[Reunion Part 2]
Mehunny POV...
Napataas ang tingin ko sa mga couples na nag-aaway. Kung bakit daw di man lang sila nag-inform sa mga Boyfriends nila. One of the reason kung bakit masaya talaga maging single. Less problem, free to do everything you wabt.
"Zyra!" tawag ni Allen pero nakapout lang si Zyra- the- slut sa kanya.
"Sorry na... nakalimutan ko kasi eh. Pero nag-shopping lang naman kami and see my hair! Bagong kulay lang sya. Pare-parehas kami nang mga girls na nagpakulay ng dulo ng buhok."
Huminga nang malalim si Allen at niyakap si Zyra.
"Pinag-alala mo ako."
"Sorry nga diba? Hindi na mauulit." niyakap nila ang isa't isa.
Shocks, kailan pa ako nahilig manuod ng couples na cheesy. Umalis muna ako dun at naglakad-lakad dito sa Mansyon nila.
"Pst! Sandali nga!" napatingin ako kay JP. Tssss... my dear ex.
"What? Anong kailangan mo sa akin? My time is too precious just for you." maarteng sabi ko.
"Ganyan ka ba talaga mag-welcome sa ex-boyfriend mo na naka-one night stand mo? Which is pinsan nang pinakamatalik mong kaibigan dati. What a big b*tch!"
Agad na dumapo ang palad ko sa mukha nya. Nanggigil ako sa sinabi nya at presensya nya. Sya ang dahilan kung bakit ako ganito, sya abg dahilan ng hirap ko!
"Wala kang alam! Nagsisi ako dahil nagustuhan kita nun! At nagsisi ako na iniwan ko si Sam dahil lang sa walang kwentang katulad mo!" hindi ko mapigilan na tumulo ang luha sa mata ko.
"At ako pa talaga ang walang kwenta?" nang-uuyam na tingin ang ibinigay nya sa akin.
"Ikaw na napalaglag sa sarili nating anak! Sinong walang kwenta?!"
Itinulak ko sya at tumakbo. Hindi. Hindi ko pa sya kayang harapin.Feeling ko ang dumi-dumi ko na ulit dahil sa sinabi nya. Wala syang alam! He's my first in everything!
And about his long lost son ... he's alive.
My Jhustine Zed Mendoza is alive. He's f*cking alive.
Binuksan ko ang cellphone ko at tumawag.
"Yaya si Zed po?"
"Baby Zed your mom wants to talk to you."
"Mommy? Mom... how are you?"
"I badly miss you Zed... how about you?"
"I miss you too Mom."
Pinunasan ko ang luha ko at pinatay ang cellphone.
Flashback...
Isang malakas na sampal ang ibinigay sa akin ni Dad.
"Buntis ka?! You're just f*cking 16 years old Mehunny! Isang kahihiyan sa pamilya ng ibinigay mo!"
Napayuko ako at kinuha ko ang pregnancy test ulit at napapikit.
"I'm ready in my own consequence Dad. I'm so s-sorry..."
Napailing si Dad sa sinabi ko.
"Ihihiwalay kita sa anak mo. At hindi pwedeng malaman ng iba na buntis at may anak ka na!"
Yumuko ako at tumango.
"K-kailan ko sya pwedeng makasama?"
"Kapag tapos ka ng mag-aral."
~•~
After 7 months...
Iminulat ko ang mata ko at puti lamang ang nakikita ko.
"My goodness! Mehunny your awake!"
Nakita ko si Yaya Leorna na papalapit sa akin.
"Where is my child?"
Hindi ito sumagot bagkus malungkot nya lamang akong tinignan. Tinignan ko naman si Tita Jes ang stepmom ko na nasa gilid lamang ng kama ko.
"Nag-aagaw buhay sya. Yan ang nangyayari kapag masyado kang bata para magbuntis... kulang pa sya ng ilang buwan para lumabas. Masyadong maaga mo syang nilabas kaya hindi pa sya ganun ka-developed."
Naluha ako dahil dun.
"Is he okay?"
Tinitigan nya ako nang husto.
"He's brave. Nanama nya sayo, kaya di ako nagtaka nang nabuhay pa sya."
Napaluha ako ulit pero dahil sa tuwa.
~•~
After nun pinaayos na ni Dad ang lahat. Mula nung nabuntis ako at nanganak nag stay kami sa Canada. Iniwan ko rin si Zed sa Canada simula nang araw na nawala na yung medyo malaki ko pang tyan.
My Dear Zed... Magkikita rin tayo ulit.
Maureen POV...
"Ikaw na nagpalaglag sa sarili nating anak! sinong walang kwenta?!"
"Ikaw na nagpalaglag sa sarili nating anak! Sinong walang kwenta?!"
Napaluha ako. May anak na sya dati. Hindi lang pala dapat si Zyra abg ma-threaten kay Mehunny. Ako rin.
Paano naman ang anak ko?!
Patakbo ako lumapit kay JP at sinampal sya.
"I hate you!"
Hinanghina ang tuhod ko ngayon. Kinuha nya ang kamay ko at ngumisi sya.
"Hindi ka na kasi nadala." sabi nya at iniwan ako.
Napaupo ako at humagulgol. I want to say na dinadala ko ang anak nya but ... f*ck he don't deserve to be a father. He's a monster.
"Baby... kaya n-natin to..."
Tumayo ako at pinunasan ang luha ko.
Oo nga naman... bakit ba hindi na ako nadala? Ilang beses na akong sinaktan ni JP.
Naglakad-lakad ako at nakita ko si Alyssa kasama si Jelo. Napailing na lang ako kung paano ilagay ni Alyssa yung ulo nya sa balikat ni Jelo.
She's inlove.
Ano ba yan! Napag-iiwanan ako ng nga kaibigan ko.
The next thing I knew nasa harap na ako nang kwarto ni Ate Dara. Pero agad rin akong umalis nang may nasilip ako. I mean ang awkward, magkasama pala sila ni Kuya Zander. Nakakahiya.
"Mau!"
Lumingon ako kay Zyra na may dalang tupperware na may laman na Langka. Bigla tuloy akong natakam sa langka na dala nya.
"Mau... sorry pala nung isang araw ha! Ang moody mo nun eh may problema ka ba?" tamong nya sa akin. I think this is the right time para may mapaglabasan naman ako nang sama ng loob. I need a friendly advice from her.
~•~
"Buntis ka?" namimilog na matang tanong ni Zyra.
"Yes. At si JP ang ama." walang ganang sabi ko sa kanya.
"Mau... bakit? Alam mo ba na posibleng masira ang future mo. Oo mayaman kayo, pero... paano ka makakapag-concentrate sa pag-aaral? Teka, alam ba to ni JP? Tell me."
Umiling ako.
"Dapat sinabi mo..."
Sinamaan ko ng tingin si Zyra.
"He's not a deserving father aftet all." makahulugang sabi ko sa kanya.
"Why?"
"Hindi nya ako mahal Zy. And mahal nya si Mehunny. I can see it Zy!"
Naningkit ang mata nya sa sinabi ko.
"Si M-Mehunny at JP may past?"
Tumango ako at nagsimula na magkwento.
"Lahat talaga nang bagay may dahilan. May dahilan kung bakit ganun ang ugali ni Mehunny. Kaya pala." sabi nya pagkatapos kong magkwento.
"Zyra, pwede bang secret lang natin to."
"Oo naman... kay Alyssa may balak ka bang magsabi sa kanya?"
"Yep. Afcourse kaibigan ko sya."
"We're all here for you and for you soon baby..." parang hindi nya maituloy ang sasabihin nya.
"Baby Crystal Zyllen Soliman."
Napangiti sya sa pangalan. Ewan ko rin pero gusto ko talagang lagyan nang Zyllen yung name nang soon to be baby ko lalo na kapag babae sya.
Zyra POV...
Ang ingay sa baba. Andun ang mga nagtatawanang lalaki kaya naisipan naming bumaba. Ngayon namin balak mag laro. As usual kapag ganito naghahanap kami nang makakapag-abalahan. Maliban sa gadgets! Gadgets is not allowed dito. Para ma-enjoy namain ang stay. And also books! At isa si Jelo na pasaway dun. Nagbigay ba naman nang tig-lilima kaming libro. Super addict yun sa w*****d. Tapos si Alyssa lang di nya binigyan eh mas addict sa w*****d yun ah. Pero sagot nya lang; "Marami na akong naibigay na libro sa kanya."
"Boys!!!! Ang ingay nyo!" nakapamewang na saway ni Ate Dara sa lahat.
"Maglalaro tayo ngayon nang..."
"Truth or Dare!" masayang sabi ni Alyssa bago pa masabi ni ate Dara.
"Pero para mas may thrill we need hard drinks!"
"NO!" Pigil agad ni Allen.
"Hindi pwedeng malasing ang mga girls... "
"So pag boys pwede. Kami hindi? That's unfair!" naka-pout na sabi ni Alyssa. Ah basta, si love na ang bahala dito. Wala na akong pakialam kung iinom man nang hard drink ang mga girls o hindi. Masunuring girlfriend ako eh.
"No. And it's final." mariing sabi ni JP sa lahat.
~•~
Umikot ang bote na ginamit namin ngayon para sa truth or dare namin. Excited ang lahat kung saan ito unang tatapat. Nang tumapat ito bigla kay Sam.
"Truth or Dare?" tanong ko sa kanya.
"Dare." tsss... duwag pala si Sam.
"Sapakin mo ngayon yung pinaka-ayaw mo dito." nakangising sabi ni JP kay Sam na nagpataas naman ng kilay nito. Pero tumayo sya at lumapit kay JP.
*gasp*
Sinuntok lang naman kasi ni Sam si JP. So si JP ang pinaka-ayaw ni Sam dito. Napahawak naman si Jp sa pumutok nyang bibig.
"That was... Damn it!"
Inikot naman namin ulit yung bote at tumapat kay Mehunny.
Gaya ni Sam tinanong rin si Mehunny.
"Truth."
Hindi ako nag-aksaya nang pagkakataon.
"Do you love Allen?" napatingin ang lahat sa akin. Ganun rin si Allen na nagtataka, ngumisi naman si Mehunny.
"Oo naman... mabait, masipag, matalino. Sino ba namang babae ang hindi magkakagusto sa kanya. Pero don't worry, babalaan lang kita. Mag-ingat ka." hindi ko na sya pinansin at inikot uli ang bote nang tumapat naman ate Dara.
"Dare." nakangiting sabi nya.
"Kiss me." sabi naman ni kuya Zander kaya nanlaki ang mata ni ate Dara dahil dito.
"What?"
"Tsss... Kiss me." tatayo na sana si kuya Zander nang lumapit sa kanya si ate Dara at mariin syang hinalikan. Aish, napapikit kami sa ginawa nila. It's awkward.
"Next na uyyy!!! Magmilagro na naman kayo dito." sabi ni Ishi, tinapunan lang naman sya nang masamang tingin ni Ate Dara.
Sumunod na tumapat ang bote kay Lance.
"Truth." matapang na sabi nya.
"Anong nagustuhan mo kay Ishi? Baka maging Rebound mo lang naman sya, that's unfair dude." kumunot ang noo ni Lance sa sinabi ni Alyssa.
"Syempre hindi ko sya Rebound. And correction... I don't like her, I love her. I love everything about her no matter what."
Napansin namin na natahimik ang lahat sa sagot ni Lance.
Umikot ulit ang bote.
"Ishi."
Tumingin sya sa amin, I know it's awkward.
"Truth." napatango kami at tumingin kay Lance as a signal na sya na ang magtanong.
"Do you love me too Ishi? May pag-asa ba?"
Lahat nakaabang sa sagot ni Ishi. Wait, ang bigat nang atmosphere.
"May pag-asa? O-oo naman. M-Mahal kita?"
Napatigil kami lahat habang naghihintay sa sagot ni Ishi.
"O-Oo naman... matagal na."
"So... Can you be my Girlfriend Ishi Dimaano my soon to be Mrs. Gonzaga?"
What the? At ngayon pa sya nagpropose eh, ang awkward tsaka... aish! Diskarte na yan ni Lance! Paano ba naman nung nagtanong sya sa akin nang ganun, ang engrande lang. Talagang surprise sya... at parang ang cheap naman nung kay Ishi.
"Lance... I love you but this is not the right time." pagkatapos nun tumalikod na sya sa amin at tumakbo sa taas. I think hindi nya nakaya ang awkward moment dito.
"Tsk. Tsk. Sa susunod kasi kapag nasa timing na Dre." pang-aalo nila kay Lance.
Lumapit naman ako sa kanya at Niyakap.
"There's a right time for you and Ishi, Lance."
Niyakap nya rin ako at ginulo ang buhok ko.
"I know Zy... I know. I love her and I'm willing to wait for until I get her sweetest answer, her yes."
"Goodluck. You're so kind Lance. Kaya yan ang tinatanong ko sayo noon, masyado kang maintindihin."
"Ugali ko yun eh."
"Love Let's go!" rinig kong tawag ni Allen na nakakunot pa ang noo. Maybe his Jealous to Lance?
"Fine!"
Nagpaalam ako at sumunod na kay Allen.
"You better sleep Love. Maaga pa tayo bukas. I'll check you in your room later. I love you."
Sweet. One word na made-describe ko ngayon kay Allen.
"I love you too. Goodnight!" nakangiti ko nang sabi bago ako tumuloy sa kwarto ko at natulog.
This is Great! Dahil kay Allen na wala yung parang nakadagan na Bato sa dibdib ko sa problema naming magkakaibigan ngayon.
*************
A/N: I love you Crushers. Tutal one's a week na lang ako makapag-Ud pwedeng pa-flood comments.lels. Para sa wattys2016 Crushers. Kaya ba?
By the way yung mga gustong magbasa nang one shot story. Please try my one shot story( The Blue-ink Pen) nasa may StewPeedGirl_ sya nakalagay. Please try to read it.
~Nadz