"Wala kang karapatan itanong sa akin yan! Hinayaan mo ako! Kinuha ng Nanay mo lahat sa akin! Hanggang sa maghirap ako. Wala akong malapitan noon. Pero lahat yun tiniis ko! Para sa akin at sa anak ko! Anak mo! " "A..anak ko?" "Anak ko lang! Walang sa 'yo pagkatapos mo akong iwanan sa ere. At ngayon, Wala kang karapatan sa anak ko" Nawalan ako ng lakas pagkatapos kong marinig lahat ng pinagusapan nila mama. Tama ba ang narinig ko? Buhay ang totoo kong Papa? At siya si Mr. Chua? Unti unting nagbagsakan ang namumuong luha sa mata ko. Wala akong maramdaman. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na finally, after 21 years makikita ko na siya o magagalit ba ako kay mama na itinago niya lahat? Or magagalit ba ako kay papa dahil pinabayaan niya kami? Nakita ko iyong hirap na pinagdaanan ni mama m

