Chapter 1:Encounter with Four Seasons x Royalties

3067 Words
Encounter with Four Seasons x Royalties KHAINE’s pov Huminga ako ng malalim ng makababa ako sa bus na sinasakyan ko galing probinsya. Yes, isa akong probinsyana. Isang simpleng probinsyana na ngayon lang nakatungyong sa lugar na ito. Nandito ako sa cubao ngayon. Bitbit ang bag ko na may lamang mga damit ay naglakad ako palapit sa isang maliit na tindahan upang bumili ng tubig. Matapos kong uminom, dinukot ko sa bulsa ng suot kong jacket ang cellphone ko na di keypad at nagsimulang itext si mama. Lumuwas ako para mag-stay na rin sa pinagtatrabahuhan ni Mama at para na rin sa Manila mag-aral. Nagtatrabaho si Mama sa isang mayamang pamilya sa Manila bilang isang kasambahay. No, I mean hindi naman siya as in yong katulong. Yong mga apo ng amo niya ang talagang pinagsisilbihan niya. Hindi mayaman ang pamilya namin kaya naman kinailangan ni Mamang mangtrabo sa Manila para matustusan ng maayos ang pag-aaral ko sa highschool. At kung bakit nga ba ako napaluwas yon ay dahil sa kagustuhan na rin ng amo ni Mama. Dahil may katagalan na rin si Mama na nagtatrabaho sa kanila, binigyan ako ng amo ni Mama ng full scholarship para sa college ko sa kahit anong kursong kukunin ko. Nakatanggap naman ako ng reply kay Mama na nandito na raw sila. Ilang minuto ko rin silang hinanap at nakita ko rin naman si Mama. May kasama siyang lalaki, siguro ay yong tinutukoy niyang family driver. “Mama.” Tawag ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. “Namiss kita Mama.” Bulong ko sa kanya. “Namiss rin kita anak.” Gumanti ng yakap si Mama. “Oo nga pala anak, ito si Jose. Ang family driver ng amo ko. Jose, siya ang anak kong si Shane.” “Magandang hapon po.” Bati ko sa kanya. “Magandang hapon rin sayo hija.” Ngumiti ako sa kanya. Inaya naman na niya kami sa sasakyan at doon na tinuloy ang kwentuhan. Makwento rin si Mang Jose. Siguro ay mas matanda siya kay Mama ng sampong taon. Lumipas naman ang isang oras at kalahati ay nakarating na kami. Napanganga ako ng makita ang malaking gate na pinasukan ng sasakyan. At hindi pa doon, dahil may nadaanan pa kami na mahabang garden at sa inuhan pa ay may malaking pabilog at may fountain sa gitna, may iba pa ring mga sasakyan ang nakaparada pabilog na ito. Sa harap naman noon ay isang malaking bahay. Na sa tantya ko ay limang palapag ang taas. Ito na ba ang mansion ng Dela Vega? Wow. Grabe. Hindi ko inakala na ganito ang bubungad sa’kin. Bumaba kami sa sasakyan at nilibot ang paningin ko. Makulay ang paligid dahil sa mga nag-gagandahang bulaklak. Inaya na ako ni Mama na pumasok sa loob kaso pakiramdam ko ay mahihilo na ako sa sala palang. Sobrang laki, may mga pasilyo pa na hindi ko alam kung saan patungo, sobrang organized rin ng gamit sa sala, sobrang linis rin pero sobrang tahimik. “Mama, ilan ang nakatira dito?” Tanong ko sa kanya habang papunta kami sa kwarto niya sa kanang bahagi ng first floor. May mahabang pasilyo, at pagliko pa namin ay May limang kwarto na ang bumungad sa amin bago makarating sa pang anim na kwarto para kay Mama. “4 na tagalinis ng bahay, 2 naman ang taga laba, si Manang Fe na caretaker at si Teresa na taga luto. Ang tatlong guard, si Jose. At ang apat na apo ni Senior Pablo.” Sagot ni mama sa’kin. “Wala ba dito mama ang mga alaga mo?” Umiling si Mama. “Maaga silang umalis kanina.” Sagot niya. Napatango nalang ako sa kanya. Nang makapasok kami sa kwarto ay napawow ulit ako. Parang hindi kwarto ng kasambahay ito. Bukod sa malaki ito ay dalawa na rin ang kama. Malaki pa ito sa sala ng bahay namin sa probinsya. “Mama, sobrang yaman ba talaga ng amo mo?” Tanong ko. “Oo anak. Sila ang nagmamay-ari ng University na papasukan mo. Ang Dela Vega Private University. Bawat isa rin sa apo ni Senior Pablo ay may kanya-kanyang establishment na pag-aari.” Wow, sa tagal ng nagtatrabaho ni Mama sa mga Dela Vega ay hindi ako nagtanong ng tungkol sa mga ito kaya ganito nalang ako kung mamangha sa mga nalalaman ko. Inayos ko naman ang mga gamit ko, at nang matapos na ay inilibot ako ni Mama sa mansion. Sobrang laki ng mansion ng Dela Vega, kung hindi ka marunonng tumanda sa direksyon ay maliligaw ka rito. “Anak.” Tawag ni Mama sa’kin. “Bakit po?” Tanong ko sa kanya. “Masaya akong makakasama na kita.” Ngumiti ako kay mama. “Ako rin po.” Pero mas masaya sana kung nandito rin ang tatay ko. — “Mama, hindi ba uuwi ang mga alaga mo?” Tanong ko kay Mama dahil gabi na ay wala pa ang mga ito. “Malelate raw sila ng uwi. Ganoon naman sila palagi. Sinabi ko na iyon kay Senior Pablo pero ang sabi niya ay hayaan ko lang raw.” Ganoon ba? Sabagay ay nasa mga tamang edad na rin naman ang mga alaga ni Mama. “Matulog kana anak. Maaga pa ang pasok mo bukas.” Oo nga pala. Bukas nga pala ang simula ng klase ko. “Sige po Ma, goodnight.” — Maaga akong nagising dahil na rin sa alarm clock na senet ko. Pagbangon ko ay ang nakalapag na damit sa kama ang kaagad na pumukaw sa atensyon ko. Tumayo ako at dinampot ang damit, or should I say ay uniform ng university. Napanguso ako ng makita kung gaano kaikli ang palda ng uniform na isusuot ko. Naasikaso na pala ito ni mama. Nagtungo ako sa banyo. At nagsimula ng maligo. Nang matapos na ako kay lumabas na ako ng banyo at sinuot ang uniform. White ang kulay ng blouse at long sleeve. May coat rin na kulay navy blue. Then yong palda ay checkered na navy blue rin ang kulay, yong nectie ay navy blue rin. Parang katulad ng mga uniform ng mga estudyante sa napapanuod kong kdrama. Nang matapos na ako, kinuha ko na ang bag ko na may lamang mga gamit ko na binili na rin ni mama. Bumaba na ako at dumeretso sa kusina kung saan nandoon si Mama. Kumain na ako at palabas na ng sumulpot si Mang Jose. “Shane, sumabay ka na sa’kin kailangan kong pumunta sa university.” Sambit niya. “Bakit pupunta ka doon?” Tanong ni Mama. “May naiwan ang alaga mo e, pinapakisuyo.” Tumango nalang si Mama kaya nagpaalam na ako. 45 minutes ang lumipas ng makarating kami ni Mang Jose sa University. “Salamat po Mang Jose.” “Wala iyon hija, goodluck sa first day mo.” Ngumiti ako sa kanya. “Oo nga po pala, gusto niyo po bang ako na ang mag-abot ng ibibigay niyo sa alaga ni Mama?” “Talaga hija? Naku salamat, kailangan ko rin pumunta ng airport e. Ito oh, kay Autumn mo iyan ibibigay ha?” Iniabot ni Mang Jose ang isang folder. “Sige po. Ingat po kayo sa pagmamameho.” Pumasok na rin ako sa loob ng university at muling napahanga sa sobrang laki nito at sobrang linis. Mataas rin ang mga building na nakapaloob dito. University pa ba ito? “I love you Triaaaaaaa.” “Ang cute mo Natalieeeee.” “Nag-smile sa’kin si Triaaa.” “Wala si Kylennn.” “Royaltiessss.” Napakunot ang noo ko ng marinig iyon. Royalties? Sino naman kaya ang mga iyon? Mga sikat? Siguro ay ganoon na nga. Dahil sa sikat ang DVPU malamang ay maraming sikat na estudyante rito. Mahaba ang hallway na nilalakaran ko, at habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan ang mapatungo. Tinitingnan ako ng ilang estudyante na para bang may ginawa kaagad akong mali. Dahil sa pagtungo ko ay hindi ko napansin na may mababangga na pala ako. “Hey.” Napaangat ako ng tingin. “Newbie?” Tanong ng babaeng nasa harapan ko. Matangkad siya at medyo kulot ang kanyang buhok na lumampas sa balikat niya. Napatango ako sa tanong niya. “I see. Anyway? Wala ka pang I.D? You should get it now kung ayaw mong mapatapon kaagad sa discipline room.” Sambit naman ng isang babae na hindi ganoon katangkad na may straight na buhok na lumampas rin sa balikat. “S-salamat. P-pero hindi ko pa alam kung saan ang registrar office dito.” Ngumiti silang dalawa. “No worries. Sasamahan ka namin. Anyway, I’m Natalie Devon, you can call me whatever you want.” Pakilala ng babaeng may straight na buhok. “And I’m Trianah, you can call me Tria.” “I-i’m Shane.” Nahihiyang pakilala ko sa kanila. “Lets go. Bago ka pa makita ng student council president.” Tumango ako kaya naman naglakad na kami. “Who’s that girl?” “Bakit kasama niya ang dalawa sa Royalties?” “Mukhang bagong salta.” Rinig kong usapan ng nadaanan namin, dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. “R-royalties?” Tumigil rin ang dalawa at tumingin sa’kin. “Hehe, don’t mind them.” Saad ni Natalie. “Tawag nila sa’min yon, pero hiwag mo nalang pansinin.” Saad naman ni Trianah. “No need to be shy on us Shane.” Dagdag niya pa na ikinatango ko. Paliko na sana kami sa kaliwang hallway ng may biglang magsigawan. Na naman. “Acckk Fourrrr Seaaassoonnssss.” “Ang gaganda talagaaa.” “Idolllllll.” “Springgggg, ang hot mooooo.” “Be my friend Summmerrrr.” “Please smile Miss Presidentt.” Hinila kami ni Natalie sa kabilang gilid at tinanaw ang apat na babae. “Sino sila?” Tanong ko sa dalawa. “Four Seasons.” Sagot ni Trianah. “Four Seasons?” Tanong ko, hindi ko magets. “Bakit Four Seasons?” Tanong ko pa ulit. “Well, kita mo yong babae sa kaliwa, sa gilid?” Tanong ni Natalie kaya tumango ako. “She’s Spring Dela Vega, b***h ng grupo. Pangalawa sa magkakapatid. Minsan bully. Campus girlfriend, bakit? Palit palit ng boyfriend, walang tumatagal. Well, pinakamatagal na ang 1 week. Sya rin ang reigning queen ng DVPU. At kung ano rin ang gustuhin niya ay madali rin niyang nakukuha. But I suggest na iwasan mo nalang siya, lalo na at bago ka dito baka maging target ka niya sa pambubully." Spring Dela Vega? Dela Vega? Wait? Sila ba ang alaga ni Mama? Bakit di manlang sinabi sa’kin ni Mama? Maganda si Spring, mahaba ang kanyang buhok na lumampas sa kanyang balikat, medyo kulot rin ang kanyang buhok na blonde. Matangkad at sexy. Lahat naman sila ay sexy. “Yong girl sa right side sa gilid, sya naman si Summer Dela Vega. Ang pangatlo sa magkakapatid. Sa kanilang apat, sya ang pinakamagulo, pinakamaingay at pinakafriendly. She’s part of the volleyball team, captain to be exact. Kung may gusto kang maging kaibigan sa Four Season, si Summer ang perfect para doon, kahit sinong lumalapit sa kanya ay eneentertain niya.” Si Summer, katulad ni Spring matangkad rin siya, maganda at sexy. Maiksi ang kanyang buhok na kulay brown at hindi pa umabot sa kanyang balikat. Katulad ng sinabi ni Natalie, pang sport ang kanyang tindigan. “The next one is Winter Dela Vega. She’s the youngest of Dela Vega’s sister. The cold one, cold like an ice, magtataka ka pa ba? Pangalan palang lalamigin ka na. She doesn’t show any interest sa kahit anong nasa paligid niya. At siya ang pinaka gugustuhin mong iwasan sa lahat ng tao dito sa university. Lahat iwas sa kanya. Why? You’ll find it sooner or later.” Winter, I can’t see her face. Nakatungo lang ito habang nakasuot ng headset at bonnet. Matangkad rin siya at ang kanyang, ang kanyang kulay itim na buhok ay pumapantay lang sa balikat niya. “Bakit walang sumigaw tungkol sa kanya?” Puno ng kyuryusidad na tanong ko sa dalawa. “Bawal.” Muli napakunot ang noo ko. “Bawal?” Pagtataka kong tanong. “Yep, ayaw ni Winter ng maingay lalong lalo na ang isinisigaw ang pangalan niya. Wala lang siyang magawa sa tuwing nandyan sila dahil sikat sila.” “And last, Autumn Dela Vega. The eldest of Dela Vega’s Sister. She’s the student council president, compared to Winter hindi siya cold pero masungit. Pili lang ang taong kinakausap niya, once na nginitian ka niya she likes you. She hates bullies kaya si Spring minsan natatapon sa punishment room. Pinaka-ayaw niya ay ang magulo ang katahimikan ng University.” Sa aura palang ni Autumn ay nababagay talaga siya na maging isang Student Council President. Nakasalamin siya na bumabagay sa kanya, mahaba rin ang kanyang buhok na kulay gray at may bangs na sobrang bumabagay sa kanya. “They are quadroplets. They’re the ruler of this university, as you can see sila ang may-ari ng university. Pinakasikat na grupo, kahit sa ibang university ay kilalang-kilala sila. No one’s trying to get in their way, kase sa oras na ginawa mo yon you’ll be a dead meat.” Grabe. Ito ang mga alaga ni Mama? Paano kaya nahahandle ni mama ang mga ito? “And one more thing, Autumn is my crush.” Kinikilig na saad ni Natalie dahilan para mapatitig ako sa kanya. “C-crush?” “Hihi oo. Well, lahat naman ng estudyante rito sa university ay crush ang apat. Sa ganda ba naman nilang yan, matatalino at mayayaman pa. Walang kahit sino ang hindi mahuhumaling sa kanila.” I see. “Anyway. Tara na.” Umalis na kami doon at dumeretso sa registrar office. Kinuha ko lang ang class schedule ko, then nagpa-id na rin ako. Nice. Ang bilis lang magprocess ng I.D “Omooo, same sched tayo girl. Tara na.” Pinigilan ko sila. “Bakit?” Tanong ni Natalie. “Hmm. S-saan ang student council office?” Tanong ko sa kanila. “Sa south wing, bakit?” Ipinakita ko ang folder na hawak ko. “Kailangan ko itong ibigay kay Autumn.” Nangunot noo naman ang dalawa pero hindi na sila nagtanong. Sinamahan nila ako ulit pero hindi na nila ako sinamahan sa loob ng office. Kumatok ako at may babaeng ngbukas ng pinto. “Yes Miss?” Tanong niya. “S-si Miss Autumn nandyan na ba?” She nodded at me. “May ibibigay lang ako. Okay lang ba?” Pinapasok niya ako. Mahabang glass table ang bumungad sa’kin at natanaw ko ang isang opisina pa sa loob na glass rin ang panangga ngunit natatabingan ng kurtina mula sa loob ng opisina. Naglakad ako palapit doon at kumatok bago pumasok. Pagpasok ko, bumungad sa’kin ang mukha ng apat na magkakapatid. Pakiramdam ko nanigas ang buo kong katawan dito sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang kakaiba ang aura sa loob nitong opisina. Kaninang nasa malayo sila ay parang magiging katapusan ko, pero ngayon malapit na sila. Feeling ko I’m dead. “Yes? Do you need anything?” Tanong ng babaeng nakaupo sa swivel chair sa kalmado ngunit maawtorudad niyang boses, walang iba kung hindi si Autumn Dela Vega. “H-ha? M-may ibibigay l-lang a-ako..” mabilis akong lumapit sa kanya para iabot ang folder. Kinuha ni Autumn ang folder at. “Bakit nasa sayo to?” Tanong niya. “S-sinabi ko kay M-mang Jose na ako na ang magbibigay sayo.” Tiningnan niya ako. “Are you Yaya Nena’s daughter?” She asked. Tumango ako sa kanya. “I see. Nice meeting you Khaine.” K-khaine? P-paano niya nalaman second name ko? At walang tumatawag sa’kin ng ganoong pangalan. Nagulat naman ako ng may biglang umakbay sa’kin. “Wow, Autumn it seems you like Shane eh. Hi Shaneee, I’m Summer.” Ngumiti ako sa kanya, base sa sinabi ni Natalie si Summer ang pinakafriendly at tama nga iyon. “Spring here. Welcome sa university, at sa bahay.” Saad niya. “S-salamat.” Sagot ko. “Sorry, dika namin nawelcome kahapon. Busy kami till evening e.” Saad ulit ni Summer. “O-okay lang.” ngumiti ako sa kanya. “Uy Wints, wala ka bang balak iwelcome si Shane.” Nilingon ko ang babaeng nakatungo kanina at nakasuot ng headphone habang nakabonnet. Tumunghay siya. What the fudge? A-ang ganda niya. Kanina hindi ko masyadong naaninag ang mukha niya pero ngayon nasa malapitan na kitang kita ko na ang mukha niya. Ang tangos ng ilong, ang cute ng shape ng labi niya at ang mga mata niya. Nakakatakot tingnan. Pakiramdam ko nilamig ako sa mga tingin niya. Pero kahit ganon, uh she’s like a goddess. Oo magaganda silang lahat but Winter? She’s different and I don’t know how to explain it. “Hoy wints, iwelcome mo si Shane.” Muling sambit ni Summer. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Summer bagkos ay tumayo na ito at lumabas ng opisina. “Pagpasensyahan mo na ang yelong yon ha.” “H-hoy Shane.” Ha? “B-bakit?” Gulat na tanong ko. “Gosh, natulala ka e. Nabiktima ka na ba ng looks ni Wints?” Kumunot ang noo ko. “A-ano bang s-sinasabi mo? Aalis na ako.” Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na sa opisina. Muli akong nagpasalamat sa babae kanina na napag-alaman kong vice president pala. “Ang tagal mo girl.” Bungad ni Trianah. Napansin ko naman ang isa pang babae sa tabi nila. “Hi, I’m Kylen. Kylen Travis.” Pakilala niya. “H-hello, I’m Shane.” Inabot ko ang kamay niya at nagshakehands kaming dalawa. Hindi ko enexpect ito na may makikilala agad akong mabubuting tao. “Sorry. Tara na?” Umalis na nga kami doon. Ngayon nakilala ko na ng harapan ang magkakapatid, pakiramdam ko may mababago sa buhay ko pero hindi ko akam kung ano. (good day my dear readers this story not mine, I know that is plagiarism just enjoy reading ?)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD