IRISH
Nagising ako sa isang mahinang tapik sa aking balikat. Sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng pabango. Amoy... pogi? Parang amoy ng lalaki na madalas kung maligo at panigurado, naghihilod ng batok!
"Shih Tzu, you're drooling."
Hmm.. Nagsasalita rin 'yong amoy. Ang laki ng boses ha, at malalim! Parang konting salita pa, mapagkakamalan ko na siyang bida sa isang anime. 'Yong guwapong bida na walang ginawang tama pero magugustuhan pa rin ng babae kasi isa siyang naglalakad na red flag. Parang spicy fried chicken.
"Wake up, it's time to go home."
"Spicy fried chicken."
"What? Are you hungry?"
Ano 'yon? Bakit parang pamilyar 'yong boses? At bakit may mainit na nakapatong sa may pisngi ko?
"Gising ka na ba?"
"AY SPICY FRIED CHICKEN!" Hindi ko inaasahan na makita ang mukha ni Ice nang ganoon kapalit. Halos magkapalitan na kami ng muta. Hindi ko kinaya, kaya bigla ko siyang natulak nang malakas.
"He-he, okay ka lang?" I asked. Kitang-kita ko ang pag-irap niya bago tumayo mula sa pagkakaupo niya sa lapag. Did I do that?
"Bakit ka nakaupo sa lapag? Enjoy ka d'yan?"
"Irish, I swear to God," I signaled him to shut up before he can even scold me. May saltik din talaga ito eh, kanina may pa-sorry Irish pa siyang nalalaman. Tapos ngayon...
"Ginulat mo ako okay?" Ginulo niya ang buhok ko pagtayo niya. "Oh ano naman ngayon, ginawa mo na talaga akong aso?"
"You're cute you know that?"
Well sh*t, kalmahan mo lang Sir, medyo guwapo ka talaga. Baka makalimutan ko na medyo g*go ka rin.
"Uh, hulaan ko, kasi mukha akong aso?" Ramdam ko ang panginginig ng bibig ko habang sinusubukan ko na hindi ngumiti dahil sa cute niyang pagtawa.
"Tama na nga, uwian na."
"What? Gaano ako katagal nakatulog?" Uwian na? Huling naaalala ko, nakatulog ako kaninang 10:30?
"It's lunch time," Ice said. Ngayon naman pilit niyang inaayos ang buhok ko kahit na ilang beses ko nang tinatapik ang kamay niya bilang pagbabawal.
"Anong oras magsisimula ang afternoon class?"
"Walang klase mamayang hapon girl," sumulpot sa likod niya ang makulit na si Kim habang nakangiting kumakaway sa akin.
"Walang klase?"
"Yup, surprisingly, may meeting ang buong faculty," he continued. Maloko siyang nakatingin kay Ice na ngayon ay hindi makatingin nang diretso sa akin. He's the owner of the school, siya kaya ang may pakana no'ng meeting?
"Gusto mo magpahinga 'di ba? Ayan, your afternoon is free." Ngayon naman si Angelo ang nakangisi na tinatapik ang balikat ni Ice. Namumula ba ang pisngi niya? Bakit parang namumula siya? Cute.
"Wow, mabuti nalang walang klase. Makakauwi na ako para magpahinga."
I need this time right now, at mukhang tama ang hinala ko. Si Ice ang may pakana nitong meeting daw. Hindi nakaligtas ang pagtatago niya ng ngiti sa mga salitang sinabi ko. Mukhang may puso pa naman pala siya. Now he's trying to make up for his mistakes.
Sumunod nalang ako sa mga kilos nila, paglabas nang magarbo nilang club room. Katulad nang inaasahan ko, kalat nanaman ang mga fangirls na nakanganga sa bawat dinadaanan namin. Hindi ko pa rin maintindihan kung sino itong mga lalaki na nakapalibot sa akin ngayon.
At ano ba ang trip nila? Bakit napalapit pa ako sa kanila? I am very used to being ignored. Nacoconscious tuloy ako sa bawat kilos ko. Lalo na sa tabi ni Ice?
Tumingala ako para silipin ang mukha niya pero nanlaki halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko siyang nakayuko habang nakangiting tumitingin sa akin. He looks dangerous. Sa mga kilos palang niya, tama ang iniisip ko kanina, red flag.
"What are you thinking?" Nangilabot ako sa lalim ng boses niya. I did my best to act normal and blankly responded.
"Spicy fried chicken."
"Gutom ka?"
"Siguro," I replied. Hindi ko naman inaasahan na bigla siyang hihinto sa gitna ng campus. Ngayon ay nasa tapat kami ng malaking water fountain.
"What are you guys doing, tara na. Pinagtitinginan tayo rito." Hindi nakinig sa akin si Ice. Sentro sa mukha ko ang sinag ng araw. Ano ba naman yan, tutong ako agad nito. Ginamit ko nalang ang palad ko bilang panakip sa sinag, but Ice had a better idea.
Habang seryoso siyang nagkakalkal sa cellphone niya, pasimple niyang sinagga ang tirik na tirik na sikat ng araw. Mabuti nalang at matangkad siya, hindi siya mahihirapan na takpan ako kahit gamit lang ang mga balikat niya.
Ayos din pala, sa susunod hindi ko na kailangan ng payong, pwede na niyang- okay Irish what the heck? Anong susunod? Hindi porket guwapo, magiging purok 4 ka na. Hindi pa purok 4 okay?
"You guys go ahead, I'll take her to lunch."
"Hindi man lang nag-alok," narinig kong bulong ni Kim bago magsimulang maglakad papunta sa room kasama si Angelo. I started to walk with them.
"Ah! Pakpak ng kabayo! Ice! Bakit ka biglang nanghihila?"
"Bakit ka sumusunod sa kanila?"
"Shunga, sabi mo you guys go ahead, anong gusto mong gawin ko?"
"I said I'll take you to lunch," he angrily said. Sinabi ba niya? Teka, niyaya ba niya ako?
"Akala ko may iba ka na tinutukoy, teka nga. Hindi mo naman kasi ako inalok-"
"Let's just go, madami na ang kumukuha ng picture. " Huh? Ano daw? Lumingon ako sa paligid at doon ko lang napansin, hindi pala sila normal na nagcecellphone lang. Halos lahat dito kinukuhanan ng picture si Ice. Si Ice lang ba?
"Oh Gosh, sana naman hindi ako mahagip sa picture."
"Are you dumb?"
"'Yong bunganga mo talaga, ano nanaman ba ang kasalanan ko?"
"Of course you're in the picture. Malamang ikaw lang ang focus ng iba sa mga 'yan," he said calmly. As if this is just a normal situation for him. But I'm freaking out.
"Sa tingin mo, gagamitan kaya nila ng beauty filters?" I heard him giggle after I whispered to him. Bago pa ako makaangal, hinila nalang niya ako bigla papunta sa parking lot.
This is a freaking sh*t show. Parang mga adik ang mga babae na biglang sumabay sa mabilis naming paglalakad.
"Artista ka ba?" I asked. Ngumiti si Ice bago niya ako ipagtulakan papasok sa kaniyang kotse.
"Nope, I am not."
"Eh bakit ang daming nakasubaybay sa'yo, sa buong grupo ninyo?" Bago niya ako sagutin, naglakad siya papunta sa kabilang banda para umupo sa driver's seat.
"Maybe because I am handsome," said Ice.
"Nandoon na ako, pero-"
"So you think I'm handsome?"
Ano daw? I rolled my eyes as soon as I saw him smirk from my peripheral. At talagang hindi siya kumikilos hanggat hindi ako sumasagot sa tanong niya ha? Sanay na sanay 'to makipagharutan, halatang halata!
"Mayaman ka rin, 'yon ba ang dahilan? Kaya ba palagi silang "Young master! Ang pogi niyo talaga! Anakan mo ako Ice!" nakakabasag eardrums na agad."
Lalong sumawak ang ngisi sa mukha niya dahil sa panggagaya ko sa mga fans nila.
"Sa tuwing naririnig ko 'yon, naiinis ako, pero dahil supporter sila, wala akong magawa. Ngayon na narinig ko mula sa'yo, I sounds pleasing to me."
"Babaero ka 'no?"
"What?" bahagya akong natawa dahil sa biglaang pagbabago ng expression niya. He somehow looked nervous.
"Yeah, maybe?"
There was a moment of silence. Hindi ko inasahan na hindi niya ikakaila. At base sa mukha niya, inaabangan niya ang magiging sagot ko.
"Bad," I said. I tried to laugh a little, para naman hindi masyadong awkward ang mood.
He smiled and started the engine. Teka nga, anong ginagawa ko sa sasakyan ng lalaki?
"Wait, Ice..."
"Now you're scared," why does he sound so sad?
"Sira, hindi naman. Sasabihin ko lang sana, malapit lang ang bahay namin dito. Ayaw ko na sana mapalayo."
"You're not scared?"
"Should I be?"
I have seen like, five different versions of this man in half a day. Nagsimula ko siyang nakita bilang mayabang, someone very rude and flirty. Tapos bigla siyang nagpakita ng pagsisisi, he became very caring and nice. And now, he's being insecure and he looks sad. G*ga Irish, bakit ka naman affected?
"Ice," dahan-dahan siyang tumingin sa akin habang pilit na nakangiti. "Pwede ba na ihatid mo nalang ako sa bahay?" Halatang may tanong sa mga mata niya.
"Hindi ka takot?"
"Kailangan ko bang matakot sa'yo?" Umiling siya bago ngumiti nang totoo.
"Saan?"
It's twelve thirty, nasa bahay si mama ng ganitong oras. Sana nalang ay busy siya sa pag dedesign para hindi niya mapansin na may naghatid sa akin. Malaking problema kung magkataon.
"Here?" Napahinto ako sa pagiisip matapos ko maramdaman ang hintuturo ni Ice na nasa pisngi ko.
"Ah, oo ito na nga. Thank you." Shocks, bilisan mo Irish, bilisan mo.
Saktong paglabas ko ng kotse ay siya ding pag labas ni Ice.
"Ice!"
"What?"
"Ah-Ano, thanks... bye?"
"'Di ba sabi mo nasa bahay nin'yo si Mama?"
"Sinong mama mo?" He laughed.
"Tara na, mainit dito sa labas." Minsan talaga, hindi ko maintindihan ang iniisip nitong bulldog na 'to, hinila ko siya patago sa gate bago ko siya hinila palapit para bulungan.
"Sinabi ko na nandito si Mama, ibig sabihin, mag tago ka at 'wag ka magpapakita."
Pilyo rin 'to eh, napangiti talaga siya. Porket matangkad siya, ginawa niya talagang patungan ng kamay niya ang mga balikat ko.
"Bakit ako magtatago? Ayaw mo ba no'n? Kilala ng mama mo kung sino ang maghahatid sa'yo araw-araw."
"Irish?" Sh*t, boses ni Mama 'yon!
"Ma! Paalis na po siya!" Natatawa pa itong baliw na 'to eh. Nilalabanan niya ang pag tulak ko sa kan'ya at biglang nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang mga kamay ko para pahintuin ako.
"Ice! Gusto mo ba mamatay?"
"May jowa ka na agad?" Oh my... ito na nga ba ang sinasabi ko. Masaya pa ang tono ni mama.
"Ma, hindi ko siya boy-"
"Soon tho," singit ni Ice.
"Manahimik ka nga."
"Irish! 'Wag mo ganyan kausapin ang boyfriend mo. Kumain na ba kayo? Nagluto ako ng adobo, baka gusto niyong kumain tara sa loob."
"Ma, hindi ko nga po siya boy-"
"Thank you po Ma, gutom na nga po ako eh. Ayaw naman kumain ni Irish sa labas."
"Naku hayaan mo 'yan at pagsasabihan ko. Halika na anak, mainit dito," said my mom. At talagang kumapit pa siya sa braso ni Ice para isama siya sa loob ng bahay. What just happened?
"Ma! Ako 'yong anak mo Ma!"