"Hi, I'm Ayeshia Loraine Remplar. Nice to meet you everyone! I hope you treat me well!" Nakangiting pagpapakilala ko.
"Nice meeting you too!" Sabi ng iilan. Nakangiti ang iilan sa kanila habang ang iba ay nakatitig lang saakin. Hindi naman ako nakaramdam ng ilang. I was used to being a center of attraction.
"Okay, so please find your seat now Ayeshia so we can start our lesson.. " ani ng adviser namin na nasa tabi ko. Dahil sa malaking agwat ng height difference ay nagmumukha siya na nakababatang kapatid ko.
Naghanap ako ng mauupuan hanggang sa nadatnan ng mata ko ang isang babae na pahapyaw ang pagkaway ng kaniyang kamay. Sa katabi niya ay bakanteng upuan. Doon agad ako dumiretso.
"Hiii!"
"Hello!"
Pareho kaming nagkamustahan matapos kong maupo. Mabuti na lang ay busy na si Ma'am kakadiscuss nang lesson namin.
"Nice meeting you, Ayeshia! I'm Tricia." Ngumiti sa'akin ang nagngangalang Tricia na binalik ko rin.
"Same to you!" After that habang nagl-lesson si Ma'am ay panay naman ang bulongan at hagikhikan namin ni Tricia. Dahil sa nakakagaan niyang vibes at maingay din na katulad ko ay agad kaming naging close friends.
Recess time na namin ng mag-aya si Tricia na pumunta kaming canteen. Wala sana akong balak sumama kaso mag-isa lang ako kaya nakisama nalang ako sa kaniya. Wala pa masyadong lumalapit sa'kin dahil siguro nag-aalinlangan sila.
Naglalakad kami sa Hallway papuntang canteen at hanggang ngayon ay nagkukwentuhan parin kami.
"Saan ka pala galing? Saang school ka nag-aral? Bakit ka lumipat dito?"
"Doon ako nag-aaral sa Iloilo City sa JMNHS kaso lumipat kami rito kase dito na naka-assign si Mama ko."
Nagd-deliver kasi si Mama ko ng mga tinapay o kahit anong pagkain at dito siya na-assign sa Pototan– sa probinsya ng Iloilo.
"Woww! Ang tangkad mo talaga Aye!" Bago palang kami magkakilala pero kung magsama ay parang matagal na kaming magkaibigan. May pa nickname na nga kami eh.
Bumungisngis ako ng tawa. "Actually, namana ko lang 'to kay Mama.. "
5'9 kase si Mama tapos ang sabi din niya na 6 footer din ang Tatay ko. Tatay na hindi ko minsan lang nakita.
"May lahi bang foreigner si Mama o kaya si Papa mo?"
Binigyan ko siya nang weirdong tingin. Tinaas naman niya ang kaniyang kamay.
"Huh???? Mukha ba akong foreigner sa hitsura na ito??" Kahit walang nakakatawa sa sinasabi ko ay tumawa kaming dalawa.
Ganito talaga pag nagc-click ang vibes mo sa isang tao. Aww. Bigla akong nalungkot. I suddenly missed Ariel and Angel! Matawagan ko nga sila mamaya.
Lumipas ang mahabang oras at natapos na din ang aming klase.
"Bye guys! See you tomorrow, mwaaa!" Binigyan ko silang lahat ng flying kiss. Pabiro naman nilang dinakip iyon at nilagay sa kanilang dibdib especially iyong mga boys. Tinawan ko sila.
"Mga Gago!"
"Nagiging Gago lang para sayo. Yieeeee~"
"Ngiii"
Natapos ang first day of class na kilala at close kona lahat ng kaklase ko. Dahil sa pagiging madaldalin ko nawala ang pagkailang nila saakin. Lahat kami ay nagbibiruan at nakikipagtuwaan na parang old classmates na nagreunion lang.
Malapit lang ang eskwelahan sa bahay namin kaya nilakad ko lang. Tutal walking distance nga naman. Pagkarating ko ay wala pang tao sa bahay, hindi pa ata nakauwi si Mama. Pumasok muna ako sa kwarto ko para magbihis bago umpisahan ang gawain bahay.
Umuupa lang kase kami sa isang boarding house na parang bahay na rin kalaki ngunit affordable naman ang presyo at kumpleto pa lahat! Except sa tubig at kuryente dahil kami na raw ang magbabayad.
Wala kase kaming kakilala at malapit na relatives namin dito sa Pototan kaya nangungupahan kami– kung meron man ay hindi maganda ang pakikitungo saamin kaya mas minabuti ni Mama na umupa nalang.
Alas singko y media na ng matapos ko ang gawaing bahay at pagluluto ng ulam. Saing nalang ang binabantayan ko.
Pagod akong humilata sa sofa bago ko naisip na tawagan ang dalawang BFF's ko sa Iloilo City. A Twin's!
Di naman sila talaga kambal pero parehong nagsisimula sa A ang kanilang pangalan.
I tried calling Ariel on messenger first. Kaso di niya nasasagot ang tawag– pero wala namang nakalagay na offline siya. After three calls ay hinayaan ko nalang. Baka busy. I scrolled; hinahanap kung online si Angel at tamang-tama na online siya!
Pinindot ko ang profile niya at lumabas ang conversation namin. I hit the video call button. Wala pang ni isang minuto nang sinagot niya iyon.
"HIIII BEH! HIIII KAMUSTA KA DIYAN?!" malakas ang boses na pagbati ko. Nakita ko siyang napangiwi sa camera. Napatawa ako.
Alam ko kaseng naka headset etong si Angel.
"Hi beh, okay naman ako.. Ikaw? Kamusta ka diyan? Kamusta iyong school diyan sa Pototan? Are you okay there?" Sunod-sunod ang katanungan niya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"Okay naman ako rito beh, naging close ko lahat ng kaklase ko dito tsaka first day of school may assignment kami agad tapos..."
Sa tuwing sumasagot man si Angel ay malumanay at mahinhin ang tono ng boses niya. Kahit siguro pag galit napaka hinhin parin ng boses. O nagagalit ba 'to? Kase di ko pa nakikita na nagalit itong babae 'to na eh.
Ang haba ng pasensya! Dinaig pa ang Nile River sa sobrang haba nang pagpasenya. She is Angel Hardiles Rivera– one of my girl bestfriends, shy type, mahinhin at malumanay tsaka introvert. Marangya at maginhawa ang buhay nila. Kaya sa tuwing may babayaran o pagbibili ay palagi niya akong nililibre noong nasa Iloilo City pa ako nag-aaral.
"Mabuti naman beh, atleast comfortable ka diyan naman noh? Wala naman sigurong may nagtangka saiyo na iba?"
Umiling ako at ngumisi sa kaniya. "Huh! Sila dapat ang matakot sa'kin! Taekwondo player kaya to! Hahahahaha!"
Nag usap-usap pa kami sa mga bagay-bagay habang muntik ko ng makalimutan ang sinaing. Buti nalang di nasunog.
"Gawa mo pala beh?" Kuryosong tanong ko. Nahagip kasi ng mga mata ko ang nagkakalat na papel sa kaniyang study table. Nasa loob kasi siya ng kwarto niya at minsan na akong nakapunta doon! Gosh! Parang dream come true ang bedroom ni Angel!
"Tinatapos ko iyong assignment sa Physics beh.. Etong solving acheche nalang ang hindi ko pa masagutan nang maayos."
Angel Hardiles is also an academic achiever since Sophomore year. Grade 8 nang magsimula kaming magkakilala at hanggang ngayong Senior High School na kami ay mas lalong tumatatag ang friendship throughout.
Pero kahit siguro iyong mga matatalino may kahinaan rin diba? Like Angel, she aces all other subjects and aspects except Math or anything na related sa solving. Kapag talaga pagdating sa ganyang bagay ay para daw tinutunaw ng asido ang utak niya.
Minsan may pagka dramatic din itong babaeng ito.
"Hayaan mo muna kaya beh, pagpahingahin mo muna iyan."
She pouted. "Hindi pwede beh huhuhu bukas na ipapasa beh eh, "
"Ano ba iyan? Patingin nga?" Tumigil muna ako sa pagkukuha ng kanin at tumingin sa kamera. Mula sa paghahalumbaba ay umayos ng upo si Angel at pinakita sa'kin ang pinoproblema niya.
Agad naman nangunot ang noo. Ano iyan? Di'ko maintindihan. Puros letters, symbols, numbers, etc.. Napaka unfamiliar sa'kin.
Umiling ako sa kaniya. Mas lalo namang bumagsak ang balikat niya. Gusto kong matawa sa hitsura niya ngayon. Para kase siyang binagsakan nang langit at lupa.
"Sorry beh.. Di kita matutulungan diyan,"
GAS STUDENT KASI AKO TAPOS SIYA HUMSS kaya magkaiba ang lesson namin.
I decided to change the topic para di magmukhang depressed ang pretty face ng frenny ko. Mahirap na at magka wrinkles pa– maarte pa naman to minsan.
"Nga pala, kamusta kayo ng boyfriend mo?"
Dahil sa binanggit ko ay malalim ang pagbuntong hininga niya.
Her face fell. She looks crestfallen. Parang siya iyong babaeng kakabreak lang ng BF niya at going through the heartbreak phase.
"Ilang araw na siyang hindi masyado nagpaparamdam sa'kin.. I'm starting to overthink beh.. Like what if?? May iba na siya? May kabit siya? These past few days kasii.. P-paarang ano.. Nanlalamig na siya t-tapos bihira na rin siya mag-chat."
Mula sa camera ko ay kita ko ang pagpipigil na ginagawa ni Angel sa pangangatal ng labi niya. Her eyes lightened.. may namumuong luha sa kaniyang mata at bahagyang nakakunot ang noo. Napakagat labi siya.
"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko b-beh.. Para na akong mababaliw sa kakaisip."
Sad to say, I can't relate.
Speaking of having in a relationship, Angel is unfortunately taken. My lovely and crestfallen Angel is in a relationship with someone whose scumbag, a bastard and a piece of shitting jerk. Nereo Azer Jantillo– the man Angel is in love with. At ang lalaking paulit-ulit na sinasaktan si Angel nang hindi nalalaman.
For all I know, bad trip na talaga iyong si Nereo kaso ewan kung anong pumasok sa kokote ni Girly ko at pumatol sa isang kagaya ni Nereo; mahilig manigarilyo, uminom, gumala at nagc-cutting classes. Ayon tuloy, puro si Angel lahat gumagaw ng schoolworks niya dahil ang t-a-n-g-a kaseeee nagpapabola sa sinasabi ni Azer na walang katutuhanan.
"Nako beh! Kung ako saiyo. Imbestigahana muna! Mas mabuti nang maaga kesa mahuli at magsisisi ka." Advice ko. Hindi ko alam kung nakakatulong ba ito pero wala nako pake. Hindi ako makarelate eh.
"Pero what if talagang busy siya..? "
Nakadapa na ngayon si Angel sa kaniyang kama at yakap ang Tata Heart-shaped red pillow.
"Anong what if ka diyan? Ilang days naba iyan nangyayare?"
"Actually weeks.. 1 w-weeks na.. "
"At ngayon mo lang sinabi sa'kin? Beh naman. Diba sabi ko sayo pwede moko masabihan ng problema mo?"
Dahil narin sa sobrang pagka golden heart ay nanatili parin siyang positibo at nagbubulag-bulagan sa mga nakikita at nanonotice niya. Mayaman nga ang pamilya ni Angel kaso di naman masaya at puro business lang ang kaniyang circle of friends– in short, walang deep connection ang pagkakaibigan nila.
"Pero ayaw naman kitang abalahin. I know na marami ka rin pinoproblema diyan."
"Asus. What are friends for diba? Kung hindi tayo mag-uusap at magshare ng problems and advices.. "
Dahil roon ay napangiti siya. "Thanks beh.. "
"Anytime beh!"
"So ano nga pala iyong problema niyo ni Azer?" Pangungulit ko. Nakita ko naman na tumabingi ang ngiti niya. Huh! Kala niya nakakalimutan kona ah.
"Hayss.. Kala ko makakalimutan mona,"
Marahas akong umiling. "Nooope, gusto ko ron makichismis eh."
"As expected," natatawang saad niya.
"Hoy, ikaw din naman!"
"Yep! Friendship goals,"
Huminga siya ng malalim. "So ganun nga..."
Kinuwento niya sa'akin ang pangyayari tungkol sa kanilang relasyon. Nag-away silang dalawa patungkol sa mga barkada ni Azer; as far as I know, bad influence rin ang circle of friends nito. Ayaw daw kasi ng boyfriend ni Angel na pinapakealaman ang buhay nito especially his friends. Kaya ayun nag-away sila at 1 week na ang nakalipas hindi parin sila nagkakabati.
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko beh.. Sa tuwing magkikita kami, umiiwas siya sa akin eh tapos kapag hinihintay ko nangunguna.. "
"Try mo kaya siya ichat sa messenger beh?"
"Eh.. " napanguso siya at napakurap-kurap. "That's the problem, blinock niya ko sa messenger. "
"Naku! Walking red flag iyan beh.. Kung ako sa'yo nakipag break na ako sa kaniya."
"Pero love ko siya.. "
"Lintek na love iyan. Pero truth beh, hayaan mo muna si Azer. Yaan mo siyang habulin ka niya."
3 months had passed like a blur. Nalaman ko nalang na hiwalay na sila Angel at Azer– which is the bestest news ever! Tsaka the best decision she ever made, like literally; no boyfriend, no problem. Para narin iyon sa ikabubuti ni Angel. She's finally free from the toxic relationship that she had. Ilang weeks na rin siya na hindi masyadong active sa social media– parang naghiatus bigla ang peg ni beh ko.
"Huyy, Ayeshia. Alam mo na ba iyong chismis?"
Lumake ang mata ko. "Chismis? Anong klaseng chismis? Saan? Ano balita?"
Humagikhik si Tricia at napapitik ng daliri sa ere.
"Iyong anak daw ni Mayor natin rito sa Pototan. Iyong panganay niya na lalaki? Gihhhhhh kkskksks balita raw na dito pag-aaralin ni Mayor Velasco." Ngumirit siya na parang aso. Napatampal naman ako sa braso niya, hindi naman niya iyon alintana. Dahil busy ang gaga sa pangingisay sa kilig.
"Gaga! Paano mo nasabi iyan? Di naman in-announce ni Mayor na dito niya ipapa-aral anak niya.. "
Saglit siyang natigil at pinaikotan ako ng mata. She looks kinda annoyed and irritated.
"Malamang, bakit niya naman sasabihin 'yon? Edi hindi na magiging surprise."
"Pasurprise pala iyon? Hindi ko alam na mahilig mang surprise si Mayor ah. "
"Hindi hehe. Pero atleast ah. Rumor has it, ang guwapo-guwapo daw ng panganay ni Mayor V. "
Umiling siya at pinagdaop ang dalawang palad na parang nagdarasal. Tumingin pa siya sa taas.
"Dios ko, sa labing anim na taon kong pagiging single. Sana bigyan niyo po ako ng sign na siya nalang or wag nalang po, sana po siya na iyong tinadhana– ay mali! Siya na po talaga ang para sa akin, kahit anuman ang mangyare siya na po talaga hehe."
Hindi maipinta ang hitsura ko sa sinabi niy. Ang feeling din ng isang to eh, wala na talagang kahihiyan sa katawan at sa sarili eh.
"Ay dzaii– huwag ka umasa. Baka taken na 'yon. Magrambolan pa kayo."
"Dzaiiiiii kung hindi lang rin naman siya para saakin, mas mabuti pa na igayuma ko nalang, dibaaaaa?"
"GAGA!"
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA! " pareho kaming humagalpak sa tawa. May pagka eng-eng din ang isang to eh. Tsk.
"Good morning, class."
"Good morning, Ma'am Lalice. " Lalice Montero is our class adviser. She's a good teacher and besides mabait rin siya pero strikta rin if necessary.
"Okay, so. Let's proceed to our Trigonometry lessons.. "
Nagsimula na siyang maglagay ng equations sa board. Tinitignan ko palang, sumasakit na ang ulo ko. I don't hate math nor dislike, I actually like it. Pero may times na talaga na pinapahirapan niya rin ako sobra.
Ma'am Lalice was in the middle of discussion nang may kumatok sa pinto. Sinisiraduhan kase niya ito everytime na may klase kami. Hindi rin kita kung sino ang nasa labas– de aircon kasi clasroom namin. Sanaoll nga eh.
Tumigil ang adviser namin sa pagtuturo at pinuntahan ang pintuan. Bahagya niya iyong binuksan. Mula sa siwang ng pinto ay nakita ko ang isang matangkad na lalake in formal suit– mukhang isa din siya sa mga teachers dito sa school.
Nag usap-usap pa sila bago ko makitang tumango si Ma'am Lalice at nilakihan ang pagbuka ng pinto. Niluwa non ang may katangkaran na lalake. Hanggang leeg ang tangkad niya. Matangkad rin kase adviser namin.
Nagsigawan, nagtilian at naghiyawan ang mga kaklase kong babae. Halos lahat ay nangisay at parang bulate na binudburan ng asin. Namumula ang kanilang pisnge at nakanganga ang iilan sa kanila. Para silang nakakita ng anghel na bumaba sa lupa.
"Oh my gosh! Ang guwapo niyaaa~"
"Hoiii siya ba iyong panganay na anak ni Mayor V! Gago ang gwapo-gwapo!"
"Hayyy!! Palahi naman!!"
"Hoii! Akin ka lang ah!" Hoii, akin yan. Charet!
"Ang gaganda at gwapo talaga ng mga pamilyang Velasco!"
"Sinabi mo pa, Grace! Hayss.. Swerte din iyong mga babae nila noh?"
"Goshh! Ikaw na ba si Mr. Right?"
"Ikaw na ba love of my life?"
"Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko? ~"
At ayun nga guys napapakanta sila nang makita ang panganay na anak kuno ni Mayor V.
Meanwhile us ni Tricia ay nalaglag talaga ang panga namin. Kung flexible lang to pati siguro mata naman naluwa na sa sobrang shocked at amazed!
Likeeee girl!!!! Ksksks parang isa siyang reincarnated Greek God na hinaluan ng modern version! Kulay brown curly hair, matangos ang ilong, arched thin eyebrows, black almond shape eyes, pinkish lips, saktong matingkad at makinis ang balat. Nakasuot siya nang sky blue long sleeve polo shirts at beige tight pants.
Gossh! Para siyang pinaghalong Jpop at Greek.
"Etooo na sinasabi ko ehhh! Maraming mahuhumaling sa kaniya. Kasalanan talaga to ni Father-in-law! Pinalabas pa kase si bebeluvs ko. Huhuhuhu. Yan tuloy! Dami ko ng kaagaw sa kanya."
Bahagya akong lumayo sa kanya since magkatabi kami. Tinitigan ko siya na parang baliw. Umasim ang mukha ko at nakangiwi. Lah ka girl! Ang delulu mo naman. Actually nasobrahan sa kadeluluhan itong si Tricia.
"Gaga! Delulu mo naman. Di ka nga kilala eh, " sabi ko pa.
Humalukipkip siya. She lean in and whispered in my ears.
"Di pa sa ngayon, beshie but soon. Makikilala niya rin ang future wife niya." Lumayo siya sakin at humagikhik. Lahat ay nakatingin sa lalakeng nasa harap.
Hmm.. Nanghalumbaba ako at pinakatitigan ng maigi ang anak daw ni Mayor V. I wonder, ano kaya ang pangalan niya? Since hindi pa siya nagpakilala dahil maingay ang klase.
3 buwan palang kaming naninirahan dito ni Mama at hindi pa kami masyado maalam sa lugar na eto.
Kalahating minuto ang lumipas at tumahimik na ang classroom ngayon.
"Langga, please introduce yourself." Ani Ma'am Lalice.
Bumuka ang kaniyang pinkish lips. "Good morning. My name is.. " whoaaaa! Parang may imaginary hearts-hearts ang mata ko ng marinig ang boses niya at alam kong ganun rin ang reaksyon ng mga girls.
He has a deep and silky voice. Iyong tipong barumbado iyong datingan pero mahinhin ang boses? Walang pintas sa kaniyang tono. Kahit na pagsasalita ay madadala ka talaga! His speech is so charming! I'm going crazyyyyy!!
Goshhh! Papabol! Para siya na isang lumabas sa fictional story. Napaka smooth nang kaniyang pagsasalita at fluent na fluent din ang English Linguistics niya.
"Haquie Gerard Apostol Velasco, Son of– Mayor Mavrick Arch Velasco and Chantelle Haze Agueva-Velasco. Nice to meet all of you."
KYAHHHHHHHH!
ANO TONG WEIRD FEELING NA NARARAMDAMAN KO? BAKIT PARANG SOBRANG BILIS NANG t***k NG PUSO KO? PARANG KAKAGALING KO LANG SA MABILIS NA PAGTAKBO! Tapos.. Tapos parang kinikiliti iyong sikmura ko at nauuhaw ako.
What's this feeling mga bes?!
After that day, it was also the beginning of our Campus Romance.