Martina’s dream came true. The days quickly passed and her wedding day came. Elegante ang simple niyang puting bestida sa haba nitong lagpas takong. It’s an off-shoulder silk dress na hakab hanggang sa kanyang baywang at flowy naman hanggang sa baba na pinarisan niya ng silver strapped high heels. Dahil sa iksi ng panahon ng pagpre-prepara para sa kasal nila ay minabuti niyang bumili nalang ng bestida sa isang online wedding shop na maswerte namang kasyang-kasya lamang sa kanya ang sukat at tabas at hindi na kinailangang padagdagan o pabawasan sa mananahi. Nagustuhan niya ang estilo ng gown na bumagay sa pagkakapusod ng kanyang buhok na nakatawag pansin sa kanyang mga balikat. Mula sa pagkakatitig sa kanyang sarili sa salamin ay bahagya niyang ikiniling ang ulo at sinipat ang hikaw na

