Hindi mapigilan na haplusin ni Patrick ang maamong mukha ni Lorraine na mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Hindi nya maiwasan na pakatitigan ito, mula sa matangos nitong ilong hanggang sa mapupula nitong labi. Dapat hindi na sya naaakit sa dalaga, alam nya kasi kung ano ang pwedeng gawin nito sa kanya sa oras na mabaliw na naman sya dito pero kahit anong pigil nya sa kanyang sarili na huwag na lumapit dito eh kabaliktaran naman nito ang nangyayari.
Katulad na lang kaninang umaga ng inihatid nya ito sa opisina, hindi nya magawang ituon ang kanya buong atensyon sa pagmamaneho dahil panay ang sulyap nya sa magandang mukha nito at ang masama pa nito, hindi nya napigilan ang sarili na halikan ang mga labi nito.
It was definitely a bad move, ika ng isip nya pero kabaliktaran naman ang nararamdaman ng puso nya.
Tumayo na sya sa pagkakaupo sa gilid ng kama bago pa na hindi nya mapigilan ang sarili at baka may magawa ito dito na hindi dapat mangyari.
Iniayos muna nito ang kumot na nakapatong dito bago tuluyang umalis ng kwarto. Paglabas nya ng kwarto ay dumiretso sya sa kusina para maghanap ng alak na pwedeng inumin, pero pagbukas nya ng ref, wala ni isang bote ng alak ang nandoon. Bigla nya tuloy naalala na hindi pa pala sya nagrogrocery, tanging frozen foods na lang ang tirang stocks sa ref nya.
Pumunta sya sa sala at kinuha ang susi ng kotse nito, kailangan nya talaga uminom ng alak para makatulog ngayong gabi. Kanina pa kasi tumatakbo sa isip nya si Lorraine at ang hindi nya maintindihan nararamdaman nya para dito. Alam nya na alak ang solusyon para makalimutan nya ito.
Paglabas nya ng kanyang unit, sakto naman napadaan si Greg. Magkalapit lang sila nito ng Condo Unit, kay Greg kasi sya humingi ng tulong noong isang araw para maghanap ng Condo Unit nya noong umuwi sya galing San Francisco dahil ito ang uri ng business ng kanilang pamilya at sakto namang may available na unit sa sa building na ito kaya ito na lang ang inioffer nito sa kanya.
"Hey Bud? Saan ang punta?" tanong ng kaibigan nya dito.
"Sa labas, bibili lang ng alak. Naubusan ako ng stocks eh" sagot nya dito.
"Mukhang may problema ka bud ah? Tara sa unit ko, kakagrocery ko lang, marami akong beer doon" suhestyun nito sa kanya.
Hindi na sya nag-atubili na tumanggi, at isa pa kailangan nya rin ng makakausap dahil mababaliw sya kapag hindi nya nailabas ang gumugulo sa kanyang isipan.
Pagpasok ng unit ni Greg, dumiretso sila sa kusina. Umupo lang sya sa may stall chair at si Greg naman ay dumiretso sa ref nito para kumuha doon ng alak.
"What's the catch Bud?" Tanong ni Greg sa kanya ng iniabot nito ang isang boteng San Mig beer sa kanya.
Uminom muna sya bago sumagot.
"It's about Kate" walang buhay nitong sagot.
"Totoo nga ang sabi sa akin ni Fred kanina na kaya ka wala noong dumating ako doon eh dahil hinatid mo sya." sagot naman nito.
"Yeah, nasa condo ko sya ngayon."
Halata ang gulat nito sa mukha.
"Bakit nasa condo mo sya? May nangyari na ba sa inyo?" malisyoso nitong tanong sa kanya.
"Wala Greg, at ayaw kong may mangyari sa amin." ayaw nya talaga na may mangyari sa kanila baka kasi lalo lang lumalim ang pinipigilan nyang nararamdaman sa dalaga.
"Mahal mo pa?" Seryosong tanong nito sa kanya.
Ilang minuto syang natahimik at ng humarap ito kay Greg ay tahimik lang itong nakatingin sa kanya. Halatang naghihintay ito ng sagot.
"Hindi ko alam." Sagot nito kay Greg at uminom ulit ng beer sa boteng hawak nya.
"Delikado ka dyan Bud. Pero ipapaalala ko lang sa iyo, siya ang babaeng halos sumira ng buhay mo. Ingat ka dyan sa nararamdaman mo baka umasa ka na naman sa wala" seryosong paalala nito sa kanya.
And Greg is absolutely right, nagawa na syang paasahin nito noon at alam nya na kaya nya uling gawin ito ngayon.
"Alam ko, at hindi ko na hahayaang mangyari na maulit yun" seryosong nyang sabi bago tuluyang ubusin ang natitirang laman ng bote ng beer na hawak nya.
Nagpatuloy lang silang uminom dalawa ni Greg at nag-usap lang ng kung ano-anong kalokohan nila noong college at mga bagong ganap nila sa buhay. Kahit pa minsan na lang sila nitong magkita at ng iba pa nilang tropa di pa rin nababago ang samahan nila.
Wala naman na talaga syang balak bumalik sa Pilipinas pero his Dad wants him to handle their Microfinance Company dahil matanda na ito at gusto nito na habang kaya pa nito ay matrain sya sa pasikot-sikot ng kanilang kompanya. Dahil naiintindihan naman nya ang Dad nya kaya pumayag na rin sya at isa pa pinagbigyan sya nitong mamalagi sa San Francisco ng matagal na panahon na nakatulong sa kanya na makalimutang ang sakit na naramdaman nya kay Kate noon. He's now 27 years old, an enough age to face his responsibility kaya pinilit na nyang iwan ang buhay nya sa America at nagdesisyon na mamalagi na ng tuluyan dito sa Pilipinas.
Nang makaramdam na sya ng konting hilo, nagpaalam na ito kay Greg na tulad nya ay marami na ring nainom. Nakatulong ang pag-uusap nila ni Greg upang malinawan sa kung ano ba dapat ang maramdaman nya sa dalaga, at tama si Greg na delikado ang lagay nya kung hahayaan nya ang sarili na mahulog ulit ang loob sa dalaga dahil alam nya na hindi naman sya sasaluhin nito at hahayaan lang bumagsak at masaktan.
Pagbalik ni Patrick sa unit nya, dumiretso ito sa kwarto nya at kumuha ng kumot at unan dahil sa sofa sa sala siya matutulog.
At nang mapadako ang tingin nya sa maamong mukha ni Lorraine na mahimbing na natutulog. Bigla na lang nagreplay sa utak nito ang huli sinabi ng dalaga sa kanya seven years ago na halos dumurog sa kanyang puso at pagkatao.
'I'm sorry Patrick pero hindi kita kayang mahalin dahil may mahal na akong iba, he is better than you. A very worth it man that is very deserving to me. And last night, I already gave myself to him wholeheartedly, ganoon ko sya kamahal na hindi ako nagdalawang isip na ibigay sa kanya ang aking virginity na hindi ko man lang kahit kailan naramdaman para sa iyo. Paalam Patrick, sana mahanap mo yung babae na mas deserving para sa pagmamahal mo.'
After remembering that, he made a strong-conviction with himself.
"Hindi ko na ulit hahayaang mabaliw ang puso ko sa iyo Kate. Mamatay muna ako bago mangyari yun." Mahina nitong bigkas sa kanyang sarili bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Nagising si Lorraine at biglang napapikit ulit habang nakakapit sa kanyang ulo dahil sa sakit na naramdaman nya dito. Parang binabayo kasi ng martilyo ang ulo nya dahil sa sakit nito. Nanatili syang nakapikit ng ilang minuto at minamasahe ang kanyang sentido para kahit papano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman nya dito. At ng pakiramdam nya ay medyo ayos na ang kanyang pakiramdam, minulat nya na ang kanyang mga mata at doon nya lang napagtanto na hindi nya ito kwarto. Pinalibot nya ang mata sa paligid at tanging kulay abo, puti, at itim lang ang mga kulay na makikita mo, halatang lalaki ang may ari ng kwartong ito. And with that realization, bigla syang napabalikwas ng bangon at kinapa ang sarili at pinakiramdaman kung masakit ba ang kanyang pagkakabae.
Mabilis naman syang kumalma ng maramdaman nyang hindi ito masakit or mahapdi at isa pa, suot pa rin nito ang corporate dress nya kaya kampante sya na walang kapusukan na nangyari habang lasing sya pero sa kabilang banda ng utak nya hindi nya pa rin magawang hindi mag-alaala sa posibilidad na baka meron ngang nangyaring hindi maganda.
Pinilit nyang alalahin ang lahat na nangyari kagabi pero ang tangi nya lang naalala ay umiinom sya na tila walang katapusan sa bar, yun lang ang kanyang tanging naalala.
"Sh*t, ang tanga ko para magpakalasing ng walang kasama!" Inis na pangaral nya sa kanyang sarili.
Pinilit nyang bumangon kahit medyo masakit pa ang kanyang ulo, sumilip muna sya sa gilid ng pinto para tingnan kung may tao sa paligid bago tuluyang lumabas.
"Nasaan ba ako?" Tanong nya sa sarili na dumagdag lang sa sakit ng kanyang ulo. Pinalibot nya ang mata sa paligid at dumiretso sa kitchen area ng Condo dahil bigla syang nakaramdam ng pagkauhaw.
Akmang bubuksan nya ang ref ng may mahagip ang mata nito na post it note na nakadikit sa pinto nito.
'Kumain ka muna ng lugaw na niluto ko, initin mo na lang kung sakaling malamig na pagkatapos uminom ka ng gamot. Umalis lang ako saglit para kunin ang naiwan mong kotse sa bar kagabi.'
Hindi nya maiwasang mapangiti habang binabasa ang nakalagay sa post it note. Hindi na nya kailangan kilalanin kung sino ang nagsulat nito dahil kahit seven years na ang nakalipas, hindi pa rin nagbago ang penmanship nito. The same penmanship na nagpapadagdag ng kilig sa kanya noon na tuwing sinusulatan sya nito ng love letter nung college pa sila.
Pero hindi nya pa rin maiwasan na mag-isip kung paano sya napunta sa unit ni Patrick. Bakit kasi sa tuwing nalalasing sya ay hindi nya laging maalala ang mga pinanggagawa nya.
Tuluyan nya ng binuksan ang ref at medyo di na sya nagulat na wala itong laman.
"Hanggang ngayon, tamad ka pa rin Patrick mag-grocery." Sambit nya na tila kausap nya ang binata.
Buti na lang may tubig sa ref, kinuha nya ang pitsel sa loob ng ref at naghanap ng baso para salinan ito ng tubig. Habang umiinom ng tubig napansin nya ang isang malukong na natatakman ng plato sa may lamesa at sa tabi nito ay merong advil na gamot. Ito siguro ang tinutukoy ni Patrick sa kanyang post it note ika nya sa kanyang isip.
Pumunta sya dito at excited na inalis ang pagkakatakip ng plato sa malukong na pinaglalagyan ng lugaw at agad na tinikman ito. Hindi nya maiwasan na mapangiti ng sobra habang tinitikman ang lugaw na luto ni Patrick na parang ito ang pinakamasarap na lugaw sa buong mundo. Sa isipin pa lang na pinagluto sya ni Patrick, kahit simpleng lugaw lang ito ay hindi nya maiwasan na kiligin. Siya na ang mababaw, pero agad din na nawala ang ngiti nya ng maalala nya ang sinabi nito noong hinatid sya nito sa opisina kahapon.
"Don't assume too much Lorraine. Masasaktan ka lang sa huli." mahinang paalala nya sa kanyang sarili.
Tinapos nya na ang pagkain ng lugaw at sinunod ang utos ni Patrick na uminom ng gamot. Hinugasan muna nya ang pinagkainan bago pumunta sa sala para doon hintayin ang binata.
Tiningnan nya ang oras sa kanyang wrist watch at napabuntong hininga na lang sya ng makitang alas otso na ng umaga. Buti na lang wala syang schedule na kameet up na investor ngayon, kaya nga ang lakas ng loob nyang uminom ng sagad kagabi dahil alam nya na pwede syang umabsent kinabukasan.
"Nasabi na kaya ni Dad kay Mom?" tanong nya sa kanyang sarili nang maalala kung bakit naisip nyang magpakalasing kagabi. Takot kasi syang umuwi kahapon sa kanilang bahay dahil hindi nya alam kung paano nya haharapin ang Mommy nya na umasa na ng sobra sa family bonding nila next week pero hindi naman pala matutuloy dahil sa kapalpakan na ginawa nya.
Napabuntong hininga na lang sya sa mga naiisip nyang reaksyon ng mommy nya kapag nagkita sila.
"Kung iniisip mo na may nangyari kagabi na hindi maganda, wag kang mag-alala dahil walang nangyari"
Muntik na syang mahulog sa inuupuang sofa dahil sa sobrang gulat ng marinig ang baritonong boses ni Patrick na nagsalita sa kanyang harapan. Ganoon ba talaga kalalim ang iniisip nya na ni hindi man lang nya naramdaman ang presensya nito?
"H'wag ka naman manggulat ng ganyan, papatayin mo ba ako?"
Ngumisi lang ito sa kanya at inihagis ang susi ng kotse nya sa tabihan nya.
"Ikaw nga ang muntik na pumatay sa akin noon ng paasahin mo ako sa wala" malamig ang boses nito na tinalikuran sya at pumunta sa kusina.
Hindi na lang nya pinansin ang sinabi nito kahit pa medyo masakit yun. Wala itong karapatang magalit, dahil tama naman talaga ang binata. Isa syang malaking paasa.
Tumayo ito at kinuha ang susi nya bago sumunod sa binata na kasalukuyang umiinom ng tubig.
Napatingin sa kanya ang binata na may kunot sa noo.
"Binigay ko na ang susi ng kotse mo ah, ano pang ginagawa mo dito?" Malamig ang boses na tanong ng binata sa kanya.
Hindi nya pinansin ang sinabi ng binata. Gusto nyang tanungin ang binata kung bakit sya narito sa condo unit nya.
"Paano ako napunta sa unit mo?"
Nag-akto namang nag-isip ang binata at sinagot sya.
"Siguro binuhat kita? kasi kung kinaladkad kita malamang may mga galos ka na sa katawan?" Sarcastic nitong sagot sa kanya.
Napabuntong hininga na lang sya.
"I'm serious Patrick. Paano ako napunta sa condo unit mo?" Ulit na tanong nito sa binata sa mahinahon na boses
"Hindi na mahalaga yun Kate. Sa susunod h'wag ka ng magpakalasing kung wala ka naman kasama o kung hindi mo naman kaya para wala kang tao na naaabala" sagot nito sa kanya at tinalikuran na sya nito para pumasok sa kanyang kwarto.
"Sandali lang." Pigil nya sa binata gamit ang paghawak nito sa kaliwang braso. Seryoso namang napatingin ang binata sa hawak nito kaya bigla syang nakaramdam ng hiya at agad na binitawan ito.
"I'm sorry about that. Gusto ko lang magpasalamat sa iyo at alam kong hindi sapat ang mag thank you lang sa abala na ginawa ko sa iyo kaya naisip ko na samahan mo ako sa grocery store, ipag-grogrocery na lang kita para kahit papano mabawasan ang hiya na nararamdaman ko dahil sa nagawa kong abala sa iyo. Please Patrick pagbigyan mo na ako"
Pagmamakaawa nito sa kanya.
Nahihiya na kasi sya sa kanyang sarili dahil ilang beses na nyang naabala ang binata at ito lang ang tanging naisip nya upang makabawi rito.
"Wag mo nang abalahin ang sarili mo Kate, umalis ka na lang sa Condo ko. Sapat na yun" malamig pa rin ang boses nito na sagot sa kanya. Pero hindi nagpatinag si Lorraine sa sinabi nito.
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka pumapayag sa pambawi ko sa iyo" pananakot nya sa binata.
Pero wala syang sagot na narinig sa binata, tumuloy pa rin itong pumasok sa kwarto nito at sinarado ang pinto nito. Siya naman ay bagsak ang balikat na napaupo sa sofa sa sala.
"Kahit talaga kailan ang hirap pakiusapan ng lalaking yun." Inis na sambit nito sa kanyang sarili.
Habang inis syang nagiisip sa sala kung uuwi na lang ba sya o kukulitin ang binata sa gusto nyang mangyari nang bigla syang may naramdam na malambot na tela na bumagsak sa kanyang mga hita at nang mapadako ang tingin nya dito, nakita nya anf isang plain tshirt na kulay itim na may kasamang boxer short.
Nagtatakang napatingin sya sa binata sa harapan nya na syang naghagis nito.
"Ano naman ang gagawin ko dito?" tanong nya sa binata habang hawak ang tshirt at boxer na inihagis nito sa kanya.
"Bilisan mong maligo, para maaga tayong matapos mag-grocery" sagot lang nito sa tanong nya at kinuha ang remote sa center table at binuhay ang TV.
Siya naman ay nagmadalinf pumasok sa kwarto para makaligo. Ginamit nya na lang ang mga nakita nyang pang lalaking sabon at shampoo sa banyo dahil wala naman syang choice kundi ang mga ito lang. Binilisan nya ang pagligo at pagbihis. Tiningnan nya muna ang sarili sa salamin bago lumabas ng kwarto, sakto lang ang laki ng tshirt medyo loose lang ito ng kunti at ang boxer short naman nito ay hindi gaanong kaeksi at makapal rin ang tela kaya hindi makikita ang underwear nya na suot nya kanina na sinuot nya ulit pagkatapos maligo.
Maliligo na lang ulit sya bahay nila paguwi sa isiping hindi sya nagpalit ng underwear. Hindi kasi ito ang oras para mag-inarte sya, kailangan nyang bumawi sa binata. Pagkatapos suklayin ang kanyang mabasa- basa pang buhok ay nagmadali na syang lumabas ng kwarto.
Nang makarating sya sa sala, kinuha nya ang atensyon ng binata at saglit itong napatulala sa kanya pero agad rin namang umiwas ng tingin.
"Tagal mong maligo, tara na para matapos tayo agad mag grocery" pinatay na nito ang tv at nauna ng lumabas ng condo.
Napairap na lang sya sa hangin sa sinabi ng binata. Anong matagal maligo? Sa tantsya nya kasi inabot lang sya ng 15 minutes. Siguro inaatake na naman ng kaabnormalan ang lalaking yun, sambit na lang nya sa munti nyang isip.
Mabilis naman syang sumunod sa binata dala ang pouch bag nya na nakita nyang nakalapag sa center table. Ewan nya ba sa sarili nya kung bakit parang excited sya sa naisip na magkasama silang mag-grocery ng binata, parang noong college lang sila dahil lagi itong nagpapasama sa kanya para mag-grocery.
'Hay naku self, don't assume too much. Masasaktan ka lang' paalala nya sa kanyang sarili bago tuluyang lumabas ng condo at isinara ang pinto nito.
A/N: Done with the Chapter 4. Thank you for reading