yes. On that side.” Itinuro niya dito ang side ng cashier na kung saan ay may xerox machine na sinundan din naman nito ng tingin. Tumango-tango ito. “Woo. I've been looking for that since I get here nandiyan lang pala." Anito na tila sa sarili lang nito iyon sinasabi pagkatapos ay tumingin ulit sa kanya. "Okey. Thank you ate.” “You are very much welcome.” She smiled then he hurriedly left. Nakasunod lang siya dito ng tingin hanggang sa marating na nito ang cashier at pumila para sa xerox machine. What a brief encounter? She sighed at umingos. She was half excited and half disheartened at palabas na sana ng bookstore ng maalalang may hawak pala siya. Noon lang nangyari yun sa kanya na nakalimutan niyang may hawak siyang libro. She turned back at tinungo ang cashier na may xerox machine. Pumuwesto siya sa dulo ng mga estudyanteng nakapila para magbayad din. Luminga-linga siya. Wala na doon ang estudyante kanina. Hinanap niya din sa paligid ang kaibigang si Carolyn pero wala parin ito. They have agreed yesterday that they are to meet on this bookstore pero mag-iisang oras na siya dito ay wala parin siyang nakikitang kahit anino nito. Carolyn is late as usual. Nang nasa harap na siya ng cashier ay ibinigay niya sa babaeng naroon ang apat na librong hawak. Two of those books are about business which is related to her course habang ang dalawa naman ay pawang tumawag lang sa atensyon niya. Ang isa roon ay compilation ng famous lines ng mga famous writers. “Ang tatangkad na ng mga freshman ngayon ano?” Narinig niyang sabi ng kahera sa kabilang pila na tila kinakausap ang kaharap niya babae. “Oo nga e katulad nung nagpa-xerox kanina.” She rose her head. Yung lalaking matangkad kaya kanina ang pinag-uusapan ng mga ito? Freshman palang yun? Kaya ba siya nito tinawag na ate? “Ito lang po ba ma’am?” tumango siya sa babaeng kaharap. “One thousand two hundred thirty-five po.” Dinukot niya ang kanyang wallet sa school bag niya at ibinigay dito ang amount na sinabi dito. Pagkatapos iyong ipasok sa plastic bag na may tatak ng bookstore ay lugo-lugo siyang lumakad palabas ng tindahan. Sa dami ng tao sa loob ay pinawisan parin siya para makalabas lang kahit air conditioned ang lugar na iyon dahil sa sobrang sikip. Nang nasa labas na ay tinalunton niya ang daan patungong school canteen nila at dahan-dahan siyang lumakad papunta roon. She was turning left and right sa pag-asang makikita si Carol sa mga estudyanteng naroon. Kinapa niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang mobile phone at tiningnan kung may message o tawag ito sa kanya but to her dismay ay wala manlang kahit isa. She dialed her friend’s number but she only heard the operator’s voice. Mayayari ito sa kanya kapag hindi ito nagpakita sa kanya ngayon. Ito pa mandin ang nagsabi sa kanya kahapon na ngayon sila pumunta sa school para maagang magpa-enroll pero ito ang wala? Nahawakan niya ng mahigpit ang dalang telepono dahil baka maibato niya iyon sa sobrang inis niya. Mahal pa man din iyon at isa pa’y binilinan siya ng papa niyang di na siya nito ulit bibilhan, which means na siya na ang kailangang bumili ng sarili niyang telepono kung mawawala o masisira ang hawak niya ngayon. Iyon na ang pangatlo niyang cellphone simula noong unang beses siyang magkaroon tatlong taon na ang nakakaraan. She tried to dial Carol’s number again pero busy tone lang ang naririnig niya. She stopped walking and after few seconds she turn left. Sa halip na dumiritso siya sa school canteen ay tinungo nalang niya ang school registrar nila para i-process ang pinlano ng pag-e-enroll para sa semestreng iyon. Kaysa sa ma-stress sa paghihintay rito at sumama lang ang loob niya ay nag text nalang siya na mauuna na siyang mag-enroll. Marami-rami na ring mga estudyante ang nakapila sa registrar nila para sa enrollment process kahit lagpas alas-otso palang. Mabuti na nga lang at may allotted personnel para sa iba’t-ibang Department at year level kaya naman ay hindi siya gaanong matatagalan sa tantiya niya. She waited patiently kahit na maya-maya at tumatayo sila para mag-move ang kanilang pila sa hulihan. When she turned around, her gaze was glued to that tall student again few meters away from her on her right side. Napakunot siya ng noo at sinipat na maigi ang pilang kinaroroonan nito. FRESHMAN. Iyon ang sign na nasa unahan ng pila ng mga ito. Kung ganoon ay incoming first year palang talaga ito? Napailing-iling siya. Tumingin siya sa gawi uli nito. Bata pa nga talaga ito? She felt frustrated. Kung ganoon ay ate nga talaga siya nito? Di sinasadyang napalabi siya habang nakatingin dito at parang nang-aasar naman ang pagkakataon at noon naman ito biglang lumingon sa gawi niya. She saw him smile but she felt awkward smiling back dahil di naman niya alam kung siya ba ang nginingitian nito. Instead, she turned her head to different direction. Sa kaliwa niya at kunwaring naghanap ng kakilala at maya-maya ay sa harapan naman niya. Kahit na ngalay na ngalay na siya sa kakatingin sa harapan at sa gawing kaliwa ay pinaka-iningatan niyang hindi mapa-lingon sa kanyang gawing kanan para lang hindi makita ang estudyanteng iyon. More than an hour had passed hanggang sa wakas ay natapos din siya sa kakapila. She held her registration form. 'Enrolled na siya!' Masaya niyang wika sa sarili at masayang tinitigan ang registration form habang naglalakad palabas ng school building. She will have a longer vacation dahil after three weeks pa naman bago magsimula ang klase nila at hindi na niya kakailanganing bumalik ulit dito sa school nila before that but what about Carolyn? May nangyari ba dito? Thinking about Carolyn at ang pang-i-indiyan nito sa kanya ay nagsimula na naman siyang mainis. Bahala ito sa buhay nito. Ipinasok niya ang Registration form sa kanyang bag at isinuksok naman niya ang cellphone niya sa bulsa ng kanyang pantalon pero di rin siya nakatiis at maya-maya ay dinukot ulit iyon at tinawagan ang kaibigan. Naka-apat na ring muna iyon bago may sumagot sa kabilang linya. “Hmmmm. Hello?” Tila inaantok na sagot ng kaibigan. “Carolyn!?” Tawag niya sa kaibigan. “Martina?” Pagka-klaro nito na parang kakagising lang. “Bakit?” “Oo, ako nga ‘to.” Naaasar niyang sagot dito. “Anong bakit? Di mo ako sinipot dito sa school natin. Di ba may usapan tayong ngayon tayo mag-eenrol? O bakit wala ka? Tulog ka pa? Kanina pa kita tinatawagan pero puro operator ang naririnig ko sa phone mo.” Walang prenong tanong niya dito. “Ngayon na ba yun? Is it Wednesday already?” “Ngayon ang usapan natin di’ba? It’s May twelve.” “No. ang usapan natin di ba ay Wednesday? Wait. Look at your calendar. What day is it today?” “I don’t care what day is it today. Ang usapan natin ay twelve, period.” “No. Ang usapan natin ay Wednesday. I-fo-forward ko sa’yo yung text mo sa akin na Wednesday tayo magkikita.” “Sure. Forward ko din sayo yung date na sinabi mo na May twelve tayo magkikita.” “Whatever. Asan ka na ba ngayon? I was sleeping tapos gigisingin mo ko para lang awayin?” Malakas nitong sabi. “I’m outside of the campus already. Tapos na ako mag-enroll.” Asar niyang sabi dito dahil tila balewala dito ang usapan nila. “Then good. Ingat ka sa pag-uwi mo. I have to sleep again. Bye.” "Wait. Carolyn!" Bago pa man siya nakasagot ay pinatayan na siya nito ng telepono. Napailing nalang siya. Huwag lang itong magpasama sa kanya dito sa school nila sa mga sususnod na araw para magpa-enroll. Tatawanan niya nalang ito. She released an evil laugh na nagpalingon sa mga estudyanteng naroon. Dahan-dahan siyang naglakad palayo at itinungo niya ang kanyang ulo hanggang may dumaang diyep na agad pinara at sumakay upang makalayo kaagad. Habang paalis ang diyep ay iniwasan niyang lumingon sa pinanggalingan. Her mind is screaming her friend’s name. Days passed at pansamantalang nakalimutan ni Martina ang tungkol sa lalaki until the official start of their class. Si Carolyn ay humabol sa enrollment three days before at muntikan pa itong maubusan ng slot. Mabuti nalang at oldie ito kaya automatic din naman na may slot na para rito. They are at the school’s stadium and have attended the School Assembly. May mga booth na rin for the Schools Club na bukas for new members. She and Carolyn had been a member of the Book Lovers Club ever since they were in their first year and the best part of it is it doesn’t require much of their time. It only requires that they attend a meeting held once every last Friday of the month. Aside from the Book Lovers club, she is also a member of their Newspaper Club contributing poems and short stories since she was in her second year. She is happy to be able to share some of her thoughts with her fellow students and she intends to do so until she graduates. “Sasali ka ba ng bagong club?” Tanong ni Carolyn habang naglalakad-lakad sila. “Kanina pa tayo pabalik-balik dito e.” “Oo sana.” “E di ba, dalawa na ang club mo? Nakukulangan ka pa ba sa gawain mo?” Kunot ang noong tanong nito. “Hindi naman. But I wanted to make full use of my time para matuto at makagawa ng mga bagay-bagay. There will come a time na mawawalan na tayo ng oras para gawin ang mga gusto natin.” Sandaling nanahimik si Carolyn na parang ninanamnam ang sinabi niya. “So, ano ba ang gusto mong salihan?” “Di ko pa din alam e. But I am thinking about Environmental Club or Social Service Club. What do you think?” “Bakit ako ang tinatanong mo?” Pinandilatan niya ang kaibigan. “Dahil kailangan kasama kita. Friends should not be apart from each other especially when it comes to clubs.” “Hoy tigilan mo ako. Bakit mo ako idadamay diyan? Nananahimik ako dito.” “Sige na. Di ba best friend mo ako? Pili tayo ng hindi gaanong madaming gawain sa dalawang iyan tapos doon tayo. Ano?” “Tsk.” Iningusan siya nito. “Sige na.” “Bahala ka na nga.” Niyakap niya ito at niyakag para makalapit sila sa club na tinuran niya. Nanghingi sila ng leaflets sa mga ito at inaral nila ang mga gagawin. They agreed to choose the Environmental Club dahil once in a while lang daw lalabas ng school for community service and mostly they will be supervised by the people from the government so they will be safe. “Let’s go to the mall after this.” Yakag ni Carolyn sa kanya. “Sure.” Mabilis niyang sagot dito. “Ngayon na tayo pumunta. Tapos naman na tayo dito e.” Kailangan din kasi niyang bumili ng ilang gamit para sa kanilang klase kinabukasan. “Ang bilis ha. Usually, inaabot ng ilang minuto bago kita maakay sa mall.” Natawa siya sa sinabi nito. “May bibilhin din kasi ako. Ano ayaw mo?” “Gusto ko. Gustong-gusto.” Masaya ang mukhang sagot nito. “Halika na.” Hinila siya nito palabas ng stadium hanggang sa nakarating sila sa sakayan ng diyep. Ilang lingo pa ang dumaan at tuluyan na halos na nakakalimutan ni Martina ang tungkol sa crush niyang estudyante bago niya ito nakita ulit. Sa dami ng populasyon ng paaralan nila, sino ang mag-aakalang makikita niya ito sa acquaintance day ng bago niyang club. Ang Environmental Club na sinalihan nila ni Carolyn. The group is composed of more than thirty members and they were all sitting horizontally sa bench ng basketball court ng school nila while the senior students discussed the mission and vision of the group. Katulad niya ay hindi rin mapagkit ang tingin dito ng ilang kababaihang miyembro ng club na iyon at nakita iyon ng kaibigan niya. “Hoy, di na maalis ang tingin mo sa taong 'yun.” Pabulong nitong inginuso ang tinitingnan niya na nasa ikalawang hilera mula sa ibaba. Kinunutan niya ito ng noo. “Sino ba?” “Ang galing. Kunwari ka pa. Huli na kita no. Ngayon ka lang tumitig ng ganyan sa ilang taon nating magkaibigan.” “Sshhhh.” Saway niya dito ng mapatingala sa gawi nila ang ibang estudyante. Carolyn stopped for a moment pero nang mawala sa kanila ang atensyon ng iba ay nagsimula na naman itong magtanong sa kanya. “Sino 'yun. Kilala mo?” Dahil ayaw na naman niyang humatak sila ng atensyon ay iling lang ang isinagot niya rito. “Bakit ka nakatingin sa kanya?” Sinamaan niya ito ng tingin at ihinarang niya ang hintuturo sa labi niya. “I didn’t know anyone here. Okay?” Siningkitan siya ng kaibigan ng tingin pero natapos ang meeting na iyon na hindi na ito ulit nagtanong sa kanya. Lumipas ng mabilis ang mga buwan at dumating na ang final term ng taong iyon na pinakahihintay at pinaghahandaan ng lahat kahit na gaano pa ito kahirap. Graduation is just a year away and anytime soon ay magsisimula na ang panibagong journey nilang mga incoming senior students. After their graduation, some might pursue other career na iba sa tinapos nila. Some might make their own family early. Some might pursue further studies abroad lalo na yung may mga pera and some at other universities here in the Philippines. Some might work for other companies but for some others, like her, they will be working for their own family’s businesses. Her future is planned and pre-determined. She cannot do anything that was out of plan. Her family relies with her help lalo na ang kanyang ama na tumatanda na rin. Mabuti sana kung may ibang anak pa ang magulang niyang pwedeng maasahan maliban sa kanya. Well, aside from the perk of sole attention she gets from her parents she also has the sole responsibility towards them as a single child. Early morning that Monday ay tinawagan niya ang magulang niya sa Quezon Province at in-inform niya ang mga ito na ang araw na iyon ang simula ng kanilang final term. It will last until Friday and after ng exam niya ay pwede siyang umuwi muna sa probinsya nila before the start of their next school year for a quick vacation at makatulong narin sa ama sa kanilang naghihingalong kompanya. “Stay there until your graduation is over, Martina.” Anang kanyang ama sa seryoso nitong tono. “Pero sayang naman po. Next year pa po ang graduation ko. That’s still one year away. I could have studied the situation of our company during that time.” “It’s okay. We will get there in due time. For the meantime, enjoy your day at Manila dahil pag-uwi mo dito after your graduation ay sasabak ka kaagad sa trabaho. Are we clear with that?” “Pero ‘Pa. Matagal pa ‘yun.” “Kaya pa naming ng Mama mo, Martina. Don’t worry about us too much. Focus ka muna ngayon sa exam mo.” Mahina siyang tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Saglit niya ring nakalimutan na may exam pala siya ngayong araw. “Sige po. Pasabi nalang po kay Mama na tatawag nalang ako ulit. Maghahanda na po ako sa pagpasok.” “Sige. Goodluck anak.” “Salamat po. Ingat kayo.” Pagkatapos niyang ma-off ang tawag ay nagdumali siyang naghanda sa pagpasok sa eskwela. Pagkarating niya ng school ay nadatnan niya na roon si Carolyn na nagpataas ng magkabilaan niyang kilay. Sa buong tatlong taon na magka-klase sila sa unibersidad na ito ay mabibilang lamang sa kaniyang mga daliri sa kamay ang mga pagkakataong nauna ito sa kanya. “Himala. Ang aga mo ngayon a.” Aniya rito pagkaupo niya sa katabi nitong upuan. “Nenenerbiyos ako e.” Nag-aalala nitong wika sabay pangalumbaba. Kumunot ang noo niya. “Saan?” “Sa exam natin.” “Di ka nag-review, no?” Pinanlakihan siya nito ng mga mata. “Paano mo nalaman?” Inirapan niya ito. “Di ka naman magkakaganyan kung nag-review ka e.” Lumabi ito sa kanya. “Anong gagawin ko?” “Ano pa, e di magbasa ka na.” Kinuha niya sa kanyang bag ang notes niya para sa subject nila. “O ito may mga pointers ako diyan. Kahit yun nalang ang pasadahan mo ng basa habang wala pa si Prof.” “Thank you, best friend.” Anito sabay kuha sa inabot niyang notes. Habang nagbabasa ito ay tumayo siya at gumawi sa bintana ng room nila. Nasa third floor sila ng business administration building at mula sa kinaroroonan nila ay kitang kita ang oval ng school nila. Kaunti lamang ang estudyante na naglalakad-lakad sa labas dahil sa exam nilang lahat ganoon pa man ay nagbabaka-sakali siyang makita pa rin roon ang crush niya. Sa kakakulit ni Carolyn sa kanya pagkatapos nang acquaintance nila sa Environmental Club ay inamin niya rin sa kaibigan na totoo nga ang hinala nito. Madalas ay ito ang lookout niya sa tuwing nasa labas sila ng kanilang school room at maagap nitong itinuturo ang kinaroroonan ng lalaki kapag una nitong nakikita iyon. In one year that they have been in the same club, never niyang nakita o nakilala ng personal ang lalaki. Mula sa pagtatanong ni Carolyn sa ibang estudyante ay nalaman nito na Marro pala ang pangalan ng lalaki at ikwenento iyon sa kanya ng kaibigan ganoon narin ang iba pang impormasyon tungkol sa lalaki. He was indeed a freshman student of AB Communication pero dahil malayo ang building nila sa building nito ay hirap silang makakuha ng ibang detalye tungkol dito. Thinking that she only has almost five days to see him this school year makes her so sad. Gusto sana niyang sulitin ang pagkakataon habang nasa isang lugar lang sila na makita ito because deep inside she is afraid that he might go somewhere after this school year and might not enroll again at the same school as she were. She stayed at the window until their professor arrived but Marro was still not in sight. “Balik na sa mga upuan.” Narinig niyang sigaw ng class president nila. Lupaypay siyang bumalik sa kanyang upuan. She is hoping na sana ay huwag namang matapos ang araw na iyon na hindi niya ito nakikita na pinagbigyan naman ng pagkakataon. After their first exam, they went to canteen for lunch at nadatnan nila doon ang kumakaing grupo ng lalaki. They were talking teasingly about their own exam. Nang makabili ng pagkain ay hinila siya ni Carolyn sa isang bakanteng mesa pangatlo mula sa okupado ng mga ito. Umupo sila paharap dito. Habang kumakain ay di niya maiwasang mapangiti kahit na iniiwasan niyang mapatingin ng diritso sa gawi ni Marro. She felt her face burning already with his mere presence at kung titingin pa siya dito ay di na niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya. Sapat na ang pagkakataong masulyapan manlang niya ito ng ilang sandali na babaunin niya para sa ilang araw na hindi niya ito makikita. Natapos ang examination days nila na hindi na niya ulit nakita si Marro na siyempre ay nagpalungkot sa kanyang bakasyon lalo pa at hindi siya pinayagan ng magulang niya na umuwi ng Quezon Province. Para mabawasan ang bugnot at kahit paano ay magkapera siya habang bakasyon ay napag-desisyunan niyang mag part-time bilang kahera sa isang coffee shop malapit sa kaniyang condo unit. Doon niya natutunan kung paano magtimpla ng masarap na kape at kung saan siya nakaisip ng panibagong concept para sa farm company ng ama na kung saan ay mas concentrated sa production ng farm fruits kaysa sa usage ng mga iyon. She discussed her thoughts with her parents which they take positively and her father suggested immediately that she take over the company right after she graduated from school. Nag-alala siya sa suhestiyong iyon dahil wala siyang idea sa kung paano ba magpatakbo ng kompanya sa edad niya but they have been very supportive. It was a great pride for her na mapagkatiwalaan ng magulang kahit wala pa siyang experience and they also promised that they will be there to assist her all the time. While working at the coffee shop ay ibat-ibang consepto ng inuming kape ang naisipan niya. Matiyaga niyang inaral ang ibat-ibang klase ng kape na gamit nila at ang lasa ng mga iyon lalo na kapag naihalo sa ibang ingredients like sugar and milk maliban pa sa klase ng beans nito at yung growing condition ng beans. Simula nang tumuntong siya ng kolehiyo ay wala na siyang ibang inisip na gawin kung hindi ang matulungan ang magulang niya sa pagpapalago ng mga ito sa kanilang negosyo. She's been aware na dumadaan sa malaking problema ang kompanya ng ama dahil sa unti-unting pagbabawas ng mga ito sa allowance niya kahit hindi sabihin sa kanya ng deritsa ng magulang niya. Her father's voice which was always lively when she was a kid has now been serious when they talked through the phone at ang ina naman na dati-rati ay dumadayo pa ng Manila para lang mag-shopping ay hindi manlang siya mapuntahan lalo na kung walang okasyon. Her parents might not say anything about their financial difficulties but their actions are much louder and it pains her. She really wanted to help them. Her grades have always been good since she was a kid at inaasahan niyang sa susunod na taon ay magiging proud ang magulang niya sa kanya. She studies hard not just for herself but mostly for her parents. Alam niyang malaking hatak din sa isang kompanya kung ang namamahala dito ay mayroong latin award na siyang target niya. It will boast the ego of their company lalo na at may balak siyang mag-expand once na nag-stable ang company nila under her management. She sighs deeply. It was only 1 P.M at matumal ang pasok ng tao sa coffee shop sa mga oras na iyon. She scribbled something on her notes when someone opened the glass door. Umawang ang bibig niya sa taong palapit sa kanya. Why does it have to be Marro Dominguez!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD