Zyra POV...
Malapit nang mag-one week dito sa SU sila Mehunny.At habang mas tumatagal mas lalong nagiging busy si Love ko sa pagiging tutor nya.Ganun ba ka-slow si Mehunny para hindi ma-gets ang mga inaaral namin?
"Zyra Anak,nasa labas na yung boyfriend mo."
"Ah.Sige po,mauna na ako Ma,Pa?"
Tumango lamang sila sa akin.Haist.I miss my family,lagi kasing may assignments na pinapagawa yung mga teacher.And sabay naman naming ginagawa ni Zohar yun.Nagulat ba kayo?After kasi nung tinanggap ko na sya as my Bestfriend.Lumipat na sya sa amin.Kaya pati subject ko parehas kami.Tsss...Iba rin ang trip nung Badboy na yun.
"Love..."
Kiniss muna nya ako sa cheek bago ako pinagbuksan ng pinto ng kotse nya.Kakabati nga lang namin mula nung nag-LQ kami.Kung ano-anu ang pinagsasabi nya.Eh kesyo nanglalalaki daw ako.Tapos tinanong nya pa kung may relasyon kami ni Zohar?!Kaya nag-init talaga ang dugo ko nun at hindi ko sya pinansin.
"Love...okay na ba talaga tayo?"-nag-aalalang tanong ni Allen sa akin habang nasa sasakyan kami.
"Hanggang ngayon,pinag-iisipan ko pa rin Allen...Ang liit ng Trust mo sa akin."
"Hindi naman sa ganun Zy...."
"kung ganun makitid ang utak mo?"
"Zy..."
"Bakit nung kayo ni Mehunny?Pinag-isipan ko ba kayo ng kung ano-ano?Diba hindi?Ang problema kasi,ang kitid ng utak mo minsan Allen."
Humigpit naman ang hawak nya sa manibela ng sasakyan.
"Damn it Zy!Wag mong sirain ang magandang mood natin.Kung galit kapa rin sa akin.Sabi mo kahapon sa text okay na tayo.Then now!Ganyan na naman ang ugali mo?!"
"DON'T RAISE YOUR VOICE TO ME ALLEN!!!"
Inis kong ibinaling ang tingin ko sa bintana.
"Sorry Zy..."
Hindi ko na lang sya pinansin.Ang bigat na ng dibdib ko.Nasasaktan ako sa tuwing nagkakaganito kami.
Nakarating kami nang School na tahimik lang.
"Zy...sorry talaga.Mamaya dun kami sa bahay nila Mehunny mag aaral.Kaya hindi kita maihahatid.Babawi na lang ako."
There's again,his famous line.
'Babawi na lang ako.'
Siguro kung utang yun,nagkapatong-patong na.
Huminga na lang ako ng malalim at tumalikod na sa kanya.
"Zyra Boo!!!"
Napatingin naman ako kay Zohar.Sya na ang gwapo,syempre next to may Love and Bestfriend Lance.
"Goodmorning boo!"-nakangiting bati sa akin ni Zohar.Boo?Tawagan lang naman namin.Arte kasi ni Zohar eh.Gusto nya may endearment daw kami.
"May maganda ba sa morning kung may LQ kami ng Boyfriend ko?"-sarkastikong sabi ko sa kanya.
"Tss..andito naman ako eh..."
"May sinasabi ka ba 'boo'?"-pinagdiinan ko pa ang salitang boo kasi naman,napilitan lang naman ako na tawagin sya ng boo na yan.
"Wala.Sabi ko ang ganda mo ngayong umaga."
"Ngayong umaga lang?"-inis na sabi ko sa kanya.
"Hahaha.Ang cute mong magsungit boo."
"Tsss...Shut up!"
Natatawa naman syang sumabay sa akin.
Pagdating namin sa room.As usual andyan yung mga masasamang tingin at malisyosang tingin ng mga kaklase namin.Tsss...as if I care,may Boyfriend na ako at sapat na sya.Ewan ko lang sa kanya.
Nanliit naman ang mata ko ng pagpasok ko sa room ay nakatulog si Allen tapos hinahaplos ni Mehunny yung buhok nya.Parang nag-flashback sa akin yung mukha ni Sam nung may sakit si Allen nun tapos hinahaplos-haplos nya rin yung buhok ni Allen.
Uminit agad ang dugo ko at lumapit ako sa upuan nila dalawa.
"Allen!!"
Iniangat nya naman ang ulo nya at nagtatakang tumingin sa akin.
"Kung makikipag-away ka ulit Zy.Mamaya na please...masakit ulo ko."
Galit naman akong tumingin sa kanya.
"Mukha ba akong makikipag-away Allen?"
Nag-'tsk' lamang sya.
Binalingan naman ako ni Mehunny.
"Zyra,alis ka na dito.Ako na bahala kay Allen.Kailangan nya kasi ng 'care'."
Tinignan ko muna sila ng masama bago ako pumunta sa upuan ko.
"Tssss....Sabi ko nga sayo Zy.May b*tch sa tabi-tabi.Parang mga Plastic lang?"
Iniwas ko na lang ang tingin ko kay Sam.Simula pa lang mabigat na ang pakiramdam ko kay Mehunny.Hindi ko man sinasabi pero yun talaga.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko at lumingon ulit kay sa upuan nila Allen.Nagulat na lang ako nang nag 'smirk' sa akin si Mehunny.
~•~
"Zy,ayos ka lang?"
"Boo,kumain ka na."
Nagkatinginan naman ang dalawa at sabay na nag-iwas ng tingin.Si Zohar pala yung tinutukoy ni Sam na 'Z' yung crush nya.Ang cute nilang dalawa,pero shhhh lang kayo.Iba pa naman magalit si Sam.
"Ayos lang ako.Pero wala akong ganang kumain."-sagot ko sa kanila.
"Zy,kumain ka.Gusto mo bang pumayat?"
Umiling naman ako kay Sam.
"Kamusta ka pala?Diba hindi maganda ang pakiramdam mo nung nakaraang araw?"
"Okay na ako.Nakainom na rin ako ng mga gamot ko."
Tumango ma lang ako.Buti na lang di na gaanong malala yung sakit ni Sam katulad nung high school.Madalang na lang syang atakihin ngayon.At balita ko may butas pala yung puso nya noon ngayon lumiit na daw.
"Zy,kainin mo yan.Ililibre pa man din kita sana mamaya sa mall."
"Tapos,makikita na naman tayo ni Allen?Tapos,mag-aaway na naman kami?"-inis na sabi ko sa kanya.
"Well...worldwar naman talaga."
Tumingin ako sa tinitignan ni Sam.Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko nang makita ko kung gaano ka-sweet si Mehunny kay Allen.
********
A/N:Hi Crushers!!Madami na ang nandun sa GC ng Crushers.Gusto nyo bang magpa-add?Just PM me.;)
Question of the day:
"Anong mararamdaman nyo kapag nabura yung Crush kita?"