Irah Marie’s POV “Ate Irah?” Nanlalaki ang mata ni Rodney nang makita ako. Bigla itong ngumiti at halos nagtatakbo na lumapit sa akin. Naglalakad kami ni Rome papasok na sa mansion nito. “Rodney!” Sinalubong ko naman ng yakap ang bata. Umupo pa ako para magpantay ang mga mukha. “How are you?” tanong ko pa sa bata habang ginugulo ang buhok nito. “I miss you, Ate Irah. I hope you won’t leave us again.” Nakita ko naman ang lungkot sa mata ng bata. Umiling na lang ako para gumaan ang loob ng bata. “You want me to cook for you tomorrow?” sabi ko sa bata nang nakangiti. Bigla naman lumiwanag ang mukha ni Rodney at tumango ito. Nakita ang excitement sa mukha ng bata kaya lumapad ang ngiti ko. Narinig ko ang isang malakas na tikhim sa gilid ko at napaangat ako ng tingin. Doon nakita ko sa

