Nagbuga ako ng malalim na paghinga at yumuko na lang para tuluyang ikalma ang sarili. Pinikit ko ang mata at naukit na yata sa isip ko ang gwapong mukha ni Rome, kung paano ako nito tiningnan ngayon ngayon lang. Muli kong inangat ang tingin at baka maging halatado ako na kinakabahan sa presensya ni Rome. Sakto ng pag-angat ko ng tingin ay nakita ko na si Rome sa normal nitong seryoso na mukha kapag nakatingin sa akin. Nag-aya na ito na bumaba kami sa dining area para kumain. Pagpunta namin doon ay nakahain na rin pala si Nanay Bering. Agad kaming nagsipag upo. Kaharap ko si Rodney at nasa gitnang upuan naman si Rome na kalong pa rin si Rowan. “Salamat, Ate Bering,” tipid na wika naman ni Rome sa matanda na nakangiti. “Sige, Sir Rome, may, kailangan pa po ba kayo?” “Wala na, Ate.” Nag

