"Ate!!" "Maya!" "Remy!" Sinalubong ako ng kapatid at mga magulang ko nang makauwi na ako sa kanila sa hotel suite na wala namang galos ni isa sa katawan gaya ng ipinangako ni Rocco. Matapos ng naging paguusap namin ay inialis niya rin ako sa islang iyon at ipinahatid sa taxi ngunit balisa akong umuwi habang ang pakiramdam ay hati. Sinalubong nila ako ng yakap at mariin akong napapikit nang hawakan ni Mommy ang mukha ko habang si Daddy sapo naman ang balikat ko at si Yemery mangiyak sa takot na akala napaano na ako. Lahat sila nagaalala sa pagkawala ko, halos 24 hours lang ako nawala, ganitong oras din ako dinakip ni Rocco, ganitong oras din ako nakauwi ngayon sa pamilya ko. "What happened to you?! Where is the kidnapper? Did he hurt you?" puno ng pagaalalang tanong ni Mommy. "The

