THREE

2435 Words
ROMANCE NOVELLA V. 1 series #1 FOR HIRE: A WEDDING DESTROYER © lucky_patch 2021 "The man of knowledge must be able not only to love his enemies but also to hate his friends." - Friedrich Nietzsche ( 1844 - 1900 ) ~ A daughter will do everything just to save her mother. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagbalik ng masalimuot na nakaraan na matagal na niyang pilit kinakalimutan. Matatakasan pa ba niya ito ngayong pilit siya nitong hinahabol? ~ CHAPTER THREE: The Damsel in Distress Continuation... ~~ "A- ANONG sabi niya?" mahina, at halos pabulong na tanong ni Nicole nang dumating sa bahay nito ang nobyong si Caleb. "Umiiyak at nagmamakaawa na huwag ko siyang iwan. Pero wala akong magagawa, Nicole. Ikaw ang mahal ko Ikaw lang at wala ng iba." tila sinserong sambit ni Caleb sa babae. "Kawawa naman siya." naaawa nitong saad. Kinuha ni Caleb ang kamay ng nobya na nakapatong sa sarili nitong kandungan saka hinagkan ito. "Hindi ka dapat ma-guilty, Nicole dear. Ang nangyari sa pagitan naming dalawa ay hindi kailan man naging bunga ng pag-ibig. Matagal kaming naging magkaibigan, madalas magkatuksuhan hanggang sa naging palagay na nga kami sa isa't isa. Isang gabi ay nagising na lamang kaming magkatabi at may nangyari na. Inakala namin noon na pag-ibig ang dahilan niyon kaya ipinagpatuloy namin sa isang relasyong walang tunay na kulay. Sa isang relasyong wala namang patutunguhan. Hanggang sa dumating ka sa buhay ko, Nicole." pambobola nito kay Nicole. Napasinghap ang dalaga sa mga katagang sinambit ng lalaking katabi niya. Na-overwhelm ito ng sobra dahil sa katamisan ng mga salita ng pag-ibig ng lalaking minamahal. "Sa iyo ko natagpuan ang kulay ng buhay na hindi ko kailan man nakita sa kanya. Sa iyo, naramdaman ko ang kaligayahang hindi kayang tumbasan ng kahit anumang yaman sa mundo." patuloy nito. Nang biglang may naalala si Nicole mula sa mga sinambit ng lalaki. "M- mayaman siya, Caleb. H-hindi katulad ko na anak lang ng isang simpleng tao." nahihiyang sambit ng dalaga. Ngunit hindi totoo ang mga sinabi niyang iyon. Humble lamang talaga si Nicole para ituring ang sarili at ang pamilya na mga simpleng tao lamang. Nang gabing makilala ni Caleb sa birthday party ng isang common friend ang babae, kinabukasan din ay umupa ng imbestigador ang lalaki upang alamin ang kalagayan sa buhay ni Nicole. At nanlaki ang mga mata ni Caleb nang malamang may-ari ng isang bangko sa Ilocos ang pamilya ni Nicole. Hindi lang iyon, bukod sa walong palaisdaan sa Pangasinan at ubasan sa Cebu ay may isang malaking kompanya pa ito ng mga de-lata, ang KNV Canned Industry na nakatayo sa Manila. Nalaman din ni Caleb na dalawa lamang itong magkapatid, ang isa ay lalaking na sa America na naninirahan at may sarili na ring negosyo. 'Ayos.' daig pa ang tumama sa sweepstakes at lotto na sambit nito sa sarili dahil napansin ng lalaki na may tama rito si Nicole. Dahil nung isang gabi sa party ng isang kaibigan ng lalaki ay napansin niya na hindi makatingin nang diretso sa kanya ang babae, ngunit madalas namang mahuli ni Caleb na nakatingin ito kapag hindi nakatingin ang binata. 'You're mine honey. You're mine. Mine alone.' bulong ni Caleb sa sarili at nung mga sumunod na araw ay hindi na nga nito hiniwalayan ang babae. ~~ "A- ANONG gagawin mo ngayon, hija?" tanong ni Tiya Teresa, isang malayong kamag-anak ni Aling Emy, kay Nez na tahimik na umiiyak habang nakatunghay sa natutulog na ina. Sa ospital na niya naabutan ang ina, walang malay ngunit nasa ligtas pa naman daw na kalagayan ayon sa doctor na nakausap niya kanina lamang. 'Pa.' Tumimo sa isip ni Nez. Hanggang kailan magiging ligtas ang kanyang ina? Hanggang kailan kakayaning supply-an ng gamot ang namimiligro nitong puso? Hanggang kailan? Kung nandito lang sana ang kanilang ama, hindi mangyayari ang mga ito. May katulong pa sana siya para maipagamot ang ina. "Ang tatlong baboy niyo ay pinangahasan ko nang ipagbili nung makalawa." sabi ng matandang babae. "Dahil nga ayaw tanggapin ang nanay mo sa ospital na ito hangga't walang down payment." Tumango naman si Nez, wala sa mga sinasabi ng malayong kamag-anak ang pansin kundi sa pag-iisip kung saan pa siya maaaring kumuha ng malaking pera sa loob ng maigsing panahon. Dalawang linggo lang ang ibinibigay na palugit ng doctor para makalikom siya ng pera upang madala sa Maynila ang nanay niya at agad na maisailalim sa operasyon. At halos himatayin siya sa halagang sinabi ng doctor. Kulang pa roon ang mga gamot at maintenance na kakailanganin ng ina niya kapag naging successful ang operasyon nito at para sa iba pang mga gastusin. ~ FLASHBACK ~ "Iha, hindi biro ang halagang kakailanganin mo para maoperahan ang nanay mo. Kailangan mo ng five hundred thousand pesos, hindi pa doon kasama ang gamot at iba pang kailangan ng nanay mo plus iba pang mga expenses like regular check ups. Kailangan mo iha makaipon ng isang milyon para tuluyang mapagamot ang nanay mo." anang doktor. "Ho? Pero wala ho kaming ganyan kalaking pera. Wala nga rin ho kaming naipon ni singkong duling sa bangko. Paano naman ho ako makakahanap ng isang milyon?" nanlulumong wika ni Nez. Nais na ng dalaga maglupasay ngunit pinatatag niya ang kanyang sarili. Para sa kanyang ina. "I'm sorry iha, pero hindi magagamot ang nanay mo kapag wala kang pambayad. Lalo na't sasailalim siya sa operasyon. All you can do is to pray for her." "Wala na ho bang ibang paraan para mailigtas ang nanay ko? Siya na lang ho ang bumubuhay sa amin. Nag-aaral pa kami ng kapatid ko." Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ng doktor. "Sige iha. Bibigyan kita ng dalawang linggo para makaipon ng five hundred thousand para agad na maoperahan ang nanay mo." ~ END OF FLASHBACK ~ "Dalawang linggo? Diyos ko, saan po ako kukuha ng ganoong kalaking halaga?" kawalan ng pag-asa ang maririnig sa tinig ng dalaga. "Kung may maitutulong lang ako, anak." Naramdaman niya ang kamay ni Tiya Teresa sa kanyang balikat. "Lamang, alam mo naman na isang kahig isang tuka rin ang pamilya ko. Ang Tata Kaloy mo, driver lang din sa hacienda ng mga Tacito. Naku, kulang pa nga samin ang sahod ng tata mo. Ang mga anak ko nga, baka hindi na makapasok sa susunod na taon sa eskwela. Hindi ko nga alam kung saan kami kukuha ng pera." Ayaw pumasok sa sistema ng nakatulalang dalaga ang sinasabi ng matandang babae. Ayaw o sinasadya niyang hindi pansinin. Masyado nang nakapanlalaki ng ulo ang problemang nasa isip niya, ayaw na niyang marinig ang hinaing sa buhay ng ibang tao. Hindi naman sa wala siyang pakialam sa ibang tao, ngunit sa mga oras na ito, wala ng espasyo ang utak niya para makinig pa sa problema ng mga ito. Marahil ay napansin ng madaldal na babae na hindi na na-a-absorb ni Nez ang paglilitanya nito kaya huminto ito sa pagsasalita. Nang maya maya ay bumuka na naman muli ang mga labi nito. "May naisip ako, anak." anitong tinatapik-tapik pa ang kanang braso ni Nez. Hindi pa rin siya lumingon dito, namumugto pa rin ang mga matang nakatitig lamang sa natutulog na ina na pinatutulog ng gamot na itinurok dito ng doctor. "Kung lumapit ka kaya sa mga Tacito, humingi ka na tulong sa kanila." suhestiyon ng matandang babae. Dahan dahang pumihit ang mukha ni Nez patingin sa matandang babae. Sa wakas, nagsalita rin ito ng may sense. "Tutal naman ay halos dalawampung taong nagtrabaho roon ang nanay mo bilang kusinera ng hasyenda. Baka naman magpautang sila para may panggastos ka sa medikasyon ni Emelia." Kinunsidera ni Nez ang suhestiyon ng matandang babae. "Pero ang pagkakaalam ko," sabi uli ni Tiya Teresa, "hindi madaling lapitan ang mga Tacito. Magpapautang sila, bakit nga hindi, ngunit kailangang malinaw kung paano mo mababayaran iyong inutang mo. Sigurista talaga ang mga iyon. Aku, kaya yumayaman ang mga iyan." Namrublema na naman ang dalaga. "K- kung pumasok ho akong katulong?" Kauna-unahang salitang sinabi niya. "Naku, sa laki ng halagang hihiramin mo, baka sa sa asyenda ka na tumanda ay hindi mo pa nababayaran iyong inutang mong halaga. Maliit lamang kung magpasweldo ang mga Tacito." anang matandang babae. Nawalan na naman ng imik ang dalaga. Maya maya ay nagpasya siya. "Bahala na ho. Basta, lalapit ho ako sa kanila. Kung kinakailangang magmakaawa ako sa harap nila at lumuhod ay gagawin ko alang alang sa nanay ko." "Ay naku, kaawaan ka sana ng Diyos, anak at pautangin ka ng mga Tacito." Nagdesisyon si Nez na bukas na bukas ay agad siyang tutungo sa hacienda ng mga Tacito. ~~ KANINA pa nakatayo sa labas ng malaki at mataas na gate na bakal si Nez pero hindi pa rin siya pumapasok sa loob. Iniisip niya kung ano ang sasabihin sa panginoon ng malaking kaharian na tinatanaw niya ngayon, gayong kagabi pa niya pinag-aralan ang mga sasabihin dito.Nilapitan na siya ng guwardiyang kanina pa nagtanong kung ano ang kailangan niya roon. "Naiilang na ako sayo eh," anang lalaking na nasa kwarenta marahil ang edad. "Ano ba talaga ang kailangan mo at kanina ka pa nakatayo riyan at titingin tingin?" pang ilang beses na nitong tanong sa dalaga. "Hindi ho ako masamang tao," sa halip ay sabi niya rito. "Anak ho ako ni Emelia Baldovino na kusinera ninyo dito sa hasyenda." Nagliwanag ang mukha ng lalaki. "A, ganoon ba? O kumusta na ang nanay mo?" pagkuwan ay tanong nito sa kaniya. "Nasa ospital pa ho." malungkot na sagot ng dalaga. "Alam mo bang lahat ng mga tauhan dito ay nalulungkot sa nangyari sa nanay mo? Napakabait pa naman niya at napaka maalaga." Pagkatapos sabihin iyon ay tumingala ang lalaki sa langit at nag-antanda. Naningkit ang mga mata ni Nez sa ginawa ng lalaki. "Buhay pa ho ang nanay ko, bakit nagsa sign of the cross kayo riyan?" saad ni Nez na hindi maitago ang pagtataray sa tono ng pagsasalita nito. "Ay, neng huwag mong masamain ang aking ginawa. Panalangin ko iyon sa Diyos na makaligtas ang nanay mo." pagdedepensa ng lalaki. Nawala ang kunot sa noo ng dalaga. "Ganoon ho ba? Pasensiya na ho kayo sa pagtataray ko. Naaburido na ho kasi ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko." "Nauunawaan ko iha kung bakit ka nagkakaganyan. Eh teka ano nga ba ang plano mo at napasugod ka rito sa hacienda? Lalapit ka ba sa mga Tacito?" tanong muli ng lalaki. "Iyon nga ho ang dahilan ng aking pagpunta. Eh, ano ho ba sa palagay nyo, nalalapitan ho ba sila?" Sandaling hindi agad nakasagot ang lalaki sa tanong ng dalaga. "Eh, hindi ko alam. Hindi ko pa naman kasi naranasang lumapit para humingi ng tulong sa kanila. Awa ng Diyos na hindi pa ako nalalagay sa malaking problema. Pero ikaw, ineng, ang tingin ko ay may bago na namang kakaharaping problema." anang lalaki. "Ano ho yon?" Totoong nadagdagan ang kunot sa noo ni Nez. "Wala riyan ang matatandang Tacito, nasa America, mag-iisang buwan na. Ang naiwan ay si Señorita Allie." sagot nito na hindi alam kung matatakot o maiinis. Natatandaan ni Nez si Althea Allie Tacito o mas kilala bilang si Allie, ang nag-iisang anak ng mga Tacito. Ang batang hindi yata nakikipag-usap sa kahit na sinong katulong sa mansyon. Sa maikling panahong nagtrabaho siya bilang katulong, kapalit ng kaniyang ina ay hindi siya kinausap minsan man ng bata pa rin noong si Allie, kaedaran niya ito marahil. Kapag may gusto itong ipagawa sa kanya, tinatawag nito ang mayordoma at doon sinasabi ang iuutos sa kanya kahit nandoon lamang siya sa paligid. Biglang kinabahan si Nez, parang gusto na niyang umatras. Ngunit nang maiisip ang kalagayan ng ina ay nagpakatatag siya. Hindi niya dapat piliin ang taong lalapitan niya. Kahit na ito ay nakangiti kung tumanggap ng tao o nakaangil, wala siyang pakialam, lalapit pa rin siya at magmamakaawa. "Pwede ko ho ba siyang makausap?" "Naku, hindi ako sigurado. Isang linggo nang nagsusungit at nagtataray iyon. Galit sa mundo, eh, lahat kami rito ay idinadamay. Konting kibot ay nakasigaw lagi sa amin, nagmumura agad. Baka hindi ka lang niyon harapin." agad na sagot ng lalaki na tila ba'y nagbabanta na may masamang mangyayari. "Gusto ko hong subukan." desididong pasya ni Nez. 'Alang alang sa nanay ko, handa akong harapin kahit pa ang tigre at leon.' anang isip ng dalaga. Napaawang ang mga labi ng guwardiya habang nakatitig sa kanya. Hindi makapaniwala na nais nitong maka-usap ang spolied brat na anak ng mga Tacito. Ang mala-tigreng anak ng mga ito. "Parang awa niyo na ho. Lahat ay susubukan ko, kahit pa ho lumuhod ako kay Señorita Allie gagawin ko. Mailigtas lamang ang nanay ko." pakiusap ni Nez na makita ang pagtanggi sa mga mata ng lalaki. Napakamot sa batok ang guwardiya, maya maya ay lumapit para buksan ang gate. "Hintayin mo ako rito at susubukan kong kausapin. Alam mo ineng, hindi kasi nagpapaistorbo yon kahit wala namang ginagawa. Tatantiyahin ko kung pwede mo siyang makausap, ha?" "Maraming salamat ho." Umupo si Nez sa silyang nasa gilid ng guard post nang magsimulang lumakad papasok sa malaking bahay ang guwardiya. Ngunit bago pa man makapasok ang guwardiya sa pintuan ay nag sign of the cross pa ito at sandaling nanalangin. ~ CHAPTER FOUR PREVIEW ~ "Wala akong pakialam sa kanila! Umalis ka na at sabihin mong busy ako." "Nasan siya?" "Papasukin mo." "Kahit po anong trabaho, Señorita. Kahit po ano." "Lahat lahat?" "Lahat lahat po." "Kahit ang pumatay ka ng tao?" "Sinasabi ko sayo, kahit nandito pa ang mga magulang ko ay hindi ka nila kayang pautangin nang ganoon kalaking halaga na ang ipangbabayad mo ay ang iyong sarili bilang katulong dito sa hasyenda. Ako lang ang tanging makakatulong sa iyo. Ako lang, tandaan mo iyan." ~ END OF PREVIEW ~ ~~ To be continued… ~ Author's Note: Konnichiwa! Sana nagustuhan niyo ang chapter na to. Medyo naki-cringe ako sa mga lines ni Caleb HAHAHA. Promote ulit ako ng mga stories. Balak kong ilagay to sa bawat chapters para dumami readers natin. Iyan ang tinatawag na strategic plan HAHAHA. Anyways, wait for my daily update by next month or by May or June since hinihintay ko pa na maka sign ako ng contract. Stories you must read: 1. HIS RUNAWAY BRIDE ~ COMPLETED ~ 2. FOR HIRE: A WEDDING DESTROYER ~ ON GOING ~ Enjoy reading the next chapters. Although once in a blue moon lang ako mag-update. Love lots. Mwuaahh. ~ © lucky_patch 2021 Date Started: February 11, 2021 ~ THURSDAY ~ ; 4:45 pm Date Ended: May 30, 2021 ~ SUNDAY ~ ; 4:45 pm THANKS BE TO GOD FOR HIS INDESCRIBABLE GIFT! - 2. Corinthians 9:15
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD