LAURA MAY CASTILLO Natapos na ang isang buong school year at nakahinga na ako ng maluwag. Dahil sa academic break ay maaari na akong maghanap pa ng panibagong trabaho. Dahil may kalakihan ang pasahod sa akin ni Adrian ay hindi ko pino-problema ang pagpapadala kila inay. Paminsan-minsan ay nagagalit pa rin siya sa akin at hindi iniintindi ang mga paliwanag ko. Syempre, kailangan ko rin asikasuhin ang mga gagamitin ko sa pag-aaral katulad ng bagong uniporme at mga libro. Hangga’t maaari ay hindi ko dapat abusihin ang kabaitan ni Adrian kahit na napapagalitan na rin niya ako sa sobrang tipid ko sa aking sarili. “Adi! Malapit ng lumamig ang kape mo!” Ilang saglit lang ay narinig ko na ang mga yabag niya na pababa sa hagdan. Sinusuot nito ang damit pangtaas habang bumababa. “Ngayon lan

