Part 19

1859 Words
“Bakit?” nasasaktang tanong niya. Tumiim ang bagang nito na tila ba naiinis na. “Because you are making my head spin! Nililito mo ako. Sinabi ko sa sarili ko limang taon na ang nakararaan na hindi na ako magtitiwala pa kahit kanino. Na hindi na ako makakaramdam ng ganito. Na habambuhay kong aalalahanin ang mga nangyari. Na ayokong makalimutan iyon. And you are making me so damn confused I don’t know what to do anymore! You are making me forget, you are making me anticipate the future, you are making me feel so alive it’s almost painful,” singhal nito. “Sorry,” biglang sabi niya kahit sa tingin niya ay wala naman siyang dapat ikahingi ng tawad sa mga sinabi nito. Ang alam lang niya ay tumatahip ng husto ang puso niya at kahit na malamig sa paligid ay tila may kumakalat na init sa buong katawan niya habang tinitingnan niya ang mga mata nito. “Pero gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa iyo. Kagaya mo nalilito rin ako kung bakit masyado akong nag-aalala para sa iyo. Kahit ako hindi ko rin maintindihan kung bakit mas gusto kong manatili sa tabi mo kahit pwede na akong tumakas sa iyo. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Baka nacu-curious lang ako at kapag nalaman ko na kung ano talaga ang nangyari magiging okay na ako,” paliwanag niya rito. Nagkatitigan sila bago tila sumusukong bumuntong hininga ito. “At least, pumasok muna tayo sa loob bago tayo parehong magkasakit,” sabi nito. Nang ialok nito sa kaniya ang kaliwang braso nito ay may humaplos na init sa dibdib niya. Inabot niya iyon at magkaagapay silang pumasok sa loob ng bahay. Nang kapwa na sila nakaupo sa sofa ay ilang sandali na naman ang lumipas bago ito huminga ng malalim at nagsimulang magsalita. “Ang sabi mo hindi alam ng mga tao rito kung ano ang trabaho ko hindi ba? Na bihira lang ako umuwi at naiiwan kong mag-isa si Regina?” umpisa nito. Tumango siya. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. “I am an NBI agent, Belle. Former actually. Madalas ang mga operasyon namin nay inaabot ng buwan dahil mga kilabot na kriminal ang naaatas sa grupo ko, mga drug lords, carnapping and kidnapping syndicates, terrorists at kung sino-sino pa. Hindi madali ang trabaho ko. In fact, masyado iyong delikado na hangga’t maari ay hindi ko iyon sinasabi sa iba para hindi sila madamay. Bukod sa pamilya ko na nasa amerika ay kay Regina ko lang sinabi ang tunay na trabaho ko. Still, hindi siya natakot. She said all she wanted was to be with me. So we got married.” May nakapa siyang inggit para kay Regina na nakilala nito si Kieran nang mas maaga, noong panahong alam niyang buo pa ito at hindi nasasaktan nang ganoon kahit na ayaw nitong ipahalata. Ngunit agad din niyang sinaway ang sarili. Hindi siya dapat makaramdam ng ganoon para sa isang taong namatay na. “We were happy for two years. Alam ko na naiinip siya at nalulungkot kapag wala ako sa bahay. Kaya nang may lumapit sa aking isang babae na humahanap ng trabaho kinuha ko siyang kasambahay para may makasama siya,” patuloy nito. Pagkatapos ay tumiim ang anyo nito na para bang may naalalang hindi kanais-nais. Hindi siya nagsalita at hinayaan lang itong ipagpatuloy ang sinasabi nito kapag handa na ito. “Silang dalawa lang sa bahay na ito ng ilang buwan. Sa loob ng mga buwang iyon ay pinagkatiwalaan ko siya. But it was a huge mistake. One night, pagkagaling ko sa isang operasyon, masyado ko siyang namiss na hindi ko tiningnan ang security ng buong property. Then in the middle of the night, bigla na lang kaming nagising dahil may biglang pumasok sa loob ng kuwarto naming limang lalaki. One of them… was a drug lord I hunted years back. Hindi namin siya nahuli dahil madulas siya noon at na-pending ang kaso. Nawala na iyon sa isip naming lahat dahil nagkaroon kami ng ibang trabaho. Nang makita ko sila alam ko na na hindi maganda ang hatid ng mga ito sa amin. “Ang una kong ginawa ay pindutin ang emergency button sa gilid ng kama ko na ginawa ni Neil noon para kapag may nangyaring gulo ay makokontak ko sila agad. Pero dahil iyon ang una kong ginawa, it was too late to grab my gun. Natutukan na nila kami at nahatak pabangon sa kama. They were merciless,” gumaralgal ang tinig nito at mariing pumikit na para bang napakahirap para ritong isatinig ang mga naalala nito. Hindi na siya nakatiis. Lumapit siya rito at niyakap ito. Naramdaman niyang natense ito ngunit hindi siya bumitaw. Kung iyon man lang ang paraan para kahit papaano ay mapagaan niya ang nararamdaman nito. At nang umangat ang mga kamay nito at gumanti ng yakap sa kaniya ay napapikit siya. “They killed her right in front of my eyes. Hindi nila ako pinatay agad. They tortured me until I’m crying with pain, not for the things they did to me, but for what they did to her. Halos umagahin na ay hindi pa rin sila tumitigil sa pagpapahirap sa akin. Pero nagkamali sila ng desisyon dahil sa pagpapatagal nila dumating sila Adrian. They saved me. Pero hindi ako narelieved. It was my fault that she died. It was my fault for still being alive while she was already gone. At kung hindi pa sapat ang lahat ay sinabi pa ng doctor na tumingin sa kaniya na… na dalawang buwan siyang buntis.” Namasa ang mga mata niya sa mga sinabi nito na wala siyang magawa kung hindi ang higpitan ang yakap niya rito. “Hinihintay namin sa loob ng dalawang taon ang batang iyon. Pinag-uusapan pa lang namin iyon nang gabing iyon na pupunta kami sa doctor. Na kapag buntis siya magreretiro na ako. But then it happened.” Napahikbi siya. “Hindi mo kasalanan. Ang mga masasamang taong iyon ang pumatay sa kaniya hindi ikaw,” usal niya at humigpit pang lalo ang pagkakayakap dito dahil gumaralgal na ang tinig nito. Masakit sa puso na ang isang lalaking gaya nito ay parang bata sa mga bisig niya ngayon dahil sa isang nakaraan na hindi naman nito ginusto. “No. It was my fault. You see, iyong babaeng tinaggap ko para makasama niya rito, kasali siya sa sindikato. Siya ang spy nila sa akin. Siya ang nagpapasok sa kanila nang hindi ko nararamdaman. It was my fault for bringing her to my home dahil nalaman ng drug lord na iyon na si Regina ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko at ang pinakamagandang ganti sa akin ay ang patayin siya sa mismong harapan ko,” giit nito. Kumalas ito sa kaniya at hinawakan ang magkabilang braso niya. Pagkatapos ay sinalubong nito ang mga mata niya. “Kaya ayoko ng mapalapit sa ibang tao na maaring madamay kapag may nagtangka na namang gumanti sa akin. At higit sa lahat ayoko ng magtiwala kahit kanino. I don’t want to get close to you much less to trust you,” seryosong sabi nito. Tila piniga ng matinding guilt at sakit ang puso niya na halos kapusin na siya ng paghinga. Dahil alam niyang hindi tapat ang motibo niya rito. Na nagsinungaling siya rito at nagsisinungaling pa rin. Nakagat niya ang ibabang labi at hinaplos ang pisngi nito. Umangat ang isang kamay nito at kinulong ang kamay niya. Tuluyang tumulo ang luha sa mga mata niya nang may mapagtanto siya. Mahal niya ito. Napakabilis ngunit sigurado siyang sa unang pagkakataon sa buhay niya ay na-in love siya sa isang lalaki. Gusto niyang makita itong ngumiti at masaya. Nais niyang kalimutan nito ang lahat ng mga nangyari dito. Ayaw niyang masaktan pa ito. At kahit nakatakda niya itong saktan, kahit sa gabing iyon lamang ay nais niyang maparamdam dito ang damdamin niyang iyon. Bukas, aalis na siya sa bahay na iyon bago pa nito malaman ang tunay niyang pagkatao. Mabuti nang mawalay siya rito kaysa makita niya ang galit at sakit sa mukha nito kapag nalaman nito kung ano talaga ang dahilan at naroon siya sa bahay nito. “Kung ganoon huwag mo akong pagkatiwalaan. Pagdudahan mo lang ako, sige lang,” bulong niya rito. Inilapat niya ang isang kamay pa niya sa kabilang pisngi nito upang ikulong ang mukha nito. Tinitigan niya ito, wala nang pakielam kung mabasa man nito sa mga mata niya ang ibinubulong ng puso niya. “Huwag mo lang pahirapan ang sarili mo Kieran. Please, huwag mo ng saktan ng ganito ang sarili mo,” pakiusap niya rito. Tumitig ito sa kaniya at bumilis ang t***k ng puso niya nang makita niya ang pamilyar na kislap sa mga mata nito na ilang beses na niyang nakita rito kapag tumitingin ito sa kaniya. “Sinasabi ko rin sa sarili ko na huwag kang pagkatiwalaan. Pero sa tuwing natititigan kita ng ganito nawawala iyon sa isip ko. Alam mo ba kung ano ang palagi kong naiisip kapag nakikita kita?” mahinang tanong nito. “Ano?” tanong niya habang nagliliparan ang mga paru-paro sa sikmura niya. Bahagya nitong inilapit ang mukha sa kaniya.  “I’m thinking of wanting to touch you, to close you in my arms and kiss you. Kung alam mo lang kung gaano ko pinipigilan ang sarili ko, kung paanong nagkakagulo ang mga nararamdaman at iniisip ko sa loob ko na pakiramdam ko ay malapit na akong masiraan ng ulo.” Napatitig lang siya rito. Lumambot ang ekpresyon sa mukha nito at lalong inilapit ang mukha sa kaniya. “At sa tuwing nakikita ko ang ekpresyong iyan sa mga mata mo palagi kong naiisip kung ano ba ang nakikita mo sa akin. You really have bad taste you know.” Napalunok siya. “Mali ka. Mataas talaga ang standard ko,” sagot niya rito. Ngumiti ito at tila natutunaw ang puso niya nang tuluyan nitong tawirin ang pagitan ng mga labi nila. Napapikit siya upang namnamin ang mainit at malambot na mga labi nito sa kaniya. “If you say so, Beauty,” bulong nito sa pagitan ng paghalik sa kaniya. Napadilat siya at napatingin dito. “Bakit mo ako tinatawag na ganiyan?” Muli ay ngumiti ito at hinaplos pa ang pisngi niya. “Because you are beautiful. Not only your face or your body. You are beautiful for understanding me. You are beautiful for being kind enough to listen to me. It made me feel a lot a better. And you are beautiful for being innocent and honest…” bahagyang lumalim ang halik nito at napakapit siya sa balikat nito. Sa likod ng isip niya ay sinundot siya ng guilt. Dahil hindi siya kasing inosente at tapat na gaya ng inaakala nito. Ngunit itinapon muna niya ang pakiramdam na iyon sa kasuluk-sulukang bahagi ng puso at isip niya at itinuon ang buong atensyon sa mga halik at haplos nito. Afterall, sigurado siyang sa gabi na iyon na lamang niya matitikman ang mga iyon. Sa gabing iyon lamang masusuklian kahit papaano ang nadarama niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD