"WOW! Mommy, you're so pretty!" bulalas ni Euna nang eksaktong makababa siya ng hagdan. Nasa mga mata nito ang paghanga sa kaniya. Katabi nitong nakatayo si Yaya Sela na nakangiting pinagmamasdan siya. Habang ang ama naman niya'y prenteng nakaupo sa couch na naroon. May ngiti rin sa mga labi nito. "Oh, really, Ate? Thank you!" ani Sofia nang makalapit siya rito. Marahan niyang hinaplos ang buhok ng anak. "Yes, mommy. I wish I could be like you when I grow up." Marahan siyang natawa sa sinabi nito. Mukhang gandang-ganda sa kaniya si Euna ngayon. She was wearing a cocktail dress that was red in color. Hanggang tuhod ang haba niyon. It was V-neck in style with its spaghetti straps, kaya naman naka-emphasize ang perfectly-shaped niyang mga balikat at malayang nasisilayan ang cleavage niya.

