CHAPTER 8 Arriela's POV. Pagkatapos nang mahabang-byahe ay nakarating narin kami sa condo ni Jaeden. Pagkatapos naming mag park ay hinalikan niya muna ako sa noo bago bumaba. "Uuwi kapa ba o dito kana muna?" Pagtatanong pa niya. Nag-aalala siya sa kalagayan ko alam ko pero baka hinahanap na ako dun. "Uuwi na muna ako, baka hinahanap na ako ni Daddy." Sagot kopa. "Okay, lalagay kona muna to." At hinatid niya muna ang mga gamit niya sa taas. Habang hinahantay ko siya ay parang nag-iba ang pakiramdam ko na ang init-init ko at ang sakit ng dibdib ko. Napakabilis ng t***k ng puso ko at kinakabahan ako. Napahawak ako at ang bilis talaga ng t***k. Nahihirapan ako sa paghinga at parang tumatayo ang mga balahibo ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin bakit ako nagkakaganito.

