“Thank you, Che. Ako na ang magdadala.” Narinig kong sambit ni Rome binitawan nito ang kamay ko sabay kuha sa hawak na tray ni Cherry. Magsasalita pa sana ako kay Cherry na huwag na akong tawagin na Ma’am, pero saka ko na lang kakausapin ang ibang kasambahay. Nagmamadali si Rome na maka-akyat patungo sa kwarto nito. Nang makarating sa tapat ng pinto ay ako na mismo ang nagbukas ng pinto. Nang makapasok sa loob ng kwarto ay saglit kong nilibot ang paligid. Wala itong pinagbago nang huli pa akong nakapasok dito. “Lock the door.” Utos ni Rome na sinunod ko naman. Mabilis nito na inilagay ang tray sa table sa tapat ng couch. “Come, baby.” Malambing na tawag ni Rome habang inihahain ang pagkain. Sumunod naman ako at umupo sa couch katabi nito. “Rome, ako na.” ang sabi ko para pigilan

