Isang tawag ang gumulantang sa mahimbing na tulog ni Martina. Noong una ay pilit pa niyang binalewala iyon pero lumipas na ang ilang minuto ay sige pa rin sa pagtunog ang cellphone niya. Namamatay lang ang tawag saglit pero maya-maya ay bumabalik din. Lukot ang mukhang hinagilap niya iyon at sinagot. "Uhoh." Antok na antok niyang sagot dahil halos kakatulog niya lang dahil sa paglalamay sa balitang may kinikitang babae ang asawa niya. "Hello, Martina! Nagising ba kita?" Hindi man nagpakilala ang nasa kabilang linya ay kilala na niya ang boses na iyon. Ang kaibigan niyang si Carolyn. "Oo. Bakit?" Nakapikit pa rin niyang sagot. "Bruha ka. Hindi ka manlang nagsasabi sa akin na may problema na pala kayo ng asawa mo." "Ano bang problema?" Pilit niyang balewala sa sinasabi nito kahit alam n

