Nagising si Adriela dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Kahit na makapal ang salamin ay masakit pa rin sa mata. Pagbaling niya sa gilid ay nagulat pa siya nang makita si Mathias na nakatukod ang siko nito sa unan at nakatitig sa kanya. “Good morning, sweetheart—" Hindi natapos ni Mathias ang sasabihin nang mapahawak ito sa dibdib niya. Tapos kinakapos ito ng hininga kaya napabalikwas siya ng bangon. “Baby, anong nangyayari sa ‘yo? Mathias.” Niyugyog niya ito at napapikit nang mariin si Mathias tila iniinda ang puso niya. Mabilis na bumaba sa kama si Adriela at lumabas ng kuwarto. Sumigaw siya ng tulong, nabulyahaw ang mga maids at tauhan maging ang Ginang na nagdidilig ng halaman ay nabitawan nito ang tubig at tumakbo palapit sa kanya. “Sweetheart…” Nahihirapang sa

