"What are you doing? Nagshopping spree ka ba ng mga beddings at araw-araw ay nagpapalit ka?" Ilang beses na ako nakita ni Ate Serene na naglalabas ng beddings sa aking kuwarto tuwing umaga para maipa-laundry ko. I admit that I bought a few sets pero hindi naman ako araw-araw na nagpapalit. This past few days, halos nagsunod-sunod kasi ang pagpapawis ko sa gabi. And it's not just a normal sweat dahil nakukuhang mabasa talaga ng damit hanggang sa kama ko kaya ilang beses na rin akong nakapagpalit. Hindi ko naman alam kung bakit ganoon gayong malakas naman ang split type aircon ko. "I don't like the smell of the new beddings, ipapa-laundry ko lang, Ate." "Beddings, really? Iyan ba ang bago mong mga koleksiyon?" I didn't answer her as if I didn't hear her. I can't really explain why I hav

