THIRD PERSON'S POV⁶: "Sinong nasa labas at nagpupumilit pumasok?" tanong ni Tanya sa kapapasok lang na si Remnick. Huminga muna ito ng malalim at nagpamulsa bago sumagot. "Rocco, the brother of the animal r*pist." Suminghal si Tanya at nag-angat ng tingin sa asawa habang nakaupo siya sa gilid ng tulog na si Remy haplos ang buhok nito at sandaling tumigil. "Ang kakapal ng mga mukha! Hindi na siya nahiya?" puno ng pagkauyam niyang sinabi kasabay ng pagtiim bagang. "Lalabasin ko na sana dahil nakaka-istorbo ang ingay sa labas, sa pagpapahinga ng anak mo pero mabuti dumating ka na." Pinasadahan naman ng tingin ni Remnick ang panganay na ngayon ay kasalukuyang natutulog na lang dahil sa pampakalma na ibinigay ng mga nurse dahil kamuntikan na itong mawala kanina. "How is she? Did she wake

