Si Jonee ang babaeng nakamaskara?! Ang aking Math teacher! Pumupunta siya sa nightclub para maghanap ng lalaki. Nagkataong ako ang nakatagpo nya. Ngayon ay pareho kaming walang saplot, naghahandang gawin ang bagay na iyon… Mapagbiro ang tadhana. Walang ding maniniwala kahit ikwento ko sa iba. Baka mabugbog pa ako! Ngunit ito ang katotohanan. Damn, pag mabisto niya na estudyante niya ako, baka gawin niyang mahirap ang mga bagay-bagay para sa akin. Siya pa naman ang may last say sa mga grades ko. Third year college na ako ngayon…di ko siya pwedeng galitin. Nang maisip ko ito, dali-dali akong bumaba ng kama. Magsusuot na sana ako ng damit para maghandang umalis. Hindi pa naman siguro alam ni Jonee na estudyante niya ako dahil sa maskarang pinasuot niya sa a

