Naghahanda na akong mahiga sa kama ko ng may mahinang katok akong narinig sa pinto ko. Nagtataka naman ako ng makita kung anong oras na ng gabi ay may kakatok pa sa inuupahan ko. Ilang hakbang lang naman ang kama sa pinto dahil sobrang liit lang naman nitong inuupahan ko. Kinuha ko na talaga para pasok sa budget ko at malapit lang sa company ko. “Sino yan?” tanong ko muna bago buksan ang pinto. Mahirap na at baka magnanakaw. Bigla ko rin kasing naalala iyong taong bigla na lang akong kinausap kanina na para bang alam na alam niya ang tungkol sa akin at sa pagkatao ko. Sinalakay ako ng kaba dahil paano kung siya pala itong kumakatok? Baka nasundan niya ako at may masama pala siyang balak na gawin sa akin? “Miss Joy, si Agaton ito.” Ha? Lalo tuloy akong nagtaka ng malaman kung sino

