Chapter 14

804 Words
Zyra POV... NAALIMPUNGATAN ako sa sinag ng araw. Shocks! May pasok pa ako! Dali-Dali akong bumangon mula sa pagkakahiga ko. Kukunin ko na sana yung glasses ko sa harap ko ng mapansin kong... Wala pala ako sa bahay. Nasa Condo ako ni Allen. Haist. Ulyanin na talaga ako. Kinuha ko nalang yung Sandals ko sa ilalim ng kama. At lumabas ng kwarto ni Allen. Wag kayo dyan! Wala kaming ginawang iba ni Love natulog lang. "Love, Goodmorning!"- masayang bati sa akin ni Allen. "Morning, wala kang subject ngayon?"- tanong ko sa kanya. "Hmmn.. sabay na tayo pumasok, okay lang naman kay Mehunny na ma-late ako ngayon."- napairap na lang ako. Haist. Imbes na ang teacher namin ang nagagalit sa kanya, si Mehunny pa yung nagagalit pag-late si Allen. "Love... wag ka ng magselos kay Mehunny." Nag-pout ako sa kanya at umiling. "Hindi na ako nagseselos sa kanya. Lul. Baka ikaw? Selos ka kay Zohar noh?"- nakangising sabi ko sa kanya, agad namang nagbago ang facial expression nya dahil sa sinabi ko. "Tsss... alam mo naman pala, edi lumayo ko na sa kanya." Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nya. "Pag sinabi ko bang nagseselos ako kay Mehunny, lalayuan mo rin ba sya? Diba hindi?" Bumumtong-hininga sya at umiwas ng tingin. "Syempre--" "Syempre tutor ka nya, alam ko naman yun Allen eh. Kaya ayos lang. Tara kainin na natin yung niluto mo."- pag-iiwas ko na lng sa topic. geez, away na naman ba kami? "Fine. Let's eat." ~•~ Pagkatapos naming kumain, si Allen na yung nagligpit ng pinagkainan namin. Then, naligo na muna ako, may binigay rin syang uniform sa akin. Maaga daw syang lumabas at binilhan ako nun. Pagkatapos kong naligo, lumabas muna ako at humiga sa kama ni Allen. Haist. Parang gusto ko ulit matulog dito maayang gabi, kaya lang baka sabihin nila Mama, namimihasa na ako. *bzzt* Kinuha ko sa ilalim ng unan yung cellphone ni Allen. Mahilig kasi syang maglagay nung cellphone nya dun, at kung anong reason? Para magising sya sa Alarm Clock daw nya sa phone. From:Mehunny Good morning! Bakit wala ka sa first subject? Kumunot ang noo ko sa tanong nya. Seriously? Usisera sya, kailangan talaga alam nya kung ano lagi ang nagyayari kay Love? Tsk. Namalayan ko na lang na sinasagot ko na yung tanong nya kay Allen. To:Mehunny Good morning. Puyat ako kagabi, pinuyat kasi ako ni Love ko. Kaya late na akong nagising ngayon. Napahigikhik ako pagkatapos kong i-send yun. Pero dinelete ko muna sya sa sent items. Ayaw pa man din ni Allen na pinakikialaman ko yung phone nya lalo na yung mga private messages na para lang sa kanya. Tinago ko naman ulit sa ilalim ng unan yung cellphone ni Allen. Ini-imagine ko yung mukha ni Mehunny na naiinis. Hahaha. Ang saya! Tumayo na ko at nakangiting lumabas sa kwarto. "Oh, naligo ka lang ang saya mo na love."- sabi ni Allen pagkalabas ko which is nakabihis na rin sya. Siguro naligo na sya dun sa isang C.R. "Wala lang. Ang sarap ng tubig sa banyo mo eh."- pagsisinungaling ko. Ngumiti naman sya at hinawakan ang kamay ko at nilapit ako sa kanya. "Mas maganda pala kapag mas mahaba yung palda mo."- humaba naman yung nguso ko sa sinabi nya. "Tsk. Bolero! Ang pangit nga eh, para akong manang."-sabi ko at ibinaon ang mukha ko sa dibdib nya. "Oo mukha kang manang, Manang na para sa akin lang."- ramdam ko na talaga ang pamumula ng pisngi ko ngayon. Grabe di ako ready. "Tssss...." "Wag kang masyadong kiligin Love ko, baka ma-heart attack ka nyan." "Peste! Hindi ako kinikilig!" Hinarap nya ako sa kan'ya. "Anong ibig sabihin ng mga namumula mong pisngi love ko?" Kinabig ko sya at niyakap. "Oo na. Kinikilig na ako." ~•~ Matapos ang asaran namin kanina ni Allen mandito na kami sa SHU. "Sabay na tayo. Akin na yang bag mo."- inirapan ko naman sya at inalayo ang bag ko mula sa kanya. "Ano kita? Alalay? Boyfriend po kita hindi alalay. Kaya Keep Calm and just love me Allen."- nakangising sabi ko sa kanya. Nakakainis anong akala nya? Sya lang ang marunong magpakilig? Ako rin kaya. Kitang-kita ko ang pagpula ng pisngi nya. Syempre ang puti nya at mukha syang bakla. hahaha. "Wag kang masyadong kiligin Love ko, baka ma-heart attack ka."- pang-aasar ko rin sa kanya. At tumawa. "Tsss.. Bad girl ka na love ko." "Hindi kaya, ang sweet ko nga eh."- sabi ko at lumapit sa kanya at mabilis syang hinalikan sa labi. "Uyyy... namula sya lalo."- sabi ko at binelatan sya. Sumimangot naman sya sa akin. "Hindi ako ready Love, edi sana nag-french kiss tayo."- automatic naman na namula ako sa sinabi nya. The last time we did that French kiss thingy na yan nung Graduation namin. Remember pagkatapos nya akong sunduin sa Condo ni Mau? Dun nag-date kami. "Bastos ka! Tara na nga!"- sabi ko sa kanya. Pero ngumiti lang sya sa akin. Nawala naman agad ang pamumula ng mukha nya. At ako? Nawala naman ang ngiti sa labi ko ng makita namin sila Mehunny. Damn it! ********************* A/N:Next Ud is after 50 votes and 15 comments. Deal Crushers? Mabilis naman kayo eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD