AMORA KATANA RADIOR POINT OF VIEW
"Amora," boses iyon ni mama.
"Ma," nakangiting tugon ko. Kagagaling ko lamang sa university na pinapasukan ko.
Nag aaral ako sa UST, I'm a full scholar dahil captain ako ng volleyball team.
I'm taking Architecture.
"Anak, may pera ka pa ba d'yan? May sakit kasi ang kapatid mo ibibili ko sana ng gamot," wika ni mama na ikinabuntong hininga ko. Nawalan ng trabaho si mama dahil nabuntis siya isang taon na ang nakalilipas, hindi na siya nakabalik sa trabaho dahil walang mag aalaga sa kapatid ko. Kaya ngayon ay sa kinikita ko sa part time job at allowance lang kami kumukuha ng pang gastos, last year ko naman na kaya malapit na akong mag ka trabaho.
Ang naka-buntis kay mama ay kasintahan niya, ngunit tumakbo ito palayo at ni hindi man lang sinustentuhan ang anak nila. Hindi ko rin naman na gustong makita ang pag mumukha niya.
May pera pa akong natitira pero pambaon ko lang iyon eh, bumuntong hininga ako at inilabas ang wallet. Iniabot ko kay mama ang buong limang daan, "Yan na lang 'ma,"wika ko na may tipid na ngiti.
"Pasensya ka na Amora, may pang baon ka pa ba?" tanong niya na sinagot ko ng tango. Mangungutang na lamang siguro ako sa kaibigan ko.
"Nasaan po si Claire?" tipid ang ngiting tanong ko kay mama. Itinuro niya ang taas kaya naman dali-dali akong nag tungo ro'n. Claire is my youngest sister. Mayroon di akong kapatid na lalaki, his name is Chandler, s'ya ang sumunod sa akin na kasalukuyang nasa highschool.
Tinahak ko ang daan patungo sa kwarto ni mama at nakita ro'n ang natutulog na si Claire, isang taon pa lamang siya. Idinikit ko ang palad ko sa noo niya at napa buntong hininga ako sa sobrang init no'n.
Agad kong inilabas ang phone ko at tinawagan ang kaibigan kong si Sofia.
"Hey Sof," pag bati ko nag sagutin niya nag tawag.
"Uy Kat, musta?" sagot niya mula sa kabilang linya. Bumuntong hininga ako.
"Meron ka ba d'yang extra Sof? Sorry ah, may sakit kasi kapatid ko, eh 'di ba nga tambak tayo ng plates, wala na akong materials eh," deretsahang sabi ko na. Ayaw ko naman na mag paligoy ligoy pa.
"Hala ganoon ba? Sige, bigay ko sayo bukas pag pasok. Teka kamusta si Claire? Punta ko d'yan ngayon," aniya na nakapag pangiti sa akin ng tipid.
Napaka bait talaga niya.
"Hintayin kita," tugon ko at ibinaba na ang linya. Nag tungo ako sa kwarto ko upang mag palit na ng damit. I wore a loose tshirt at pajamas. Bumaba agad ako nang marinig ang boses ni mama at Sofia na nag uusap sa baba.
Nang matanawan ako ni Sofia ay agad niya akong kinawayan, nagulat pa ako nang makitang nag dala pa siya ng groceries at mga gamot at prutas. Hindi daw niya alam ang sakit ni Claire dahil nakalimutan niyang itanong sa akin kaya bumili siya ng iba't ibang gamot. Sana all richkid.
Napakamot na lamang ako sa ulo. Hindi naman na niya kailangan pang mag dala ng groceries.
"Ang dami naman nito, salamat Sof," nakangiting usal ko na ikina ngiti rin niya.
"Hindi na kayo iba sa akin, anyway nasaan si Claire?" nag aalala na niyang tanong, niyaya ko siya sa taas habang nag luluto si mama ng hapunan sa kusina.
NANG marating namin ang kwarto ni mama kung nasaan si Claire ay nag simula ng mag salita si Sofia ng mga bagay na alam niyang ayaw kong marinig o malaman ni mama.
"Alam na ba ni Tita Catherine na may laban ka next week?" panimula niya na ikinabuntong hininga ko. Isa pa iyon sa pinuproblema ko, malamang ay mangungutang na naman si mama kapag sinabi ko sa kaniya.
"Hindi, mangungutang lang ulit yun pag nalaman niya. Hindi naman malaki yung sinasahod ko sa part time job ko, puro pambayad lang ng utang namin," pabuntong hininga kong sambit. Ramdam ko sa presensya niya ang pag tutol, gustong gusto kong sabihin kay mama na may laban ako, pero kumplekado kasi eh.
"May ipon ka pa ba?" tanong niya. Napakamot ako sa batok. Naubos na pati ipon ko.
"Nagamit na sa project at field trip ni ChanChan eh," kamo't batok kong tugon na nakapag pangiwi sa kaniya. Alam ko na nag sasabihin niya.
"Hindi ka sumama sa field trip na gustong gusto mo para makaipon pero yung kapatid mo nakasama? Try to enjoy yourself too Kat," nakangiwing aniya na ikinabuntong hininga ko. Ilang beses na ba akong bumuntong hininga ngayong araw?
Kailan ba kasi matatapos ang hirap ko?
"Hindi ko alam kung paano pa mag-enjoy. May responsibilidad eh," kamo't batok na tugon ko. Hindi ko na talaga alam kung ano ang salitang enjoy. Ni-tikim nga ng alak hindi ko pa na-try eh. I don't want to make a mistake that I will regret.
"You're taking the responsibilities that are not supposed to be yours, Kat," she reasoned out. Hindi na ako nakasagot dahil narinig ko na ang sigaw ni mama sa baba. Niyaya ko ng bumaba si Sof upang makakain.
Nag luto si mama ng tinola, nasa hagdan pa lamang ay naamoy ko na ang mabangong luto niya.
Paborito ni Sof ang luto ni mama, inaagawan niya ako ng mama, charot.
"Tita, paki ampon na lang ako!" pag babasag ni Sof sa katahimikan ng hapag. Napangiwi ako samantalang napakalaki naman nag ngiti ni mama.
"Naku! Kung may anak lang akong lalaking kasing edad mo isinama na kita sa pamilya namin!" pag gatong naman ni mama. Napangiti ako, walang ibang nakipag kaibigan sa akin noong highschool kundi si Sof, napaka swerte ko sa kaniya.
"Talaga po?" ngiting ngiting tanong ni Sofia. Nag tawanan kami at nag tuloy na sa pag-kain.
_______________________________________________________________________________________________________________________________________
KLV