THIRD PERSON'S POV⁴: Unti-unting nagmulat si Remy matapos nang ilang araw na pananatili niya sa ospital at ngayon lang siya nagkaroon ng malay. Hindi niya pa ganap na maigalaw ang katawan, ramdam niya na may nakabalot sa kanyang tiyan na benda dahil sa nabali niyang ribs. Kulabo pa ang kanyang paningin at kinurap-kurap para luminaw ang palagid, pawang puting haligi lang ang nakikita niya, puting paligid at unti-unting rumehistro sa kanya kung nasaan siya. Nasa ospital. "Mommy! Si ate gising na!" Rinig niya ang boses ng kapatid ngunit wala pa siya sa tamang wisyo. She feels groggy. Muli siyang pumikit at pinakinggan ang umiiyak na boses ng kapatid na si Yemery hanggang sa napagtanto niyang narito ang pamilya niya.. umuwi ang mga ito. Hawak ni Yemery ang kamay niya nang magmulat siya m

