Shiratorizawa's service. #4 Oohira. Malinis na naipataas ni Daichi ang bola kay Kageyama. Mula dito sa second floor kitang kita ang fake glare ni Kageyama kay Azumane. He made the opposite blockers think na kay Azumane mapupunta ang toss pero mukhang hindi nahulog si Tendou sa fake na'yon. Tinoss ni Kageyama ang bola kay Hinata. Mabilis pa sa alas kwatrong nakapwesto na si Tendou para hulihin ang fast attack nila Hinata.
'So totoo nga ang guess monster?'
Ginamit niya ang buong first set para alamin ang galaw ni Kageyama! Napaka annoying ng tactic. Inis naman kaming lima habang pinapanood ang current play sa court. Gulat naman ako nung sumigaw si Tendou ng "I'm playing 120% today!"
"How is he able to react like that?" Kinakabahang tanong ni Saeko-neesan. Hawig pa naman ni Tendou si Hisoka ng Hunter x Hunter. Magkaugali pa!
"It's not just his reaction." Boses ni Sir Shimada. "In that moment, there were 3 possibilities. First, Kageyama's in the front row currently, so it was possible for him to do a setter dump. So he had to consider that. If he wasn't going to do a jump, he could've set to Tanaka or Hinata in the front row and Azumane and Sawamura in the back row. And in this case, he picked Hinata diba? There were also few places Hinata could've spiked it. You can see quite a bit from up here but when you're on the court, you can get lost in the chaos easily. So even if you know which way you want to go, your body may not move right. But his body can do it." Mahaba nitong paliwanag.
Tinignan ko ang Shiratorizawa na nagpupulong sandal sa gitna ng court. Hindi naman sinasadyang nagtama ang mga tingin namin ni Ushijima. Parang nagkaroon ng kuryente sa malayong pagitan namin. Madrama naman akong napahawak sa dibdib nung bigla akong inirapan nito! Ang kapal kapal ng apog!
Tumawag ng time-out ang Karasuno. I guess it's no surprise that they took a timeout. Nagsipuntahan na ulit sa mga bench nila ang bawat team. Matalim kong tinignan si Tendou.
"Sana hindi masarap hapunan mo"
"Sana hindi masarap hapunan mo"
"Sana hindi masarap hapunan mo"
Glances, footwork and ball handling. I guess if Tendou figured that out, luto na ang team na makakalaban nila. They need to stop them! Fighting Karasuno!
Curious akong napalingon sa baba kung nasaan ang team. Hindi kasi maipinta ang mukha ni Kageyma. I can't balme him. It's one thing when his spike gets blocked pero ang mas nakakainis e' yung mga toss niya naboblock at nashushutdown ni Tendou!
'Sinong hindi mababadtrip?'
"How is their number 5 able to keep blocking like that?" Tanong ni Saeko-neesan.
"He is planning to stop all of them... by himself" Sagot ng kuya ni Tsukishima. "Isa pang special sa kaniya is his reading and intuition. Guess block 120%"
Guess means to presume something. He'll read the attack before the set goes up and then jump pretty much on intuition. Ganiyan kagaling si Tendou. Of course, nobody is perfect there will be time where his intuition is off o di kaya e' napipigilan siya ng kabilang team na basahin ang mga atake nila.
"This is definitely a style of blocking that doesn't work for everyone. That said, I think he's so accurate with his guesses that it's scary.."
Isa pang malupit, 'yung katawan niya kayang magkeep up sa intuition at guesses niya! Iba ka talaga Shiratorizawa! Kung tutuusin pipigilan nila si Tendou na mabasa ang atake nila. Alam kong kaya ni Kageyama 'yon at isa pa kapag nakakaharap ka ng ganitong klaseng kalaban. Mas magandang dalhin siya hanggang sa pinaka edge ng court kung saan ito ang specialty ni Hinata.
3-5 ang score. Lamang ang Shiratorizawa.
#4 Oohira service.
"GIVE US ANOTHER SERVE!"
Tumama sa net ang bola. Malinis na nadig ni Daichi ang bola saka naipataas. Inaabangan ko ang sunod na atake nila pero ikinagulat ko ang clean form ni Kageyama habang inaabot ang bola upang itoss kay Hinata nagapproach ng minus tempo.
Ohohoho! Payback! Dahil tumapat ang toss sa itaas ng ulo ni Tendou!
'Man, halatang ayaw nagpapatalo ni Kageyama. Hindi ko kaya a'to'
Hindi naman nakagalaw sa pwesto niya si Tendou dahil sa bilis ng tempo. Mukhang nagets naman niya ang perfect form at coordination ni Kageyama kanina. It's their usual minus tempo. Medyo same yata tayo ng iniisip Tendou!
"GO GO KARASUNO! PUH IT PUSH IT KARASUNO!"
Shiratorizawa's setter had no idea where the set was going to go until after Hinata landed the spike. Baka Kageyama 'yan? Nakita ko naman na kinausap ni Tendou si Kageyama sa gitna ng court. Ohhhh kagatin mo! Tutal pareho naman kayong ayaw magpatalo.
Chance ball ng Karasuno. Nag clean form ulit si Kageyama. Akala k okay Hinata pupunta ang toss pero pareho kami ni Tendou na nagkamali dahil kay Daichi na nasa kanan napunta ang Toss. Natawa naman ako nung sumigaw si Tendou.
"I've made a mistakeeee!!!"
Nadig ng libero ng Shiratorizawa ang bola pero chance ball ulit ng Karasuno. Tinoss ni Kageyama ang bola malapit sa edge ng court kung saan naroroon si Hinata. Middle blocker si Tendou, hindi na siya aabot kung lalaktawan niya ng ilang Segundo ang wing spiker na nasa kanan o kaliwa niya para habulin ang bola sa dulo ng court. Mukhang naisip din ito ni Coach Ukai.
11-11 current score. Sa wakas nakahabol din! Hinata's timing is faster than I thought. Mahuli lang ng tempo si Tendou o sino mang blockers ay hindi na sila makakacatch up pa.
"Give us nice serve Kageyama!!!!"
Tumapat ang bola sa mismong libero ng Shiratorizawa. Malinis niya itong napapunta kay #10 Shirabangs saka nito binigyan ng toss si #8 Goshiki pero nakuha ito ni Azumane na nakaposisyon sa likod.
"Nice receive!!"
This is their chance to attack!!! Nag clean form ulit si Kageyama at nag approach ni Hinata kasunod si Tendou. Pero mukhang hari ng mga pranks si Tendou dahil bago pa man mareach ni Hinata ang edge tumakbo na pakanan ulit si Tendou kung saan pumunta ang bola saka nag diagonal jump para ma one touch ang bola ni Tanaka.
Nakapag counter ang Shiratorizawa dahil sa back row ni Ushijima. Prank king Tendou! Hands down, kit ko yung frustration ni Kageyama sa mid-air nung napansin niya sa vision niyang kumanan na ulit si Tendou.
"It seems like conventional logic doesn't work on Shiratorizawa." Bulong ng kuya ni Tsukishima. True. Sa true tayo. Ngrrrrr Tendou!!!
Tendou's block are basically blocks used to score points. Grabe rin ang pressure na naapply nun sa team. Ginagamit niya ang spike ng kalaban laban sa kanila para maka score siya mag-isa. Habang ang Karasuno naman kinekeep nila ang rally at ang bola sa laro para maka socre ng points.
12-13 ang score. Lamang ng isa ang Shiratorizawa. Binigyan ni Kageyama ng toss si Hinata pero nadig ng libero nila ang bola.
"don't let them pull away"
"If you give them an opening, they're not going to stop!" Kabadong sabi ng mga katabi ko.
Pero nabigyan na naman ng mataas at magandang toss si Ushijima. Himapas nito ang bola na siyang nagpatahimik sa amin. Ganun 'yung mga spike na nagsasabing...
'Shut the f**k up'
Talk about the sound. Man, you guys need to cut them off! Nasa harap na ulit si Tsukishima. May sinabi sa kaniya si Tendou na siyang ikinainis nito. Kita ko namang pinakalma siya ni Daichi kahit kalmado naman ito.
14-16. Two point lead.
Shiratorizawa's service. #12 Kawanishi. Nag aim siya sa pagitan ng front row at ni Nishinoya. Mukhang nag drop ang bola at hindi inabot sa pwesto ni Nishinoya. Asar 'yun ah! Chance ball ng Shiratorizawa. Tinoss ni #10 Shirabu ang bola kay Tendou pero mas nagulat ako sa atakeng ginawa niya.
It's delayed attack. Kageyama and other wasn't fond of that attack but Tsukishima took care of that.
"Shut down!!"
"Nice kill!!!"
Gumanti ito ng pang-aasar kay Tendou dahil kita namin dito sa second floor ang asar nitong mukha matapos kausapin ni Tsukishima. Akala mo ha ayaw rin nagpapatalo ni Tsukishima e'. Yan pa! Delayed attack may have fooled the others pero mukang hindi gumagawa 'yon kay Tsukishima!
Karasuno's service. #3 Azumane. Nag approach si Tendou bilang pipe saka ito tinoss kay Ushijima na nasa back row. Mukhang nagulat at nalate si Tsukishima dahil late ang approach nung block nila kaya shut down ang bola sa taas nila.
'Bro don't ever think about stopping huh? Mag-isip ka lang! Go Tsuki!' Alam ko friendship nito si Kotarou at Tetsurou e. Binilin sa akin ni Tetsurou si Tsukishima bago kami makaalis nung summer camp. Sinabi niyang turuan ko sa blockings dahil may potential, so I did. Kaya be consistent Tsukishima! Be Karasuno's understanding.
15-17 na ang score. Napahalakhak ako sa isip ko nang unti unti nang nakaka one touch ng diretso si Tsukishima. Mukhang nag aapply na siya ng pressure ah! Isang nakakabwisit na technique ng blocker 'yon. Hindi man macomplete shutdown. Pag paulit –ulit na one touch naman ang nangyayari gurol sa takbo ng pag-iisip mo 'yon which may cause irritation!
Hindi ko na napigilan ang halakhak ko nang maone touch niyana naman ang bola mula kay #4 Oohira. Humingi naman ako ng sorry sa mga katabi ko.
'Nakakainis no? #10 Shirabu.'
Tinoss ni Kageyama ang bola kay Tanaka saka ito nag aim sa pagitan nina #8 at #14 Libero. Mukhang nagkaroon ng communication error sa dalawa dahil nagkatinginan nalang ito ng ilang Segundo dahilan nang pagbagsak ng bola sa likod nila.
"That was all yours! Tsutomu! You idiots!!!" Sigaw nung Coach ng Shiratorizawa.
Hohoo, talk about the famous demon coach. Sir Washijo is in the club!
"If you're gonna stare at someone, at least stare at a girl!!!!!!" Dagdag pa nito. Tama tama! Sa girl dapat!.Napaka yes nalang si Goshiki sa sinabi nung coach nila.
Hinata in | Nishinoya Out. Tsukishima out | Sugawara in.
So this is where the showdown begins?
Nagulantang naman ako sa pagvibrate ng phone ko na nasa bulsa ko. I excused myself for a while para sagutin ang tawag galing kay Oikawa. Nung nasa malayo na ako sa maingay na court saka ako nagsalita.
"Hey, what's up?" Anong oras palang ba? 10:00 AM palang ah.
"Where are you?" Tanong nito sa kabilang linya.
"Lumabas ako ng court sandali, ikaw ba?"
"Nasa bahay." Mukang wala yata talaga siyang balak manuod ng game ah. Phew. So? Bakit kaya napatawag 'to?
"Oh, anong ginagawa mo niyan? Why did you call?"
"I just want to. Anyway, Tatawag nalang ako ulit after ng game. Balik kana ulit sa loob." Nagpaalam nadin ako dito dahil gusto ko pa mapanood ang game. Sinabihan ko naman siyang kumain ng lunch. Minsan kasi nagiiskip siya ng pagkain kapag ganiyang wala siyang gana. Sabi na kasing sumama dito sa finals ayaw.
"Oh? Mikazuki?!"
"Oh Hi! Iwaizumi! Sino kasama mo?" Tignan mo si Iwaizumi nandito. Tinamad na naman si Oikawa.
"Wala e'. Kanina kopa tinatawagan si Oikawa ayaw naman pumunta." Sambit nito. "Bakit ka pala nasa labas? Start na ng game ah."
Pinakita ko ang hawak kong phone sa kaniya. "Sinagot ko tawag ni Oikawa. Kahapon kopa niyayaya na sumama e'. Kaso mukhang tinatamad."
"Luh? Bakit ikaw tinatawagan. Kaming kanina pa siya kinokontak ayaw sagutin."
Luh? Bakit galet.
Ngumiti na lang ako ng alanganin sa kaniya. Baka masapak ako nito bigla. "Oh papasok na ako ha. Kailangan kong bumalik kaagad e." Paalam ko dito. "Pasok kana din. Maganda laban, nakuha ng Shiratorizawa ang first set bale second set na hehe" Pagchika ko dito.
Nasa second floor na ako nung inilabas si Suga saka ibinalik si Tsukishima.
"Saan ka galing! Hindi mo napanood 'yung combo ni Suga at Kageyama! Its terrifying." Sambit ni Saeko-neesan. Kung hindi ako nagkakamali 'yun yung lima sila or apat na aatake para sa synchronized attack. Yun 'yung nagswitch si Suga at Kageyama, back row to front row para maging setter si Suga at maging spiker or decoy si Kageyama.
Last training kasi 'yun ang pinapractice nina Suga. Nakapuntos naman siya ng isa pagkapasok niya. Nabira at nacounter lang siya nina Ushijima sabi ni Sir Shimada.
Ughh I hate chills! Kung hindi makukuha ng Karasuno ang set na'to... they're toast!