25 - WARNING (SENSITIVE CONTENT)

2116 Words

Twenty-Five "Quinn, sandali! Mapapagalitan ka ni Daddy sa gagawin mo!" humabol ito at lumusot rin sa butas na dinaan ko para makarating dito sa bakanteng lote katabi ng bahay namin. Hindi iyon halata dahil may halamang sadya kong itinanim roon para matakpan, at 'di mahalata ang butas. "Bumalik ka na roon, Zoey. Kapag hinanap ako ni Daddy sabihin mo hindi mo alam! Dali na!" utos ko rito habang pinapagpagan ang kupasing maong na suot. Ngunit hindi ito nakinig. "No! Mag-aalala ako lalo, saan ka ba pupunta? Sasamahan na lang kita!" kung titignan kaming dalawa mas mapagkakamalan talaga itong anak ng may-ari ng mansion na nasa likuran namin. Kahit kinse anyos lang ito ay dalagang-dalaga na manamit. Habang ako mukhang gusgusin sa itsura't pormahan. "Zoey, may pupuntahan lang ako! Balik ka na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD