Chapter 7

2477 Words
Nasa tapat akong muli ng banner namin sa 2nd floor. Magsisimula na ang laban ng Karasuno Vs. Jozenji. Hindi ko naman napansin kanina ang jersey ni Terushima, siya pala ang captain ng Jozenji. Naalala ko na naman ang ginawa kanina ni Oikawa sa kaniya, napaka rude talaga kung iisipin! Hays. Sa amin ang service at nakatokang si Azumane ang magseserve. "Let's go service ace!" Pangchecheer ko mula sa itaas. Pumito na ang referee kaya hinagis na nito ang bola saka naghigh jump upang paluin. 'Grabe force ha' Pero mas grabe ang pagka receive ng kalaban. Matapos kasing makuha 'yun ng Jozenji at maipaasa sa kakampi nito para sa 2nd touch umiba ang direksyon ng bola papalayo sa net akala ko iuunderhand nito pabalik ang bola pero nag quick turn ito sa end line at saka pinalo ang bola. Jozenji's score. Kahit ang mga starter ng Karasuno ay nagulat sa ginawang atakeng 'yun. Usually kasi ay ibabalik mo ang bola gamit ang underhand. "Mukhang troublesome ang team na nakaharap nyo ha" Boses mula sa likod ko. "Oh mag-isa ka lang?" Tanong ko kay Oikawa na kakaupo lang sa gilid ko. Iniwan raw siya ni Iwaizumi saka sinamahan si Mattsun~ Hindi ko naman siya kilala kaya tumango nalang ako para wala ng debate. Nakailang puntos pang ulit ang Jozenji dahil sa game play nila. "Dapat yata hindi simplicity and fortitude ang nasa banner nila e dapay wild and free" "Hmm, dati kasi simple at malakas talaga ang game play ng Jozenji, that's why." Hmm, mukhang nakabuo naman ng pangcounter ang team at nakabawi ng momentum kaya naman nagride na sila hanggang sa set point. "Ohh mukhang makukuha ng Karasuno ang unang set ha." Amazed na sabi ni Oikawa. At nakuha nga ng Karasuno ang unang set dahil sa pagcopy ng jozenji sa synchronized attack ng Karasuno. Kita ko namang napahilot sa sentido ang coach at manager nito. Half of that attack e' dahil 1st set palang naman. Kalagitnaan na ng laro ng biglang magseryoso ang Jozenji, mukhang dahil sa sermon ng manager nila ay iniisip na nila ang susunod na atake. Sa huli Karasuno ang nanalo pero bakas parin sa mukha ng Jozenji ang mukhang gusto pa nila maglaro. Nagpaalam naman na sa akin si Oikawa na babalik sa team nila para kumain. Lumapit naman ako sa team para abutan sila ng lunch box at prutas. "Coach, sinong kalaban nila bukas?" tanong ko kay Coach Ukai. "Wakutani South, kapag naipanalo nila ang game bukas pasok na sila sa semi's." - "7AM ulit tayo bukas dito ha, Nasaan si Mikazuki" Tinaas ko ang kamay ko para makahanap ako nito kaagad. "Kami na muna ang toka sa pagluluto, masyado kanang napupuyat. Liwasan nalang tayo." Tinanguan ko naman si Sir Takeda. True naman antok na antok ako tuwing pumupunta ako ng school pagkatapos maghanda ng lunch box. Naglakad na ako pauwi pagkatapos kong magpaalam sa kanila, sinuway ko na rin sina Hinata na nagbabalak maglaro sandali dahil kailangan nila ng mahabang pahinga. Kasalukuyan akong nagbobrowse sa phone ko ng biglang may nagincomming call galing kay Oikawa. "Oh-" "Hindi kapa uuwi? Nasa tapat ako ng apartment mo -" Pinatay kona agad ang tawag saka mabilis na tinakbo ang daan papuntang bahay, ano na naman kaya ang balak nun? Tapos na ba ang practice nila? Hingal na hingal akong huminto sa tapat ng gate saka pumasok. Nadatnan ko namang nakasalampak sa lapag at nakasandal sa pintuan si Oikawa habang nakasuot ng earphone. Naka jersey shorts lang ito at saka naka hoodie na kulay itim. May dala itong sling bag at duffle bag kaya tinanong ko kung ano na naman ang balak nito. Napailing nalang ako sa kaniya saka ito pinagbuksan ng pintuan dahil malamig na at mukhang kanina pa siya nasa labas. "Hindi ka agad tumawag" "Ay hinihintay mo pala ang tawag ko, sorry naman" Panunukso pa nito. Binigyan ko lang siya ng walang kwenta ang sinasabi mo look saka nagbihis ng jogging pants at loose shirt sa kwarto. Itinali ko naman ang buhok ko saka na lumabas. "Ano na namang naisipan mo at dito kana naman matutulog ha" tanong ko sa kaniya. "Tapos naba practice nyo?" Tango lang ang sinagot nito saka nanood muli sa cellphone niya. Mukhang gameplay ng kalaban nila bukas ang pinapanood niya, crafty ka masyado ah. 8:00 PM na ng gabi. Paniguradong gutom na naman 'to kaya tumayo na ako sa sofa saka naghanap ng maluluto sa ref. Filipino food ang naisip kong iluto ngayon, medyo nagcrave ako sa Adobong manok kaya 'yun nalang ang niluto ko. Nilingon ko naman si Oikawa na nasa sala pero kagaya kanina tutok parin siya sa panonood. Mukhang minamanmanan at inaalam ang kilos ng kalaban nila. Nagsaing narin ako ng good for 2 person atsaka na sinimulan ang pagluluto. Binuksan ko angTV para manood ng balita, hininaan ko naman ito ng bahagya dahil nanonood si loko. Inayos ko narin ang lamesa sa kusina at naghain ng mga plato pagkatapos maluto ng kanin saka ulam. Tinawag ko naman na si Oikawa sa sala at sumunod naman ito habang hawak hawak parin ang cellphone. Medyo nainis naman ako doon kasi kapag kain lang, kain lang walang cellphone cellphone. Tahimik lang akong kumain at hinyaan siyang manood , hindi ko siya pinagsandok at pinagkuha ng tubig gaya nung una. Napansin yata nito ang pagkatahimik ko kaya inalis nito ang pagkakasabit ng earphone sa tenga niya at tinanong ako kung bakit pero hindi ko siya sinagot. Bahagya pa siyang nag-isip bago nagsalitang ulit. Sino ba namang hindi maiinis mula kaninang pagdating nakacellphone. Sigh Ano bang ikinagagalit ko ha? Pakielam ko jan. "Ah~ ito na hindi, ooff ko na ang cellphone ko." Defensive niyang sabi habang binubulsa ang cellphone. Nagsimula na kaming kumain, hindi ko parin siya pinapansin kahit nagsasalita siya. Kinukwento niya ang game nila kanina pero wala ako sa mood magsalita. Nagulat naman ako ng bigla nitong akuin ang paghuhugas ng plato kaya hinayaan ko nalang siya. Aalis na sana ako sa kusina nang magsalita siya ulit. "Huwag kana magalit oh, may strawberry yogurt ako sa bag. Kunin mo nalang" Parang nanlaki naman ang tenga ko sa sinabi niyang 'yun. Tumango nalang ako sa kaniya at saka hinanap ang bag nito. May yogurts nga! Naikwento ko kasi sa kaniya noong nandito siya na mahilig ako sa yogurt at strawberry mabuti naman sinaniban siya ng mabuting espiritu. Nilakasan ko na ang volume ng TV para marinig ko ang palabas. Umupo ako sa sofa at duon na tumambay habang kinakain ang yogurt na binili ni Oikawa. Tumabi naman na siya sa akin nang matapos siyang maghugas ng plato at ligpitin ang kusina. Hinina ko naman agad ang TV ng biglang may tumawag sa kaniya. 'Mukhang ang mommy niya 'yun dahil mas naging seryoso ang boses nito.' Nag-iwas lang ako ng tingin nang biglang may patak ng luha ang tumulo sa mata nito. Anong gagawin ko? Tatawagin ko ba si Iwaizumi? Nakatulala lang ito hanggang sa matapos ang call, hindi niyana yata namalayan na katabi niya ako. Sa sobrang sakit sa mata na makita siyang nagkakaganon hinila ko nalang siya at inalalayan ang ulo para isandal sa balikat ko. "It's okay to cry, but you have to move on Oikawa." Napuno ng hagulgol ang sala dahil sa pag-iyak nito sa balikat ko. Mukhang ngayon na lang siya umiyak ng ganito, maging ako ay napapaluha narin. Bakit ba kasi kailangan damay siya sa problem ang magulang niya? Lahat naman ng bagay pupwedeng ayusin ng maayos pero bakit pinipili ng ganon- Hindi ko na tinapos ang kumento sa isip ko ng maalala ang ginawa kong pag-alis noon kila Kenma. Ang galing kong magsalita, isa rin nga pala akong pumili ng mas masakit na desisyon. Hinayaan ko lang siyang sumandal sa akin hanggang sa nakatulog na ito sa balikat ko. Ito yata ang maaga nitong tulog simula noon. Madalas siyang tumatawag sa akin ng 12 AM nitong mga nakaraang araw kapag hindi siya nakakatulog o di kaya ay naglalaro nalang ng dis oras. Hinayaan ko nalang siyang matulog sa akin saka ko hinawi ang buhok nito noo, pinagpatuloy ko lang 'yon para mas tahimik ang tulog niya. Basang basa ang kanang balikat ko pero hinayaan ko nalang. Hindi kona namalayan na nakatulog narin pala ako sa ganung posisyon namin. - Ugh, ang sakit ng balikat ko. Nag-unat unat pa ako habang hindi dumidilat. Parang isang kaban ng bigas ang dumagan sa balikat ko sa sakit. Nakaamoy ako ng pagkain kaya dinilat ko ang mata ko, tumambad naman sa akin si Oikawa na kumakain ng agahan sa tabi ko. Sa sofa nga pala kami nakatulog. Nakaligo na ito, naka trackpants at white shirt na nga siya e. 5AM palang naman ng umaga, nagluto na raw siya ng umagahan at nagsaing na ng kanin. "Galing ah, marunong ka pala." Inaantok kong sabi. "Mikazuki, gusto ko lang malaman mo na hindi ako inutil." Napahalakhak naman ako bigla dahil sa sinabi nito. "Sira-ulo" Kinuha ko na ang pants ko at ang jacket namin saka na naligo. Pagkatapos non ay saka na ako lumabas. Wala akong ganang kumain kaya nagskip muna ako ng breakfast. "Bakit hindi ka kakain? Magbaon ka nalang saka mo kainin kapag nagutom ka" Siya na ang nag-asikaso ng babaunan ko at saka ito nilagay sa bag ko. Ako na ang nagdala palabas ng duffle bag niya dahil siya na raw ang maglolock ng bahay. Inabot naman nito sa akin ang susi saka kami naglakad papuntang bus station. "Hindi mo naman na ako kailangang ihatid e." "Huwag mo akong simulan Oikawa, inaantok pa ako." Aga aga makikipagdebate na naman. "Aga mo naman pong badtrip sir. Nood ka mamaya ha!" Sambit nito bago sumakay sa bus. 6:40 na nang makarating ako sa school at sumakay sa bus, nadatnan kong nagkukulitan sina Nishinoya at Hinata sa bus na ikinagalit naman ni Daichi. "Ang aga aga ha" Oo nga! Ang aga aga bakit ang iingay nila 'no Daichi my man! Umidlip ako buong byahe kay Shimizu hanggang sa makarating sa parking lot ng sendai. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, mukhang napansin naman 'yun ni Daichi kaya naman kinausap ako nito. "Anogn problema? Ayos ka lang ba?" Mas tumindi ang kaba ko nung tanungin niya ako. "Wala, kinakabahan lang ako hehe" Pinakalma naman ako nito at saka inabutan ng gatas. Iniwan ko na sila doon at sumama kay Shimizu para maghanap ng spot ulit para sa paglalagyan ng mga gamit. Hindi parin naalis ang kaba sa dibdib ko pero isinantabi ko nalang ito para hindi na mag-alala ang nasa paligid ko. Masyado akong tense today huhu. Nang matapos magwarm up ay tinawag na ang Karasuno at Wakutani. Pumwesto ako ulit sa 2nd floor kung nasaan ang banner saka nanalangin na sana mawala na ang kabang nararamdaman ko. Nagsimula na ang game, naramdaman ko naman sina Oikawa at Iwaizumi sa likod ko at duon pumwesto. Hindi ko na sila pinansin dahil busy ako sa pagpapakalma sa sarili ko. Masyado akong kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan. Nagpalitan ng bola at atake ang dalawang team hanggang sa umabot na ang first set sa na 19-17 nang biglang mag block out muli ang #1 ng Wakutani. Alerto si Daichi kaya naretrieve ang bolang babagsak. Lumihis naman ito pero alerto rin si Tanaka na nagdive sa bola para dalhin sa kabilang court. Yes! Nakauna sa 20's ang Karasuno- huh? Agad bumangon si Tanaka pero si Daichi na nagdive rin sa bola, hindi pa bumabangon. Malakas na t***k lang ng puso ko ang tanging naririnig ko, tila bang nabibingi ako at hindi marinig ang ingay at bulong-bulungan sa paligid ko. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi ako mapakali at kinakabahan kanina? Isang kamay naman ang humawak sa balikat ko na siyang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Nag-aalalang mukha ni Oikawa ang sumalubong sa akin, hindi ko alam ang uunahin ko. Bumalik ang tingin ko kung nasaan si Daichi, hanggang ngayon ay hindi parin ito bumabangon. Nagtawag na ng medical assistance ang team kaya bumaba narin ako nang bigla akong senyasan ni Coach Ukai na pumunta roon. Pinakalma ko muna ang sarili ko at saka huminga ng malalim habang humahakbang pababa. Agad akong tumakbo kung nasaan si Daichi. "Daichi? Daichi!" Tawag ko rito. Inihiga ko ito sa lap ko at saka pinaypayan. Wala parin siyang malay, namumula at mukhang mamamaga ang kaliwang pisngi nito. Sa ikatlong tawag ko ay dumilat na ito at saka agad na hinawakan ang muka. Mukhang dun siya pinaka tinamaan. Napahinga naman ako ng maluwag nang dumilat na ito. "Saan ang tumama?" Tanong ko rito "M-My face..." Ani nito saka hinawakan ang mukha. Sinabihan naman siyang ilalabas muna siya sa game para magpatingin sa clinic dahil mukha ang tumama sa kaniya. May tumulong dugo sa baba nito dahil sa pagkakatanggal ng isang ipin nito. 'Sana iyon na ang extent' Pero mukhang hindi naman siya nahihilo. Pinunasan ko ang dugong tumutulo sa baba nito saka pinahawak sa kaniya. Ako na ang umalalay sa kaniya papuntang clinic. Bumuhos ang luha nito nang makalabas kami sa court. Hinayaan ko lang siyang umiyak alam kong nagsisisi ito kung bakit pa siya nadisgrasya. Isa sya sa center pillar ng Karasuno at alam kong 'yun ang iniisip niya. Malaking kawalan kapag nawala si Daichi sa game. "Pero magtiwala ka sa kanila. Ipapanalo nila ang game para sa'yo, para sa team at para sa goal nyo" Manalig ka Daichi, kaya ipahinga mo muna ang isip at sarili mo ha. Mukhang nabunutan naman na ang dibdib ko ng tinik, ito nga yata talaga ang ikinakakakaba ko kanina. Matapos matignan ni Daichi ay pinahiga ito sa kama para makapagpahinga. Sinara ko ang kurtina ng kama niya at hinayaan nalang siyang umidlip. Napahinga naman ako ng maluwag dun. "Pinakaba mo'ko" Boses mula kay Oikawa. "Oh, bakit nandito ka?" Bumuntong hininga ito at saka sumandal sa pader. "Para akong aatakihin nung makita ko 'yung itsura mong putlang putla." Tahimik lang ako at hindi sumagot dahil nakakatakot sumagot sa tono at tingin ni Oikawa ngayon. Masyado siyang seryoso, ganun ba talaga ang pagaalala niya? "Parang ikaw pa ang matutumba kanina, hindi pa kita makausap ng matino, sobrang putla mo pa." dagdag pa nito saka siya napahawak sa sentido. Grabe naman parang ang laki ng nagawa kong kasalanan huhu. Naiiyak na ako. Pumasok naman si Iwaizumi saka hinatak palabas si Oikawa. Maya maya pa ay bumalik rin si Iwaizumi at humingi ng pasensya. "Nag-alala lang siya sa'yo. Grabe kasi talaga ang putla mo kanina saka ilang beses ka naming tinawag kahit nasa likod mo lang kami hindi mo kami marinig at medyo nanginginig pa ang kamay mo. Pagpasensyahan mona, ganun lang talaga mag-alala 'yon" Sambit nito saka na nagpaalam na umalis. Hinayaan ko naman na tumulo ang luha ko. Malay kobang kaya pala ako kinakabahan dahil maaksidente si Daichi e' bakit galit. Pwede naman akong kausapin ng maayos. Bakit kailangan magagalit sa akin?! 'Masyado mong ginugulo ang utak ko, Oikawa'  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD