⚓Troop Episode 05.2

2262 Words
'Nabalitaan niyo ba ang halimaw na umatake sa nayon ng Kimata?’ ‘Hay naku, ayon sa chismis doon sa kabilang baryo, eh  may umatake rin daw na halimaw sa probinsya ng Szions.’ ‘Teka, iyan rin ba ang halimaw na umaatake sa malapit na nayon? Mahabaging Bathala! Balita ko’y nangangain raw ito ng mga bata at dalaga.’ Rinig na rinig sa bawat sulok ng sentro ang balita tungkol sa halimaw na gumagambala sa kaharian noong mga nakaraang araw, ang halimaw ring iyon ay ang pangalawang halimaw na hinahanap ng tatlong binata. Tahimik na pinakinggan ng isang dalaga ang usapan ng mga may- edad na babae, isa-isa niyang pinagmasdan ang maliliit na burda sa isang tela habang sinasayaw ng malamig at marahang hangin ang kaniyang mahaba at gintong buhok. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapa-ngiti, simula noong bata pa siya ay palaging umiihip ang hangin sa kaniyang katawan na para bang niyayakap siya nito. ‘Oo nga, isang higanteng nilalang na may isang mata at nakakakilabot ang bungisngis.’ ‘Iba iyan, ayon sa haka-haka limang halimaw raw ang sabay-sabay na umaatake sa iba’t-ibang nayon.’ ‘Talaga? Ngunit balita ko’y huli na itong nakita sa Bundok ng Taraya at bigla na lang daw itong nawala, baka nag-tago.’  ‘Hay naku! Ipagdasal na lang natin kay Bathala ang pangyayaring ito, sunod-sunod na rin ang pag-aatake ng mga halimaw.’ “Ayos ka lang ba, iha?” napakurap ng ilang beses si Hasina nang maramdaman ang mga kamay na humaplos sa kaniyang balikat, dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang ulo at doon natagpuan ang mga matang nag-aalala sa kaniya. “Hay naku, Hasina! Hindi ba’t sinabi sa’yo ni Mamita na ika’y magpapahinga muna?” mungkahi ng isang ale, kaya nahihiyang umiwas ng tingin ang dalaga. “Ayos lang po ako.” Ngumiti ng pilit si Hasina, ngunit sa likod ng ngiting iyon ay ang sakit na tuluyan nang kumalat sa kaniyang katawan, para iyong napapaso at pakiramdam niya’y siya ay sinusunog. “Oh, siya! ‘Wag kang mag-alala, isesekreto naming kay Mamita ang pamimili mo dito sa sentro basta’t ingatan mo ang kalusugan mo iha.” Nag-aalalang giit ng mga ito kung kaya ay napa-ngiti si Hasina, isang dahilan upang tuluyan nang gumaan ang loob ng mga taong nakasilay sa ngiting iyon. LINGID sa kaalaman ng lahat ng naroon, isang binate ang kanina pa nakamasid sa dalaga. Dala-dala ang kaniyang binoculars, sumilip ang isang ngiti sa kaniyang labi, ngunit mababasa ang emosyon ng pag-aalala sa kaniyang mukha. “Kaunting tiis na lamang Hasina, masasagip rin kita.”   “GRABE, ang sakit sa dibdib! Ayoko nang mabuhay!” madamdaming giit ni Euzeine matapos makita ang laman ng isang papel kaagad niya yung tinupi at mahigpit na hinawakan, kasalukuyan siyang nakaluhod sa lupa habang sapo ang sariling dibdib. Humihinga ng malalim upang mapigilan ang sarili sa pag-iyak. Napangiwi na lamang si Octavus, kanina kasi ay umalis ang kapitan at ngayo’y bumalik na itong ngumangawa. “Tontong Mortal!” giit ni Devoene at agad na hinila ang papel na hawak ni Euzeine, hindi naman siya nag-aalala no. Kyuryos lang siya kung ano ang nasa loob ng papel. “Hoy, Deveoenyo! Bitawan mo ‘yan!” saad ni Euzeine at itinaas ang kamay upang maabot ang papel na hawak ng binatang bampira, kaagad naman itinaas ni Devoene ang kaniyang kanang kamay kung nasaan ang papel habang ang kaliwa niyang kamay ay nakadiin sa mukha ng binatang si Euzeine na hanggang ngayon ay pinipilit ang mag-inat upang maabot ang papel na hawak ng binatang bampira.  “Devoenyo! Akin na yan!” ngumawa ang binatang si Euzeine ngunit hindi man lang siya pinansin ng binatang bampira, bagkus ay binatukan pa siya nito. Napairap na lamang si Devoene at tuluyan nang ibinuka ang papel gamit ang kaniyang kanang kamay, agad na naningkit ang kaniyang mata at tuluyan nang nagsalubong ang kaniyang kilay nangunot na rin ang kaniyang noo habang nakatitig sa guhit na nasa papel. Napaka-pamilyar ng taong naroon at pakiramdam niya'y nakita na niya ito, napakurap pa siya ng ilang beses nang maramdaman ang pamilyar na silab sa kaniyang dibdib, ang pamilyar na emosyon ng galit ngunit hindi rin nya mapigilan ang pag-angat ng gilid ng kaniyang labi unti-unting rumehistro ang isang ngiti na puno ng pangungutya at asar.   "Ang pangit mo dito! HAHAHAHAHAHA!" lumabas ang malutong na tawa ni Devoene matapos niya tignan ang litrato, nakaguhit kasi roon ang mukha ng binatang si Euzeine at may nakalagay pang "WANTED" na yari sa kulay pulang tinta at nakasulat iyon sa ibabaw ng papel, sa ibaba noon ay may nakalagay ring "KAWATAN, KUNG NAHANAP AY TATADYAKAN! BABAYARAN NG SAMPUNG MALAKING BARYA  NG TANSO ANG MAKAPAGBIBIGAY NG KANIYANG KAMAY." agad na napakurap si Devoene nang mabasa ang pang-huling linya ng pangungusap sa papel, unti-unti niyang napagtanto na wala na pala siyang pera para manuluyan sa isang bahay-tuluyan naubos na kasi lahat ng iyon dahil sa paghahanap niya sa prinsipe ng Sorealiz na siyang misyong iginawad sa kaniya ng Amang Hari, sekreto lamang ang misyon na ito kung kaya ay limitado lang ang dala niyang pera at bukod roon wala ring ibang nakakaalam na siya'y nag-tungo sa Kaharian ng Sorealiz. Umabot ng ilang linggo ang paghahanap niya sa Prinsipe, ngunit hanggang nayon ay hindi niya mahanap ang prinsipe, para bang hindi ito nabuhay dahil ni kaisang impormasyon tungkol dito ay walang alam ang mga tao hanggang sa napadpad siya sa gubat at doon niya sinipsipan ng dugo ang mga mortal na sundalo o mas kilala bilang tawag na maharlika, sobrang gutom na niya noon at ilang araw na siyang nagpalibot-libot sa gubat kung saan niya rin nakasalamuha ang binatang magnanakaw na si Euzeine na siyang labis niyang kinasusuklaman. "Devoenyo, akin na nga yan!" lumundag ang binatang si Euzeine at tuluyan nang naagaw ang papel na hawak ng binatang bampira, muli niyang nasilayan ang sarili niyang mukha na nakaguhit roon at hindi niya mapigilan ang sarili na maiyak. "Pastilan, ang laki ng noo ko dito tapos ang laki pa ng butas ng ilong ko!" pag-rereklamo niya habang isa-isang tinuro ang parte ng kaniyang mukha sa guhit, naupo pa siya lupa at hindi halos matigil sa pag-satsat. "Pastilan, sinabi sana ng mga taga-sentro na nais nila akong gawan ng portrait! Handa akong umupo ng isang oras habang naka-ngiti para makuha nila ang perpekto kong mukha!" patuloy pa niya ngunit bigla na lang niyang naramdaman ang malakas na pwersa sa kaniyang palapulsuhan at tuluyan na siyang naangat sa ere. Naawang ang labi ng binatang magnanakaw nang makita ang binatang bampira na hawak ang kaniyang palapulsuhan, ngunit agad rin siyang napangiwi nang makita itong nakatingin sa kawalan at bumubulong pa. "Sampung malaking barya ng tanso, sa pagkakaalam ko'y katumbas nito ang limang maliit na barya ng pilak at kung puputulin ko ang dalawang kamay ng tontong mortal na ito ,magkakaroon ako ng sampung maliit na barya ng pilak na naghahalaga ng ilang daan sapat na iyon upang makanap ako ng bahay-tuluyan at makahanap ng babaeng mortal na uutuin." tumango-tango si Devoene sa sarili nang marinig ang sinabi ng kaniyang utak, lingid sa kaniyang kaalaman narinig ni Euzeine ang kaniyang pinagsasabi ngunit wala naman siyang naintindihan sa sinabi nito, ni hindi nga niya alam kung ano ang ibig ipahiwatig ng binatang bampira. "H-hoy! Bitawan mo ko, hindi porket mas matangkad ka sa akin!" giit ni Euzeine unti-unting nanlaki na ang kaniyang mga mata nang makita ang espada ng binatang bampira nakatutok na iyon sa kaniyang pala-pulsohan at base sa ekspresyon ng binatang bampira mukhang handa na itong putulin ang kaniyang kamay. Agad na nataranta si Euzeine nang mapagtanto ang gagawin ng binatang bampira, agad siyang gumalaw-galaw upang mabitawan ng binatang bampira ang kaniyang pala-pulsuhan.   "Hoy pastilan! Bitawan mo ko!!" halos magpanik na si Euzeine, ramdam niya ang kaba sa kaniyang dibdib habang nakatingin sa walang emosyon na bampira tuluyan na itong nasakop sa ideyang naghahalaga ng ilang barya ng tanso ang kamay ng binatang magnanakaw. "'Wag kang gumalaw tontong mortal, kamay mo lang ang kakailanganin ko!" giit ng binatang bampira habang naka-ngisi ng nakakaloko bigla kasing nag-flash sa kaniyang utak ang mga magagandang mortal na babae na kaniyang uutuin kapag magkaroon na siya ng pera. "Pastilan!" halos  maiyak na giit ni Euzeine, sino ba namang hindi maiiyak sa ideyang puputulin ang kamay mo sa halaga ng sampung barya ng tanso? Dala ng sobrang taranta, malikot na iginalaw ni Euzeine ang kaniyang katawan upang mairita si Devoene at tuluyan na siyang mabitawan ngunit hindi ganoon ang nang-yari, bagkus ay mas humigpit ang hawak ng binatang bampira walang nagawa si Euzeine kundi ang ipikit ang kaniyang mga mata at hinintay ang huling sandali nila ng kaniyang kamay. Tuluyan nang bumaha ang ilang memorya sa kaniyang utak, nandoon ang masaya at malungkot na sandali na hindi niya makakalimutan, mga memoryang iingatan niya dahil ang mga memoryang iyon ay patungkol sa kaniyang kamay na unti-unti nang mawawala sa kaniyang piling. Tiyak na mamimiss niya ang pangdudurukot at pagnanakaw na gawa nito, mamimiss rin niya ang humawak ng gintong alahas at mas lalo niyang mamimiss ang pagnanakaw ng panty na nakasampay lamang sa labas ng ilang kabahayan. "Mamimiss kita mahal kong mga kamay!" giit pa niya habang naka-pikit, ayaw niyang tignan ang nakakaawang hitsura ng kaniyang kamay sa sasapitin nito at bukod roon ayaw niyang makita ang pangit na mukha ng binatang bampira. "Ang sakit niyo sa ulo, alam niyo yun?" tuluyan nang naidilat ni Euzeine ang kaniyang mata at tuluyan nang tumabad sa kaniyang ang seryosong mukha ng binatang lobo. Napailing pa ito kaya malawak na napangiti si Euzeine. "Otso! You saved my life!" para itong bata na nakatanggap ng regalo, nakahandusay na kasi sa lupa ang binatang bampira dahil malakas itong ipinitik ni Octavus sa leeg dahilan upang makatulog ito, alam kasi niyang ilang araw ng walang tulog ang binatang bampira kung kaya ay kinuha niya ang oportunidad na iyon upang patulugin ito sa mabilis na paraan. "Hala! Otso, pinatay mo!" naikagat ni Euzeine ang kaniyang labi, habang nakatitig sa tulog na si Devoene hindi niya alam na tulog lang pala ang binatang bampira. "Hoy! Devoenyo gising!" sigaw pa ni Euzeine at niyugyog pa ang balikat ng binatang bampira na mahimbing na nakatulog. "Gising bobong devoenyo!" "Kapitan, alam mo ba kung nasaan tayo ngayon?" pabulong na giit ng binatang lobo, napakurap naman si Euzeine at tuluyan nang natigil ang pag-ngawa niya tungkol sa pagkamatay ng binatang bampira. "Otso, nabagok ba ang iyong ulo at tuluyan mo nang nakalimutan kung nasaan tayo?" sarkastikong giit pa nito kaya tuluyan nang nasapo ni Octavus ang kaniyang noo. "Malamang nasa sentro tayo ngayon." kampanteng giit pa nito na para bang isa lang iyong maliit na bagay. Tuluyan nang nahilamos ng binatang lobo ang kaniyang mukha sa sobrang konsumisyon, napakalaking bagay kasi ng ginagawa nila ngayon, hindi dapat sila nandito dapat ay nagtatago sila sa gubat lalo na't hinahanap ng mga maharlika ang binatang si Euzeine, at kung paano niya yun nalaman ay dahil iyon sa mga litratong papel na nakadikit sa bawat poste at tindahan. Kahit nakasuot ng kulay itim na manto upang hindi makilala at kahit nakatago sila ngayon sa isang sulok hindi pa rin maiiwasan ang posibilidad na sila'y mahanap ng mga maharlika.   Tatlong araw na ang nagdaan mula noong mahanap nila ang halimaw na iilang araw na rin nilang sinusundan, iyon rin pala ang halimaw na dumukot sa mga bata mula sa iba't-ibang nayon at buti na lang ay hindi sila nahuli sa pag-sagip ng mga batang nawawala. Sunod naman roon ay ang isa pang halimaw na umatake sa malapit na nayon, sunod-sunod ang pag-aatake ng mga ito na labis niyang ipinagtataka kung kaya ay ilang araw na rin silang naglalakbay upang makatulong sa mga nabiktima. Umasa si Octavus na makakatanggap sila ng pabuya bilang pasasalamat sa kanilang pag-sagip sa batang babae ngunit hindi ganoon ang nangyari, imbes na pasalamatan pinalayas silang tatlo at binastos pa dahil iyon sa kadahilanang magnanakaw si Euzeine. Kinasusuklaman ng mga tao ang binata at iyon ang labis na ikinabigo ni Octavus, sa iilang araw kasi nilang pagsasama tuluyan nang gumaan ang kaniyang loob sa kapitan. Doon niya rin napagtanto na kahit gaano kabuti ang iyong ginawa ngayon, paghuhusgahan pa rin ng mga tao ang iyong ginawa noong nakaraan. "Nag-aalala ka ba Otso?" tanong ni Euzeine, tuluyan nang napahinga ng malalim si Octavus at nilingon ang binata, tumambad tuloy sa kaniya ang naka-ngiti nitong mukha parehong-pareho ito sa ngiting nakita niya noong nakaraan, ngiting nagsasabi na magiging ayos lang ang lahat. "'Wag kang mag-alala, hindi tayo mahahanap ng mga maharlika! May special powers kaya tong mga manto na ninakaw ko." mayabang nitong giit kaya nama'y sumilay ang maliit na ngiti sa labi ng binatang lobo ngunit hindi iyon nakita ni Euzeine. Kapagkuwan ay napatikhim siya at inilabas ang matagal na niyang kinimkim sa kaniyang kaloob-looban. "Kapitan, bakit mo ginagawa ang lahat upang masagip ang mga taong hindi mo naman kilala?" hindi na natigilan ni Octavus na ilabas ang kaniyang hinaing, ayaw niya sa lahat ay ang pakikitungo ng mga tao sa isa't-isa base sa kanilang estado at karanasan sa buhay. "Because I'm the captain of Troop Endeavour." giit ni Euzeine kaya tuluyan nang natigilan si Octavus, hanggang ngayon ay hindi niya maintindihan kung bakit siya nirecruit ng binata sa kulto nito. "besides, a hero can't choose whom he needs to save and everyone needs a little saving, right?" naka-ngiting patuloy pa nito at sa pangungusap na iyon tuluyan nang gumaan ang loob ni Octavus.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD