Nagsimula akong maglakad papunta sa kinaroroonan ni Tyler. Hindi ko alam pero ang sakit sakit sa pakiramdam. Ang hirap magpanggap na kinakaya ko lahat sa harap ng taong mahal ko. Ang hirap at ang sakit na nakikitang nagkakaganyan siya dahil sa akin. Pero kailangan kong maging matatag. Ayoko na muling masira ang buhay ko dahil lang sa pagmamahal na binigay ko kay Tristan. Ngayong may anak na ako, Hindi ko na pwedeng unahin ang nararamdaman ko. "Tyler, andito ka pala." Gulat na sabi ni mama habang pinagbuksan kami ng pinto. "Good afternoon po Ms. Ailyn" Bati ni Tyler. "Ang pormal mo naman." Bahagyang natawa si mama. "Pasok na kayo. Kayo na muna ang bahay kay Seb, dahil may aasikasuhin ako" Paliwanag ni mama habang inaayos ang mga dadalhin niya. Naglakad kami papasok ng unit at ibinaba

