Bago pa lamang bumabangon si Clark mula sa pagkakahiga ay agad din naman itong humandusay dahil sa pagsalubong ng mga kamao ni Candy. Agad namang sumaklolo si Trevor, niyakap si Candy mula sa likuran. Napahinto rin naman agad si Candy nang bumulong si Trevor sa kanya gamit ang pagkalambing-lambing na tono, kasabay ng maliliit na halik sa kanyang balikat at pisngi. Kung naiba lamang ang sitwasyon at baka nagkikisay na sya sa kilig o di kaya ay kaladkarin na nya ang hudyo sa kwarto dahil sa sensayon na ipinapadama nito. Kung kelan ka nabuntis tsaka naman dumoble yang pagkagarutay mo! Sabi ng isang bahagi ng kanyang utak. “Ano!? Lampungan sa harapan namin?” si Toyang na di na maipinta ang mukha. Pero wag ka, kaya pala sumaglit sa kwarto eh nag-blush on at lipistik ang bruha. “Eto kasing si

