Lucas POV "Good morning, Lucas. Happy Birthday!" Sinalubong ako ng yakap at halik ni Mommy pagkababa ko ng sala. Today is my birthday and I'm turning thirty. "Are you excited for the party later?" Tanong nito sa akin. "Halika na sa dining para mag breakfast tayo, susunod na raw ang Daddy mo." Hinila ako ni Mom patungo ng dining at nadatnan namin si Nanay Sonya at Nanay Mel na naghahain na sa hapag. "Good morning po, Sir Lucas. Happy birthday!" sabay bati ng dalawang matanda. "Salamat po Nay Sonya and Nay Mel." ganting pasalamat ko sa mga kasambahay. "Magandang umaga din po Donya Margarita! Handa na po ang pagkain, kumain na po kayo." Si Nanay Sonya, umupo na kami ni Mommy sa mesa. Ilang sandali lang ay bumaba na rin si Daddy at sinaluhan kami sa hapag. "Happy birthday, anak!" bati

