AUBREY'S POV “Aubrey!” Malakas na sigaw na nagpalingon sa akin. Si Lucas nakatayo sa may di kalayuan. “Kuya Lucas...” mahinang sambit ni Chloe na hindi nakaligtas sa pandinig ko. Bigla namang nagtatakbo paalis ang dalawang babaeng alipores ni Chloe. Kasunod nito ay halos hirap na hirap na umalis na rin ang dalawang lalaking nasampulan ng pagiging blackbelter ko. Ang isa ay nakahawak pa sa p*********i nito. Masakit pa siguro hanggang ngayon. Kitang kita ko ang masamang tingin na ipinukol ni Lucas sa dalawang lalaki. Lumapit ako kay Angela na umiiyak at kinalagan ang pagkakatali nito at tinanggal ang nakabusal sa bibig. Nakamasid lang si Lucas sa akin na bakas pa rin ang galit sa nadatnan na eksena. Maya maya ay lumapit na ito sa kinaroroonan namin. “Chloe, bakit mo ginawa ito kay Aubre

