LAURA MAY CASTILLO Nanghina ako sa mga narinig. Napaupo ako sa malapit na bench dahil sa panginginig ng tuhod. Dito na pala magtatapos ang lahat. Mabuti nalang at hindi ko na pinalalim pa ang nararamdaman para kay Hans. “Laura—” Tinaas ko ang aking kamay upang patigilin ito sa pagsasalita. “Okay lang. Okay lang ako.” Lumuhod siya sa aking harapan. Ang mainit na kamay nito ay humaplos sa aking pisngi. “I’m sorry. Patawarin mo ako, Laura.” Ngumiti ako upang itago ang sakit. “Bakit ka… humihingi ng sorry sa akin? Wala ka naman dapat ihingi ng tawad dahil nakikitira lang naman ako rito.” Kinuha nito ang dalawang kamay ko at dinala iyon sa kanyang labi. “A-Aalis muna ako rito—” “Hindi kita pinapaalis.” “Hans, ano ba ang gusto mong gawin ko?” Mariin kong pinagdikit ang mga labi upan

