Two weeks bago ang kasal ay pormal nang namanhikan ang pamilya ni Marro. It was an abnormal set-up dahil unang-una ay patapos na ang mga preparations nila noon na magkatulong na inorganisa ng pareho nilang ina. Tapos na silang makabili ng mga isusuot nila. Tapos na silang bumili ng wedding ring. Tapos na rin silang mag-food tasting at tapos na silang komunsulta sa simbahan. Samakatuwid ay nahuli ang dapat sana ay nauna. Hapon na ng dumating ang mga ito na may mga dalang pagkain at alak. May buong litson at ilang putahe pa ng ulam na pawang gawa ng mama ni Marro na pumuno sa malaki nilang lamesa. It was fun for their parents pero para sa kaniya ay para siyang nasa roller coaster sa loob ng dalawang buwang iyon. It’s not because she doesn’t like all of those at all. But her heart keeps on

