Chapter 24

1460 Words
Zyra POV...  "Dalhan mo na lang ako nang coffee at sandwich dito. Then, pwede ka munang lumabas kasama sila." Napakunot ang noo ko at nahinto sa pagbabasa nang libro. Naghanap ako nang mapaglilibangan ko para masamahan ko sya ngayon sa paggawa nya nang paperworks nya. Nakausap kasi sya nang tito nya na kung pwede gawin nya yung iba sa paperworks nang kumpanya nila. Syempre kumpanya na rin yun ni Love kaya walang pagaalinlangan syang pumayag sa tito nya. Tapos nun, naghanap ako nang paraan para kahit papaano masamahan ko sya nang hindi ako nabobored. "Bakit naman? Ayaw mo ba akong kasama dito?" tanong ko sa kanya. "Nadidistruct ako sayo Zy... " "What?" "Aish. I'm busy mas maganda kung sundin mo na lang ako. Mag-aaway na naman ba tayo? Nakakasawa na." inis nyang sabi. "A-ahh. Okay F-Fine! Kung ayaw mo akong kasama edi wag." Tumayo ako at inis na umalis sa kwarto nya. Pagkababa ko sakto naman na nakita ko si Alyssa na gumagawa nang cake Cake lang ang alam nyang gawin, I mean mag-bake hindi sya magaling magluto. "Alyssa pwedeng gawan mo nang sandwich si Allen, then coffee na rin. Tsaka ihatid mo na lang sa kwarto nya." Tinaasan nya naman ako nang kilay sa sinabi ko. "Ano yun? Instant muchacha nyo ako ngayong araw? Tsss... nagbe-bake ako bes can't you see?" Napa-pout naman ako sa kasungitan nya. "Sige na bes... Babasahin ko pa to oh, tsaka pahihiramin kita nang libro mamaya. Gusto mo nung twighlight saga na book diba? Yung bigay sa akin ni Jelo." Lumiwanag ang mukha nya sa sinabi ko. Sabi na nga ba eh! "Talaga? Sige gagawan ko na sya. Magbasa ka na lang dyan bes, tsaka ihatid mo nga tong cupcake sa labas. For sure gutom na sila dun. Kanina pa langoy nang langoy, pasalamat sila mapuno sa mansyon ni Allen, dahil naku kung hindi... iitim sila katulad ko nun." Natawa naman ako sa reaksyon nya. Kaya sya umitim nung highschool dahil lagi syang nagbababad sa swimming pool nila at mahilig rin syang mag-beach kahit mainit. Kaya ayun sunog ang balat nya.pft. "Akin na nga yang cupcake baka kung saan pa mapunta tong usapan natin." Inabot nya sa akin at kinuha ko to. Dumaan ako sa pinto sa likod.  "Wahhh!!! Ibaba mo ako Lance!" "Ayoko nga. Hanggat hindi mo nabubura yung picture kong pangit." "Ang cute mo nga dun eh." "Ayoko. Delete it or else...." "Guys! Meryenda muna tayo!" putol ko sa mga couples na hindi naman couples pero nilalanggan ako sa ka-sweetan. Jusko lang sa harapan ko pa talaga? Ngayong naiinis ako kay Love dahil ilag sya? "Sus, Sinong nagbake nang Cupcake?" tanong ni Ishi. "Si Alyssa." maikling sagot ko, nakita ko naman na namutla ang iba. Yung iba naman umiling. "Bes, nawala na yung gutom namin." "Busog pa pala ako, ang dami kong tubig na nainom habang nagswi-swimming kanina." Napapamewang ako sa mga reaksyon nila. "Haist, Ang sama nyo kay Bes... hindi sya magaling magluto pero magaling sya mag-bake! Hala sige, tikman nyo muna yung ginawa nyang cupcake bago kayo manghusga." yung iba napa-nguso sa sinabi ko.  Dahil dun ako na mismo ang nauna na kumuha nang cupcake. At kinain ito sa harapan nila. "Masarap naman. Masyado lang kayong mapanghusga." Nakita ko na kumuha si ate Dara at sumunod na ang lahat. Natuwa ako sa reaksyon nila, mukhang nasarapan rin kasi sila sa cupcake na gawa ni Alyssa. I think mas maganda nga siguro na sumama muna ako sa kanila baka nasasakal na si Love sa akin dahil lagi kaming magkasama. Alyssa POV...   Pagkatapos kong magtimpla nang kape, gumawa muna ako nabg sandwich.   Tinignan ko yung oven, shocks! Malapit na to. Baka masunog na kapag umalis ako dito.   Nakita ko na dumaan si Mehunny. Tsss... sya na nga lang. "Mehunny!" tawag ko sa kanya agad naman syang tumingin sa direksyon ko. "What?" tsk. Ang sungit. "Pwedeng pahatid ako nito kay Allen sa kwarto nya. Hindi ko kasi maiwan tong oven eh." sana pumayag sya... "W-What? A-ah... sige a-ako na lang." Masaya kong inabot sa kanya yung tray na may lamang coffee at sandwich. Sus, mabait rin pala talaga tong si Mehunny sa kabila nang kalandian at kasungitan nya sa buhay.  "Oh eto." Ewan ko pero mukhang masaya sya nang kinuha nya sa akin yung Tray. Tsss... Imahinasyon ko na naman, napunta na naman sa wattpaderia world. Mehunny Mendoza POV...    Pinihit ko agad ang seradura ng pinto kung naka-lock. Well umayon naman sa akin dahil hindi to naka-lock. Dahan-dahan akong lumapit ss kama kung saan nakatalikod sa direksyon ko si Allen.    "Love, ilagay mo na lang dyan. Then you may go." Gosh. Ang sarap pala kapag tinawag ako ni Allen nang Love. Haist, masaya rin palang maging si Zyra. Dahil dun may kapilyuhang pumasok sa utak ko.  Ibinaba ko nang dahan-dahan yubg Tray. Lumapit ako kay Allen nang dahan-dahan at inilagay ang daliri ko sa balikat nya at pinadausdus hanggang sa likod nya. "Zyra..." Hanggang ngayon hindi pa rin sya lumilingon. No choice kailangan kong gumawa nang move. *Tsup* "What the?!" Gulat syang napatingin sa akin. I just kiss him in his cheeks, wala namang masama dun diba? "What? Super busy ka kasi at di mo man lang namalayan na pumunta ako dito." nakangisi kong sabi sa kanya. Ang cute nya mainis. "Mehunny, this is my room. At bakit ikaw ang nagdala nyan dito? Si Zyra ang maghahatid nyan sa akin." Inirapan ko naman sya. Zyra, Zyra! Everywhere and Everyone shouts her name. Pabida talaga ang bruhang yun. "And so? Kasama nya si Zohar ngayon and they are flirting. Look at them." tinuro ko sila Zohar at Zyra na ngayon ay magkatabi sa buhanginan malapit sa Dagat. Kahit sino iisipin na naglalandian sila dahil nagtatawanan sila. They look happy. "Tsss... I lost my appetite." mahinang sabi nya. At pinilig ang ulo nya, at pumikit. Ngumiti ako at tumabi sa kanya sa kama. Humiga ako at niyakap sya. "Hush... andito naman ako. I'm yours Allen. Just give me a chance." tinanggal nya ang kamay ko na nakapulupot sa bewang nya. "Sh*t, hindi ka nag-iingat Mehunny! Paano kung may nakakita sa atin? Ano na lang iisipin nila?" Napanguso naman ako. "Eh ano naman?" "Get out Mehunny." mariin nyang savi sa akin habang hinahawakan ang sintido nya. "You look stress, what can I help you?" pambabalewalang sabi ko sa kanya. Ayoko ngang umalis dito. "Mehunny... I don't need your help." "What if I do these?"  Sabi ko at hinalikan sya. Itinulak nya naman ako kaagad. "Damn. Kung ayaw mong umalis ako nalang." sabi nya at tumayo. Inis nyang ibinalibag ang pag-sara sa pinto.   Go Allen, kahit anong gawin mo didikit pa rin ako at didikit sayo. Zohar POV...   "Pst, Zohar!" lumingon ako kay Zyra. Ang kulit nya. "What?" "Anong what? Ang loner mo masyado. Bakit di ka man lang sumama sa mga boys?" "Anong gusto mo? Makisawsaw ako sa lovelife nila? Can't you see busy sila sa mga girlfriends nila?" Ngumisi sya sa sinagot ko. "Weh? Hindi naman nila Girlfriend yun. Si Ate Dara lang naman at kami ang couple dito. At yung mga yun..." turo nya sa mga couple na magkakasama ngayon. "--mga Feeling Cauple lang yung nga yun. Mga M.U may Malanding Ugnayan." natatawa nyang sabi kaya napangiti na rin ako. I love to see her happy. Kahit na hindi ako ang dahilan ng pag-ngiti nyang yun. "Mukhang masaya ka ngayon ah." agad naman syang sumimangot ng sabihin ko yun. "Tsss... buti nga nauuso ang ngiti eh. Alam mo kung bakit? Kasi yang ngiti na yan ang nagtatago ng tunay mong nararamdaman. Yung feeling na malungkot ka, pero ngumingiti ka para ipakita sa iba na masaya ka, na okay ka. Pero alam mo namang niloloko mo lang ang sarili mo. Yun ang bagay na hindi nila napapansin, naloloko mo sila pero ang sarili mo hindi." mahabang sabi nya. "Ang dami mong sinabi." "I know. Ikaw bakit Loner ka lagi?" "Tsk. Kasama ko si Chase. Ewan ko nga sayo eh, bakit hindi mo ininvite si Chase?" "Sorry, di ko lang sya naalala." "Ang sabihin mo... ako lang talaga ang tinuring mong kaibigan." Tinaasan nya ako ng kilay sa sinabi ko. Which make her cute. "Kapal mo! Pinagbigyan lang kita noh, kawawa ka naman kasi!" "Hindi ako kawawa." "Bleh, basta kawawa ka." "Kawawa pala ako ah...." at sinimulan ko syang kilitiin. "HAHAHAHA Z-Zohar! A-YOKO NA!! WAHAHA!" "Hmmnnn... bahala ka! I won't stop." nakangisi kong sabi.  Nagtawanan lang kami ng mapagod kami. "Shocks, ngayon lang ako nag-enjoy sa stay natin. Ngayon lang na kasama kita, yung hindi kasama si Allen." nakangiting sabi nya habang nakatingin sa dagat. "Me too. Wala naman kasi akong kausap dito eh." Kinurot nya ang pisngi ko. "Alam mo parehas kayo nung nasa exo... Si Kris, mahaba rin baba nun eh." Sinamaan ko naman sya ng tingin sa sinabi nya.  "Hahaha. Peace lang, gwapo ka pa rin naman eh."   And her last words make my heartbeat fast again and again. Damn, I really love this girl. ************** A/N: Sorry for the slow update, mas slow pa ang update dahil sa nalalapit naming Exam. Kaya hintay pa ng medyo matyaga okay? Maasahan ko pa kayo? By the way.. Please Vote and Comment. Para magkaroon tayo ng chance na manalo sa WATTYS 2016.    LOVE LOTS!                                   ~Nadz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD