Chapter 5: Akward Moment

2740 Words
"Mariel, This is my son Jaeden Dela Luna." pagtayo ni tita at pagpapakilala kay Jaeden. E kahit na sa loob na kami ay hindi parin maalis sa utak ko at na guilty ako sa mga narinig ko. Kinakain ako ngayon ng kosensya ko lalo na't kaharap ko ngayon ang lahat ng taong pinagpapanggapan ko. "Hi." iniabot niya ang kanyang kamay upang makipagkamayan sakin. Parang hindi lang kami nag usap kanina ah? Siguro para hindi mahalata tsaka ok lang naman. Baka isipin nila na magkakilala pala kami tas 'yun baka akala nila masisira ang plano nila samin. "Hello, I'm Mariel Bartolome" at nakipagkamayan sa kanya. Ngayon nakipagkamay ako ng mas matagal kesa kanina na segundo lang ang bilis ng palad ko na humawak sa palad niya. Im so scared, natatakot ako na baka malaman nila ang totoo na peke ako na hindi ako ang tunay na Mariel Bartolome na hinahanap nila. Hindi ko alam kung kailan ako mabubuko o baka anumang oras ngayon ay malaman na nila ang totoo. Isang napakalaking gulo ang pinasok mo Ariella. "Wag kang magpapahalata dapat chin up ka palagi, Dapat taas noo ka okay?" Naalala kopa ang sabi ni Mariel sakin. At dun biglang lumakas ang loob ko. "Hijo, mauuna kaming umuwi ha." Sabi pa ng mommy ni Jaeden. "Mariel kami rin mauunang umuwi, at Hijo ikaw na bahala sa nak namin." sabi pa ni Daddy. "Yes po, Dad." mabilis niyang sagot. Teka? Bakit lahat sila ay nagsisi-alisan? Ano to? Set-up ata 'to ah? Dalawa nalang kami ni Jaeden ang natira sa table at parang wala lang samin, parang hindi kami magkakilala. "Aheeermm." Pagtigil niya sa boring na nangyayari. "Mariel, kamusta ka?." Dagdag pa niya. "May tanong ako." Biglaan at parang nagigiing si Mariel na ako. "Sure." "Bakit ba gusto mo akong pakasalan? Anong pakay mo?." Walang emosyon kung tanong. "What?" Kunot noo niyang tanong sakin. "Sabi ko bakit ako? E andami namang magaganda diyan." "Mas maganda ka sa paningin ko." Napatingin ako sa sinabi niya. "Seryoso ako Jaeden ha." "Totoo naman, papakasalan ba kita kung panget ka?" Pambobola pa niya. "Diyan kana nga!" Tumayo ako at umalis. "Uy teka. Eto naman oh di mabiro." Sinabayan niya ako. "Uuwi kana ba? Hahatid na kita." Pagmamagandang loob niya. "Kaya kong umuwi mag-isa." Wow ha? Ariella kina-career mona! “Ba’t ba bigla ka nalang nagagalit dyan, kanina ang ganda ng mood mo.” Salita pa niya. I was just trying kung totoo ba siya o baka napilitan lang siya sa mga desisyon niya. “Eh kanina maayos ang sagot mo ngayon parang sinasadya mona.” Sagot ko. Para ngang nangungulit siya, kanina napaka straight forward niya sumagot. Ngayon parang sinasadya niya akong mainis. “Eto naman parang napaka seryoso mo, syempre we have to test our relationship if kinasal na tayo kung magwo-work ba or hindi.” Paliwanag niya. “I mean bakit ka pumayag?” “I accept what Lola's descision and I respect that, as what I i've said earlier mahal ko si Lola at gagawin ko ang lahat ng ikakasaya niya.” Jaeden stated. Tama nga naman siya, pag ikinasal kami kailangan naming i-try ang aming best na mag work itong desisyun namin. Pero paano kung hindi ito magwork? Paano kung hindi talaga kami para sa isa't-isa? Paano ito? “Pero paano pag hindi mag work?” Kailangan handa kami sa mangyayari kasi kailangan naming ingatan na hindi ito masira. “Magwo-work ito, I promised I will do my best para magwork ito.” Sincere siya sa mga sinasabi niya at ramdam ko 'yun. Minsan lang ako makakita ng ganitong lalake mahal na mahal niya ang lola niya at gagawin niya lahat para lang sa ikakasaya ng Lola niya. Hindi ako magtataka pag iniwan ako nito sa huli kung magsasabi ang Lola niya na hiwalayan ako. Pero hindi naman mangyayari 'yon. “Hali ka may papakita ako sa'yo.” Hinila niya ako palabas ng retaurant at ako naman ay nagtataka sa kanya. “san tayo?” kunot noo kong tanong. “Basta malapit lang dito 'yon and im sure magugustuhan mo.” Nginitian niya lang ako at pumasok kami sa kotse niya. 20 minutes na byahe ay mabilis kaming nakarating sa Camp Buenos Aires ito ay isang beach resort malapit lang sa restaurant kung saan kami kanina. Gabi na pero maraming tao parin tsaka ang ganda dito ramdam ko ang lamig at 'yung buhangin napaka ganda. May mga apoy na nakatusok sa buhangin at maraming puno ng niyog. May mga nakaupo sa buhangin may magjowa magba barkada at 'yung iba nagtatampisaw sa dalampasigan. May mga nagpe-perform din tsaka sa malayo may banda din at tugtog. “San tayo?” tanong ko. “Dito tayo, hali ka.” Sumunod naman ako sa kanya. Pumasok kami sa (Camp Hugot Natin 'To Par.) May mga lamesa sa ilalim ng niyog at iba naman nakaupo lang sa buhangin at may nakita akong nagsasalita sa gitna. Magaling siya tumula especially spoken poetry. Napaupo kami sa buhangin at may nagbigay ng menu card, isa pala siyang kainan na parang may entertaining na palabas pero sa pangalan kasi puro hugot e. “Good evening everyone! Ako nga pala si CJ Guerero also known as (Boy Hugot) Dito sa CAMP HUGOT NATIN 'TO PAR. Kumain lang kayo at ako ang bahalang mag-aliw sa inyo, walang matatamaan at walang masasaktan ang tulang aking inihanda ay walang katotohanan at puro salita lamang.” Nagpalakpakan ang mga audience sa napakaganda niyang intro. Masasabi ko talagang ang galing niya kasi lahat nagtutugma at magka rhyyme talaga every words. “Ang tula na iikwe-kwento ko sa inyo ay about LDR, alam niyo ba ibig sabihin ng LDR?!” “Oo!” Sigaw ng mga audience. “Okay ang title nito ay LDR.” Saktong dumating ang pagkain namin at nagsimula siyang magkuwento. “Enjoy.” Bulong sakin ni Jaden. “Bakit mo'ko dinala dito?” Tanong ko pero hindi sa nagrereklamo ako ang ganda dito at nakakamangha. “Long Distance Relationship,” “Para sa dalawang taong 'di naiinip. 'Yung may malawak na pag-iisip, Honestly,Loyalty,Understanding, Trust, sangkap Sa relasyon na kailangang nakalakip.” Hindi ko muna ginalaw ang pagkain ko at gusto kong makinig muna kasi ang ganda ng intro. “Tangi lamang cellphone, Ang araw-araw niyong komunikasyon. Dapat may matibay na pundasyon, Upang 'di masira ang relasyon!” May mga naririnig akong nag aasaran at nagngingitian na para bang natamaan sa mga salita. Yung iba seryoso pero si Jaeden kumakain lang at nakatingin din at nakikinig. “Over-thingking,selos,pagdududa, madalas maramdaman, Hindi 'yan maiiwasan, lalo't malayo ang pagitan, Maaring sinabi niya sayo'y isa lamang kasinungalingan, Pero 'yan ang dapat lagpasan!” "LDR" Para sa matatag lang yan, 'Yung tipong malabo na pero pilit inilalaban, Sa bawat-isa'y puro away na't 'di magkaunawaan, Pero pilit inaayos para 'di matapos ang samahan.” “Para sa iba ang LDR walang patutunguhan, Puro pangako lang daw kung minsan, Sobrang daming pangakong bibitawan, Pero hindi kayang panindigan!” “Pero 'di sa lahat ng oras ang malapit, Hindi na maaring ipagpalit, Kasi malayo man o malapit, Makakaranas ng sakit!” "LDR" Hindi mo siya mayayakap, Minsa'y habang nakatingin sa alapaap, Ikaw ay nangangarap, Balang araw iyo na siyang makaharap.” "LDR" Kapag gusto mong makapiling, Hindi ka basta-basta makakarating, Para siya ay lambingin, Sa tuwing siya'y totopakin.” "LDR" Kapag may sakit 'di mo maaalagaan, Kaya ang tangi mong magagawa ay umiyak nalang, Kasi 'di mo siya mapapagsilbihan, At 'di mo malulutuan ng paboritong niyang umagahan.” "LDR" May mga bagay na 'di agad maaayos, Pasensiya'y nauubos, Time sa bawat-isa'y namamalimos, Lalo't komplikado ang pinasok niyong relasyong tila isang unos!” Napabuntong hininga ako parang sabay-sabay panga kaming lahat bumuntong hininga at may naririnig na akong iyak sa likod namin. Actually siya lang talaga mag-isa walang kasama. Siguro hiwalay na'to sa nobyo niya. "LDR" Wala kang magagawa 'pag namiss mo siya, Gusto mong halikan sa labi o pisngi niya, Gusto mo nang personal makita, Pero hindi pwede kasi malayo ang distansiya!” "LDR" Hindi mo siya maiiwasang magduda, Kasi hindi mo nakakasama, Aakalain niyang may iba ka, At malay niya bang pinaglalaruan mo lang siya't pampalipas oras lang pala!” Tinignan ko 'yung nagsasalita at parang naawa ako sa kanya kasi feel na feel niya talaga bawat letra at salitang kanyang binibigkas damang-dama niya. "LDR" Hindi mo masasamahan sa mga lakad niya, Sa isang lugar na romantic, gusto niyang pumunta, Sa lilim ng puno'y magpapahinga, Na kasama ka't kayo lang dalawa habang nangangako sa isa't-isa!” "LDR" Kapag monthsary or anniversary, Hindi mo siya makakatabi, Para i celebrate ang bawat sandali, Tanging net working sites ang paraan para mai-celebrate niyo ng mahal mong ginoo/binibini.” “Oo, ganito ang LDR, puno nang sakripisyo, Kahit na kayo'y magkalayo, Hindi dapat alam ang salitang "PAGSUKO!" Kasi sa isa't-isa'y buo ang tiwala niyo!” “Ngayong alam mona, Tatanungin lang kita, Susugal ka parin ba? Sa relasyong mahirap kaya iniiwasan ng iba!” “Distansiya ba'y iyong hahamakin? Pagsubok ay kakayanin? Upang magawa mong abutin, Ang yaong pinapangarap mong bituin?” “Dyan kasi sa "LDR" marami nang nabiktima't nagpaka-tanga! 'Pag sinubukan mo baka maging isa karin sa kanila! Dyan sa "LDR" maraming manloloko't paasa!” “Kunwari mahal ka, sa personal may mahal palang iba!” “Anumang oras ay maari kang iwanan, Manlalamig biglaan, Minsan nagkakaroon pa nga nang ghostingan, Iiwanan kang 'di mo nalalaman ang dahilan ng kanyang paglisan!” “Sa "LDR" bibihira ang nagtatagal, Tanong lang ulit, handa ka bang sumugal? Kasi sa relasyon na 'yan ay maraming sagabal! May mga taong eepal!” “Magiging dahilan ng inyong paghihiwalay, Dahil hindi makapaghintay, Pagpapalit ka sa abot kamay, At pagmamahal niya'y do'n na iaalay!” “Diba iniiwasan ng karamihan, Oras ang kalaban, langit lupa ang pagitan, Pero hindi 'yun hadlang, Para sa dalawang taong tunay nagmamahalan!” “Sabi nila... Maghirap magmahal ng taong 'di mo araw-araw nakikita? Mahirap nga ba? For me no, pagtitiwala oras at pag-unawa sapat na!-----” Napukaw ang atensyon ko nang magsihiyawan at magpalakpakan ang mga tao at ako naman ay tulala at naluluha. Ewan koba kung bakit ako naluluha basta nararamdaman kolang ang bawat letra at salita na kanyang binibigkas. Tusok na tusok tagos na tagos talaga sa dibdib. “Anong part ang nagustuhan mo sa sinabi niya?” andito kami ngayon sa dalampasigan at naglalakad sa tubig. “Tiwala, unawa at oras lang sapat na.” 'yun talaga ang nagustuhan ko 'yung ending. “Okay, tiwala lang at uunawain natin ang isa't-isa magbigay ng sapat na oras at magwo-work 'tong relationship natin.” Napalingon ako sa kanya. Napakaseryoso niya at kinilig naman ako ng kaunti sa sinabi niya pero ang gwapo niya sa part na'yon. Ang ganda ng ugali niya talagang mas lalo siyang gumuwapo sa paningin ko. “Okay magtitiwala ako.” 'yon lang ang naisagot ko sa sinabi niya. Kinabukasan: "Ang galing mo! Kopyang-kopya mona talaga ako!" Masayang sigaw pa ni Mariel sa kabilang linya. "Nag-promise ako na hindi kita bibiguin so paninindigan koto." Sagot kopa. "Oh si Mama kamusta na?" Miss kona talaga si Nanay tsaka nag-aalala ako sa kanya at sana gumaling na siya at matapos na itong problema ko. "Okay na si nanay, makakalabas narin siya ng ospital, kaya pagbutihan mo diyan hanggang sa makaalis kami ni Jerome ok?" Napahinga naman ao ng maluwag nang sabihin niyang okay na si Nanay, Pero aalis sila? "Pano si Mama?" Tanong ko. Hindi pwedeng iwan nila si Mama dun, walang may magbabantay. "Don't worry ikukuha ko siya ng magbabantay." Mabilis niya namang sagot. Mayaman naman talaga eh, kaya walang kahirap-hirap sa kanya ‘yun lahat magagawa niya. Ganyan silang mga mayayaman mabilis nilang makuha ang mga gusto nila. Walang kahirap-hirap mabilis nilang makukuha ‘yun. Habang nakikipag-usap ako kay Mariel ay may naririnig akong kumakatok sa pintuan. "Hija, lumabas kanga muna jan may pag-uusapan tayo." Biglang tumayo ang balahibo ko ng marinig ko ang boses ni Dad. "Teka, si Daddy mo." Bulong kopa sabay pagkababa ng cellphone. Mabilis akong tumayo at tinahak ang pintuan, kumalma muna ako at huminga ng malalim bago ito buksan. “Hi dad.” bungad ko sa kanya, He was so serious and I really feel. "Kamusta na ang kompanya? Balita ko andami daw na hindi na-deliver kahapon bakit?" Biglang nawala ako sa pag-iisip ko ng banggitin niya ang kompanya. Teka! Wala pang may sinasabi si Mariel tungkol sa kompanya! Ano nato?? Ano isasagot ko? Nag-isip ako ng mabuting isasagot, pero parang nauubos nayung kape kakatingin ko. Andito kami sa dining nag-uusap. Na blanko ang utak ko at wala akong maibigay na sagot hindi ko alam kung may sinabi ba si Mariel about sa kompanya niya natatandaan ko meron e. "Ahh, Yaya ikuha monga ako ng cake." Pag-utos ko para makapag-isip ako ng isasagot. "Ano na Mariel?" parang nabigla pa ako sa sinabi niya. "Dad!, Ehh kasi sabi sa news may paparating daw na bagyo." Halos di ako makatingin sa sinasabi ko. Hindi ko talaga alam ang isasagot ko kasi wala talagang may nabanggit si Mariel tungkol dito. Kung meron man siguro nakalimutan ko na. "Pinagloloko moba ako Mariel? There is no news about that?" Mas lalong nanginig ang tuhod ko at nanindig ang balahibo ko sa narinig ko. “The weather is pretty okay, how can you say that?” dagdag pa niya. Napakagat labi naman ako sa sinabi niya, maganda nga naman talaga ang panahon ngayon. At sinong baliw ang magsasabi na may bagyo ngayon e ang init ng panahon, Maya-maya pa ay may pumutol sa usapan namin at biglang nag-ring ang cellphone niya. "Hello, speaking." "Sir, we‘re not able to deliver this books because of this upcoming low pressure and there are possible that this low pressure will be a typhoon Wanin" Rinig kung salita ng babae at napahinga ako sa mga narinig ko. "Pasensya na anak, may bagyo nga pala.” paghingi niya ng paumanhin sakin. Nakahinga naman ako ng maayos ng may anghel na tumulong sakin, halos sumikip dibdib ko dito sa upuan parang anong oras aatakehin ako sa puso. "Eto napo ma'am!" At dumating si yaya dala-dala ang cake. "Akin nanga yan antagal!" Pagtataray ko. Sabi kasi ni Mariel mataray siya sa mga maids nila kaya dapat mataray ako at palaging galit pag kausap sila. Parang ansama ko naman dito pero ito 'yung ugali ni Mariel 'e mahaba yung buntot niya dito kaya dapat mas mahaba sakin. -- Ilang oras bago kami natapos ni Dad ay dali-dali akong umakyat at tumawag kay Mariel, syempre kailangan kong alamin ‘yung tungkol sa kompanya niya mahirap na. “Tungkol nga pala sa company mo?” agad kong tanong. “Okay, sabihin mo nalang na inaasikaso na ng Secreatary mo kasi busy kayo sa wedding ni Jaeden pero kailangan mo talagang pumonta dun kasi may mga aasikasuhin kapa dun okay? Alam naman ng secretary ko tutulong ‘yun,” paliwanag niya. “okay, sige salamat.” mabilis kong ibinaba ang cellphone at maya-maya pa ay may tumatawag na naman sakin. "Anak may bisita ka ibaba." Pagtawag pa sakin ni mama. Agad naman akong nag-ayos, nag-suklay naglagay ng foundation ofcourse lipstick. Dati diko alam gumamit nito ngayon e parang daig kopa mga pokpok sa bar kung makapaglagay. "Uhh, tita. Gusto kolang po sana na magpaalam at isasama ko ang mahal kong Fiancee sa bahay." "Walang problema hijo, anytime pwede mo siyang isama diba Mariel?" "Uhh, ehh oo Jaeden este mahal." Sabay fake smile sakanila. Ngumiti naman siya sakin na parang ansarap pektusan feel niya ata pasalamat kalang talaga at nag promise nako kay Mariel. Jaeden's POV. Napangiti ako sa sinabi ni Mariel and parang nagsisimula na kaming maging close, pero hindi parin maalis sa isip ko ang iniisip ko kagabi. I saw Mariel's face dati noong nagdeliver kami ng mga products sa palengke and i admit na siya talaga yung nakita ko hindi ako maaring magkamali. At pinaiimbistigahan kona kung sino yung nakita ko but for now kailangan ko muna i-date tong mahal ko i know nagagalit na siya sakin but wala siyang magagawa. Pinagbuksan ko siya ng pintuan bago pumasok sa kotse, i can sense na galit siya sakin but heto ako pinipilit ngumiti baka mapektusan pako neto. "San tayo pupunta?" Kunot noo niyang tanong. "Basta, im sure sasaya ka." Sagot kopa. "Nanahimik ako sa bahay." Nakita kopa siyang nagsasalita sa salamin. "Sino kinakausap mo?" Pagbibiro kopa. "Secret." "Wow, wag moko takutin baka may multo dito sa sasakyan ko diko lang nakikita." Pagbibiro kopa. "Wag kangang o.a!" "Heto naman oh, sinasabayan kalang sa mood mo." "Ewan ko sayo." Sagot pa niya. Ilang oras nang makarating kami sa isang restaurant ko M&J's Cuisine parang Harry Potter ang theme ng resrau na ito, madaming customer at araw-araw palaging sold out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD