⚓Troop Episode 03.2

2255 Words
“Wag kang sumali sa kultong binuo ng siraulong iyon!” iyan kaagad ang lumabas sa bibig ng binatang si Devoene matapos niya ihagis si Euzeine sa ere. Napakurap naman ng ilang beses ang binatang lobo, kapagkuwan ay nagsalubong ang kilay nito at simangot siyang tinignan. “Share mo lang?” walang emosyong giit ng binatang lobo, pinasok niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng suot niyang pantalon at blangkong tinignan ang binatang bampira na hanggang ngayon ay naka-nganga pa rin sa kaniyang sinabi. “Hoy! Hoy! Lobo, kilala mo ba kung sino ang kausap mo?!” sa sobrang lakas ng boses nito’y maririnig sa bawat sulok ng kagutaban ang tanong ng binatang bampira dahilan upang mapabuntong hininga ang binatang lobo pero imbes na pansinin ang tanong nito, pasimple niya itong tinalikuran at hindi na nag-abala pang lingunin ito ulit. “Hoy, saan ka pupunta?! Hindi pa tayo tapos sa pakikipag-laban ha?!” muli niyang narinig ang nakakarindi nitong boses, kalalaking tao ang laki ng bunganga. "Hoy, Lobo! 'Wag mo 'kong talikuran!" giit ulit nito kaya napabuntong-hininga na lamang si Octavus. "Kinakausap kita, lobo. Hindi pa tayo tapos!" sigaw ulit nito kaya tuluyan nang nagambala ang mga lambana at mga ibong namamahay sa kagubatang iyon tuluyan na silang nagliparan papalayo sa takot na baka sila’y madamay. Napailing na lamang ang binatang lobo at walang nagawa kundi ang harapin muli ang  binatang bampira. “Wala akong interes makipag-away sa mga kampo ng Kasamaan.” Maikling giit ng binatang lobo, tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Hangga’t maari at hangga’t kaya pa niyang mag-timpi hindi niya maaring galawin ang Prinsipe ng Kadiliman, isang malaking pagkakamali ang nagawa niya kanina lang at mabuti na lang napigilan niya ang sarili at napagtanto niya ang kamaliang iyon. “’Wag mo’kong talikuran habang kinakausap kita, lobo. Hindi ba kayo nadisiplina ng inyong mga magulang na dapat harapin ang taong kumakausap sa inyo?” muntik nang mapatalon si Octavus nang maramdaman ang kamay sa kaniyang balikat, mabigat iyon at mararamdaman mong marami na itong nararanasang labanan kumbaga ay eksperto na ang mga kamay na iyon. Nakatayo na pala sa kaniyang  harapan ang binatang bampira at naka-ngisi na ito sa kaniya. Hindi pa rin nagbago ang hitsura ng binatang bampira, kawangis nito ang malupit at walang-awa na Hari ng Kadiliman na siyang labis niyang kinasusuklaman. “Tao ka ba? Wala ka namang kaluluwa ah? Iniwan ka.” Walang emosyong giit ni Octavus, winakli niya ang kamay na nakapatong sa kaniyang balikat at dire-diretsong naglakad palayo. Hindi niya pinansin ang matatalim at nangingislap na tingin sa kaniya ng binatang bampira, hangga’t sa maari ay iiwasan niya ito. Mahirap nang mabuking siya sa pabor na hiningi ng kaniyang Ina bago ito lumisan. “May tinatago ka ba sa Amang Hari?” agad na natigilan ang binatang si Octavus,  sa kaniyang likuran ay kampanteng nakasandal sa isang punung-kahoy ang binatang bampira, ramdam nya ang panganib na dala nito malakas ang kabog ng kaniyang puso at parang lalabas na ata iyon sa kaniyang dibdib. Napalunok siya ng ilang beses at kalmadong hinarap ang binatang bampira at ganoon na lang rin ang kaniyang pagkagimbal nang makita ang espadang nakatutok na sa kaniyang noo. Dala ng sobrang pagkataranta, aksidente niyang nawakli ang espada gamit ang kaniyang kamay kung kaya ay nabitawan ito ng binatang bampira na mukha ring nagulat sa kaniyang reaksyon.  Tuluyan nang lumipad sa ere ang espada, nagpaikot-ikot ito ere at tila ba’y tumigil ang oras sa sandaling iyon hindi sila halos makapagsalita, pinagmasdan lamang ang espada na umiikot sa ere. Napatunganga si Octavus at ganoon rin si Devoene, hindi nila halos magalaw ang kanilang mga paa na para bang nakadikit lamang sila sa kanilang pwesto, hanggang sa narinig nila ang pamilyar na boses. “Pastilan, ayos lang naman sa akin na ihagis niyo ako sa ere. Tanggap ko yun kasi Kapitan niyo ako pero kung itong espada ihahagis niyo.. ibang usapan na yun!” napakurap ng ilang beses ang dalawang binata, hindi nila mawari kung kailan nakarating ang binata mula sa ere at ang mas nakakakilabot roon ay maayos lang ang hitsura nito, umaasa pa naman silang mapuruhan ito dahil sobrang taas ng hinagisan nito. Hawak na nito ang espada at naka-ngisi na ng malawak sa kanila. “Tontong Mortal! Ibalik mo sa’kin ang espadang iyan!” galit na sigaw ni Devoene at kaagad na inatake si Euzeine na ngayo’y kumakaripas na sa takbo, natigilan ang binatang lobo nang maramdamang may humihila na sa kaniyang putting kamiso napalingon siya roon at nakita ang binatang si Euzeine na nagtatago sa kaniyang likuran, para itong bata na nakakita ng halimaw idagdag pa ang height nitong napag-iwanan ata ng panahon. “Inaaway ako oh, protektahan mo ko!” pagsusumbong pa nito sa kaniya na akala mo’y inagawan siya ng matamis na pagkain, napa-ngiwi si Octavus at binalik ang tingin sa kaniyang harapan tuluyan nang tumambad sa kaniya ang umuusok na ilong at nanlilisik na mata ng binatang bampira na si Devoene. “Alis sa harapan ko lobo!” sigaw nito at naglagsikan pa ang mga laway, napalunok na lamang si Octavus at agad na nagbigay daan ngunit nakakapit pala si Euzeine sa kaniyang likuran kung kaya ay nakasunod rin ito sa bawat galaw na gawa niya. “Puta ‘wag ka ngang gumalaw!” galit na sigaw ni Devoene. Sinubukan nitong abutin ang binatang si Euzeine na hanggang ngayo’y nakakapit sa likuran ni Octavus, ngunit bago pa naman niya ito makuha agad na umiwas si Octavus dahil ayaw niyang madampian ang kaniyang balat.   “Diba, sabi kong ‘wag kang gumalaw?!” galit na giit ni Devoene, napaismid na lamang si Octavus at saka iginiling ang sariling katawan nag-babasakaling bibitaw ang binatang si Euzeine. “Alis ka nga diyan bata!” pabulong ngunit may diin niyang giit kay Euzeine, ngunit imbes na bumitaw mas humigpit ang kapit nito at binelatan pa siya. “Hindi ako bata lobo at hindi ako aalis dito!” napa-awang ang labi ni Octavus, hindi siya makapaniwalang napaka-suwail pala ng binatang ito kaya pala ay nais siyang paslangin ng binatang bampira.   “Wag niyo ‘kong idamay sa kaguluhan niyong dalawa.” Kalmadong giit niya ngunit sa loob-loob niya’y nagpapanic na siya lalo na’t matalim ang tinging iginagawad sa kaniya ng binatang bampira, hindi dahil takot sya rito kundi dahil baka mabasa nito ang kaniyang sekreto. “Alis ka na kasi!” giit niya ulit sa binatang nakakapit sa kaniyang likuran, hawak pa rin nito ang espadang pagmamay-ari ng binatang bampira. “Sa isang kondisyon.” Naka-ngising giit ni Euzeine, natigilan naman si Octavus at napalunok hindi niya halos maalis ang tingin sa binatang bampira, kahit ano mang oras ay aatakehin na siya nito at dapat niyang iwasan iyon.   “Sali ka sa tropa ko!” masayang giit ni Euzeine. Napakurap naman ng ilang beses si Octavus at sarkastikong natawa. “Gago ka ba? Bakit ako sasali sa kultong kinabibilangan ng taong kinasusuklaman ko?” giit nito kaya pansamantalang natigilan si Euzeine. Mahigpit itong nakakapit sa likuran ng binatang lobo at sandaling napaisip. "Magbati kayo." sambit nito na para bang sobrang dali lang gawin ng kaniyang sinabi, napa-awang ang labi ng binatang lobo at napa-ngisi, mahihimigan ng sarkasmo ang halakhak na lumalabas sa kaniyang mapupulang labi.   "Imposible, hindi ako sasali sa kultong to." matigas na giit ni Octavus   “Sali ka pa rin sa tropa ko!” matigas nitong saad kaya nama’y napailing si Octavus at iginalaw ang sariling katawan, nagbabasakaling bibitaw roon ang binatang nakakapit. “Ayaw mo sumali?” malungkot na tanong ni Euzeine at saka dahan-dahang lumuwag ang pagkahawak nito sa kaniya, pursigidong tumango si Octavus nais na niyang makatakas, mahirap nang mabuking siya ng Prinsipe ng mga Bampira. Ngunit muli niyang narinig ang giit ng binatang nakakapit sa likuran niya at sa pangungusap na iyon tuluyan nang sinakop ng kaba at takot ang kaniyang dibdib. “Sige, ichichismis ko na lang kay Devoene ang sekreto mo.”  Bulong nito sa kaniyang tenga at sa isang iglap ay tuluyan nang lumipad si Devoene sa ere, nakatitig sa kanila ang pula at nanlilisik nitong mga mata at kahit ang pangil nitong kasing-talim ng kutsilyo ay kitang-kita nila. Dala ng labis na taranta, walang pagdadalawang-isip na naibulaslas ni Octavus ang salitang “Oo na! Oo na, sasali na ako! Bwisit naman oh, nadadamay pa ako!”at sa sinabi niyang iyon tuluyan nang bumitaw si Euzeine sa kaniyang likuran at tumatawa na sa kaniyang harapan ang binatang bampira.   “HAHAHAHAHAHA!” pakiramdam ni  Octavus ay nagsitayuan lahat ng balahibo sa kaniyang katawan nang marinig ang tawa ng Prinsipe ng mga Bampira, parehong-pareho ito sa tawa ng Amang Hari na siyang kinasusuklaman niya sa lahat at bukod roon hindi pa rin maproseso sa kaniyang utak ang nang-yari.   “Mabuti, mabuti!” tumatangong giit ni Euzeine dahilan upang matigilan si Octavus, nakita na lang niya ang kaniyang sarili na inaakbayan na ng dalawang binata. “Nice acting, bampira!” tawa pa ni Euzeine kaya ang kanina’y naka-ngising si Devoene ay agad na napalitan ng irita.   “Tumahimik ka tontong na mortal!” sigaw pa nito ngunit natawa lamang si Euzeine, doon lamang napagtanto ni Octavus ang lahat hindi pala totoong espada ang hawak ng binatang si Euzeine, kopya lamang ito ng orihinal na espada ni Devoene, hindi siya makapaniwalang nagpalinlang siya sa dalawang binata at ang nakakatanga pa roon ay hindi man lang niya namalayan.   Napalunok siya at agad na napagsisihan ang desisyong inilabas niya kani-kanina lang. “Welcome to Troop Endeavour, Wolf boy!” naka-ngiting giit ni Euzeine sa kaniya dahilan upang masapo niya ang kaniyang noo. “Octavus, Octavus Sanzio ang pangalan ko.” Napakurap ng ilang beses si Octavus, nagulat nang makita ang ngiti ni Euzeine.   Ang tanging alam niya lang ay ang paggaan ng kaniyang kalooban na para bang unti-unting binuhat ng ngiting iyon ang lahat ng kaniyang mabibigat na bagahe. “Octavus Sanzio, Welcome aboard to Troop Endeavour! As the Captain of this Troop, you will be in my care and I promised on my mortal life that you can always hold on to me.” Saad nito sa kaniya, malawak ang ngiti nito na nangangakong makakapitan niya ito kahit na anong mangyari ngunit sa kabila nito ay isang bagay ang nakapagbagabag sa binatang lobo. Paano nalaman ng isang mortal ang kaniyang sekreto?                                                                   *** “Isang Lambana?” napakurap ang dalagang si Ursaillune matapos siya lapitan ng isang maliit na nilalang, kasinglaki lang nito ang kaniyang hintuturo at may pakpak kagaya ng mga paru-paro ang kaibahan nga lang ay kulay ginto ang pakpak nito at di hamak na mas malaki kompara sa mga paru-paro at  pinalamutian ang pakpak ng kulay gintong buhangin na siyang lumilipad sa hangin sa bawat pagaspas nito sa ere, may dala pa itong maliit na pitaka kung saan nakalagay ang kulay gintong abo na siyang ginagamit sa pangangalaga ng mga bulaklak sa kagubatan. Pinaniniwalaang ginagamit ang gintong buhangin upang mamumukadkad at mamumulaklak ang mga bulaklak at halamang gamot sa kagubatan.   “Anong problema munting diwata?” tanong ni Ursaillune, nakatayo na sa kaniyang palad ang munting nilalang at ilang beses nitong tinuro ang kagubatang pagmamay-ari ng diwatang si Maria Makiling. Nanlaki ang mata ni Ursaillune at natutop niya ang kaniyang labi  nang makita ang mga ibong lumilipad papunta sa langit na para bang nagambala ang mga ito sa loob ng gubat. Napalunok na lamang si Ursaillune at ibinalik ang tingin sa munting nilalang na nakatayo sa kaniyang palad. “Nasaan ba ang iyong Ina, munting lambana?” ang inang tinutukoy ni Ursaillune ay si Maria Makiling, lahat kasi ng mga nilalang na nakatira sa kagubatang iyon ay tinuring na anak ng diwata. Malungkot na napailing ang lambana kaya ilang beses na napakurap si Ursaillune at ilang beses siyang napahinga ng malalim upang maikalma ang sarili ramdam niya ang malakas na tambol ng kaniyang puso dahil baka may nangyayaring masama sa kagubatan tiyak na mawawala ang pinaka-unang lugar kung saan nila makukuha ang kanilang pangunahing pangangailangan at kailanma'y hindi iniiwan ng diwata ang tahanan. Aalis na sana si Ursaillune kasama ang lambana, nang bigla silang makarinig ng nakakabulabog na sigawan mula sa gubat. “SALI KA PA RIN SA TROPA KO!” napa-ngiwi si Ursaillune nang marinig ang boses na iyon. “OO NA, OO NA! BWISIT NAMAN OH! NADADAMAY PA AKO!” sigaw naman nung isa kaya, tuluyan na siyang kinain ng kaniyang kyuryosidad, dahan-dahan siyang nag-tungo sa bukana ng gubat at pilit na sinusundan ang mga boses na nagsisigawan unti-unti kasi iyong humihina, base sa kaniyang narinig nasa tatlong tao ang nasa loob at pakiramdam niya ay ang mga ito ang dahilan kung bakit nagambala ang mga nilalang, maglalakad pa sana si Ursaillune nang marinig niya ang hinihingal na boses ng isa niyang kaibigan.   “Grae, kanina pa kita hinahanap! Hali ka na, magsisimula na ang ritwal!” natataranta nitong giit at saka hinila papalayo si Ursaillune mula sa gubat, napatungo at napabuntong-hininga na lamang si Ursaillune  "Ayos ka lang ba?" tanong ng kaniyang kaibigan kaya ay napatango siya, natagpuan niya ang kaniyang sarili na nag-aalay ng dasal sa mga anito at anita. Mag-aalas sais y media na ng gabi at kasabay iyon ng kaniyang pagkadismaya. Dalawang gabi na ang nagdaan, wala pa ring buwan na nagpakita sa madilim na kalangitan at hindi niya mapigilan ang mag-alala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD