“Aila! “ Salubong ni Drake sa akin. Tumakbo siya papunta sa kinaroroonan ko at kinuha ang dala kong gamit at pagkain. “Kanina pa ba kayo?” Tanong ko “Kakarating ko lang din. Bilisan na natin at kanina ka pa inaantay ng mga kaibigan mo” Sambit ni Drake habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. Sa hindi kalayuan, ay natatanaw ko na si Trishia na may hawak na namang libro. Si Kelly ay abala sa paghahanda ng pagkain at si Amber naman na pinapaypayan ang iniihaw niya. “Ang tagal mo naman!” Sigaw ni Kelly habang naglalakad pa rin ako papunta sa kanila. “Saan ba kayo nag punta ni Tristan ha?”Panunukso si Amber habang pinasadahan ng tingin si Tristan mula sa likuran. “Wag nga kayong ganyan.” Pagtatanggol ni Drake saka Inakbayan ako. “Alam niyo namang may Girlfriend yung tao. Kayo talaga”

