CHAPTER 61 – WHAT NOW

3245 Words

LAURA MAY CASTILLO Naabutan ko si Hans na nakaupo sa sahig sa isang tagong lugar. Mabilis ang kanyang paghiga at nakasapo ang mga palad sa kanyang mukha. Nilapitan ko siya. Nanghihina at hindi alam ang gagawin. “Hans…” mahina kong tawag. “Huwag mo muna akong lapitan, Laura.” Halos ginawin ako sa sobrang lamig ng kanyang boses. Ngunit hindi ko siya pinagbigyan. Alam ko na kahit ano’ng mangyari ay kailangan niya ako. Alam ko na kahit sa huli ay ako ang pipiliin niya. Lumuhod ako sa harapan niya— sa pagitan ng mahaba nitong mga hita. “Kausapin mo ako, Hans. Huwag mong kimkimin.” Umiling ito. “I swear, Laura. You don’t want to get close to me right now.” Hinawakan ko ang kanyang kamay at pilit iyon na inalis sa mukha nito. His eyes are burning with desire and he is breathing heavily.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD