dug..dug...dug.
dugudug....
anlakas ng kaba sa dibdib ko..this is it pancit!asa loob na kami ng eroplano..bound to kaohsiung airport..
1st time ko toh...na makasakay ng eroplano..anu kaya pakiramdam..explained ko pagbaba ko huh...for now..pakakalmahin ko muna self ko at halo halong emosyon tlga nararamdaman ko..3 years.
i will be away for 3 years.pinakamatagal na paghihiwalay nmen ng family ko..anlungkot na agad..asa eroplano palang ako..knina habang nkikita kong naiyak si nanay..para like ko na wag na lang tumuloi.gusto ko nang magback out.kaso naalala ko si pedring(ung kalabaw na binenta ni tatay pang placement ko sayang naman kung ngaun pa ko magbaback out db?pero ngaung asa eroplano na.ko at nagtake off na..parang like ko tumalon na at magpaiwan na lng sa pinas...tiningnan ko si pearl s kbilang side..mas like nya umupo s window side..busy sa pagtingin ng ulap ang aking kaibigang oso..haha.atleast magkasama kami.
almost 3 hours flight..at eto na kami..
WELCOME TO TAIWAN!
almost perfect country for filipino workers..Malaya mga tao dito..sa sobrang laya..broken family na ang ang mangyayari sa mga may asawang iniwan sa pinas kung mahina sa tukso....tsk..tsk...binata at dalaga b nman ang peg.binalaan na kmi nung ng PDOS kmi..pinaintindi smin na family first..buti nalang wala na ko sabit..speaking of sabit..dahil pinutol ko na communication nmen ng hudas na yun..ke pearl nmn ngchachat..nakatanggap ng isang kilong malulutong na mura yung loko ke pearl..kesyo nahingi daw ng sorry..tulungan daw xa na bigyan pa xa ng chance..hello..neknek nya noh..matapos ng ginawa nya..muntikan ko ng igive up ang taiwan dahil sa ginawa nya..at ngsabi pa na susunod daw xa dito..
weh..makasunod b un..eh walang pagpupursige..
eto na yung baggage namen..anlinis ng airport nila..anluwag pati..kala ko hotel..at ang bilis ng process..palabas na kmi ng airport..100 kaming pinay na nadeploy..pero naasikaso agad kmi.kausap na kami ng coordinator namen..wala ako maintindhan.pucha..chekwang chekwa eh..d man lng ngeenglish...buti na lng me ex taiwan kming kasama..sabi nya..magpapamedical daw at punta sa arc office para magfill up for arc.Yun yung 1st step..so yung mga me balak mgtaiwan dyan alam nyo na..ARC is needed para di ka hulihin as TnT.usually 1 month ang process.pag wala pang arc.hindi pinalalabas ng dorm para pumunta sa malalayo.
in fairness huh..pati bus sosyal..hindi siksikan..tlagang well provided ng coordinator..
pagdating sa medical..wow..astig.ambilis..100 kami pero natapos kmi ng wala png 2 hours..oh db?ganun dins fill up at picture taking for our Arc..
napansin ko lng huh..walang traffic..parang puro skyway dinaanan namen..wala pati naglalakad.lahat nakamotor..motorcycle is primary transpo nila dun.wala pating basura sa kalsada..hindi ko kinukumpara ang pinas pero parang ganun na nga..dahil walang traffic...dumating kmi sa dorm bago magdilim..this is where we gonna stay for 3 years..ok naman..isang room 6 person.me sariling cr sa loob ng room..sabi nung ex taiwan nmen na kasama.maswerte daw kami.maganda yung dorm nmen.kasi.ung iba i to 10 sa isang room.asa labas pa daw yung cr.hehe..buti na lang asa loob cr..mahiyain pa nmn pwet ko pag najejebs ako..bka 3 years ako d makapupu pag nagkataon..thanks god po!
there are 3 bunk beds sa isang room..6 na cabinets.the coordinator provided us our basic needs..pero syempre kaltas sa sahod..me ganun pa ba s pinas?hmmm
anyways
we received 1 bath towel.1 pair of slipper.1 bath soap.1 shampoo.2 pcs hanger.plate spoon and chopsticks..yay..chopsticks..paanu gumamit nito?me tabo pa..ay baso daw pala yun..anlaki.kasi parang tabo.
haha..merun din kming mattress unan at comforter..comforter tlaga..yung kumot na my foam
.you know why?well sosyal kmi..air conditioned yung room namen.nku..lamigin pa namn ako..
they also gave us..swipe card..rf card xa na iswiswipe mo pag in at out sa work..at para sa pagkaen..
free shuttle kami kaya hindi na namen proproblemahin sasakyan..astig db..magwowork lng tlga ang problem mo..
me washing machine at dryer na coin operated..knina nakapagpapalit na kmi.ng pera nila sa airport.konti nlng naman dala kong pocket money eh.nakakatuwa.ung limampiso ntin sa pinas..kmukha ng 50nt(nt ung currency nila).
everything is well provided....pero malungkot padin..hindi dahil hindi ko nagustuhan yung curry na hapunan sa canteen ngaun(lasang chekwa)d pa ko nakatikim ng chekwa pero basta yun n yun..i ended up.eating cup noodles..buti me konti akong baon filipino food..namimiss ko ang TALONG..kahit torta prito bistek o kinilaw na talong..basta Talong..coz it feels like HOME..1st night ko sa bed...malamig ang paligid gawa ng aircon pero.pati puso ko nalamig..home sick attack..masarap na mhirap....
Sagana man sa material na bagay ang Taiwan..
pero ang puso ko PINAS pa din ang sigaw....at tatlong taon pa....kakayanin para sa pamilya..