LAURA MAY CASTILLO Sumapit ang Lunes at nagbibihis na ako para pumasok. Nang maiayos ko ang aking umiporme ay isinukbit ko na ang bag sa aking balikat at bumaba na. Naabutan ko si Hans na naglalakad sa living area— ang itim na damit ay nasa kanyang balikat at kumikinang ang kanyang kayumanggi na katawan dahil sa pawis. Tila kakatapos lang niya na mag-jogging sa labas. Umupo ito sa sofa at tinanggal ang sport shoes. Lumpat sa akin ang kanyang atensyon at nag-iwas ako ng tingin upang hindi niya makita na naglalaway ako sa katawan niya. “Papasok ka na?” “Oo. Maaga ang klase ko ngayon, e.” Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta o kung ano ang gagawin habang hinihintay ito na lumapit. “Open your bag.” Tumingin ako sa kanya at napaawang an

