Four

2995 Words
Chapter 4. Gusto Kita. "Ano?! Nabagok bah 'yang ulo mo, Savannah? Anong 'may nagugustohan'?! Eh ang bata-bata mo pa!" niyugyog niya ako at nakangiwi akong tinitigan. Patuloy lang ako sa pag-iyak. "Huy! Baka nakakalimutan mong 12 years old ka pa lang at magti-trese pa sa susunod na taon! Jusko!" I covered my whole face using my palms and cried more. Nagpa-panic na talaga si Dianne at hindi na alam kung ano ang gagawin. She pulled me inside to our house. Naghanap siya ng tubig sa kusina saka ibinigay sa akin. "Sino bah kasi iyang nagugustohan mo?" tanong niya. "Si Aaron bah? 'Yung nerdy na kaklase natin?" umiling ako at napasinghap naman siya. "Don't tell me si Justin?! 'Yung mataba na medyo gwapo?" Mas lalo akong napailing. Kumakalma na ako. "Ayaw kong sabihin... n-nahihiya ako," sambit ko at inubos ang tubig sa baso. "Baliw ka talaga! Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo! Pinakaba mo akong gagi ka!" hinampas niya ang braso ko. "Lalaki lang pala ang problema. Alam mo? Hindi mo dapat iniiyakan ang mga ganoon! Ano naman kung may ibang gusto ang gusto mo? Eh ang dami pa namang lalaki diyan na pwede mong magustohan. Ikaw talaga! Ang dapat mong iyakan ngayon ay kung mami-maintain mo bah ang grades mo sa second year!" She got the point but still, nasasaktan pa rin ako sa nakita kanina. Masasabi kong bagay na bagay sila ng babaeng iyon... pero kung mas matanda lang ako ng limang taon... siguro ay bagay din ako para kay Kuya Carson. Tuluyan akong kumalma at napatitig kay Dianne na nagsasalita na ng kung anu-ano para hindi na ako umiyak. Lumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang araw ng recognition ko sa grade 7. As expected, no one came for me at sina Lolo at Lola na naman ang dumalo. Ang dami kong natanggap na awards at kahit isang ngiti man lang sa kanila ay hindi ko nakita. "Congratulations sa iyo, hija!" ang Mama ni Dianne ang bumati at napangiti naman ako. "Naku! Ang ganda-ganda mo talaga ngayon! Pwede bah kitang maimbita sa bahay namin?" Napatingin ako kay Lola. "Ayos lang sa akin basta't mahahatid ka sa bahay," striktang aniya. My smile widened at sumama na kila Dianne. She looked so happy while clinging her arms to mine. May kaunting salu-salo sa kanilang bahay at mukhang sinabihan niya ang kaniyang Mama na imbitahin ako. When we reached to their house, parang may fiesta dahil sa mga banderitas sa buong lugar. Graduation din kasi ng kaniyang pinsan at hindi ko inaasahan na ang dami nilang bisita. Akala ko bah kaunting salu-salo lang? Parang pambuong bayan ang mga nakahain na pagkain sa mahabang lamesa. I'm wearing a white dress at nakalugay ang maikli kong buhok. "Ganda naman ng kaibigan mo, Ruth! Pakilala mo naman kami!" napalingon ako sa tatlong pinsan na lalaki ni Dianne na nakangisi na sa akin. Bigla akong nailang. "Sapak gusto n'yo makilala?" pambabara ni Dianne. "Twelve years old pa lang iyan kaya hindi pwede! Magsialis na kayo! Ang babaho ninyo!" dagdag niya. Patago akong natawa. Nang makalapit siya ay inakbayan niya ako. "Kuha ka lang ng pagkain, alam kong gutom ka. Ang mga asungot kong pinsan, gusto ka makilala pero ayaw ko." bulong niya. "'Yung may mahabang buhok, si Kuya Terrence iyon at ang kambal niya na si Kuya Tristan. Tapos 'yung isa ay kaedad ko lang, si Jacob." "A-ayaw ko ring magpakilala... natatakot ako sa kanila," pag-amin ko. "Sino bah naman kasi ang hindi matatakot sa mukha nilang adik?" sarkastikong sabi niya. "Hindi naman sa ganoon..." Tumawa lang siya at tinulak na ako sa mahaba nilang lamesa. Binati ko ang pinsan ni Dianne na graduate sa kursong Accountancy. She looked professional the way she talk at gusto ko sanang maging kagaya niya balang araw. Habang kumakain ay may dumating na bagong bisita. Ganoon nalang ang pagkagulat ko nang makita si Dra. Maria kasama ang isang lalaki! Napaiwas ako ng tingin at mabilis na nagtago lalo na noong makita ko si Kuya Carson na sumunod. Oh my gosh! What should I do? What should I do?! "Congratulations, Blair!" rinig ko ang boses ni Dra. Maria. "I have something to give you by the way." Hindi ako makatago dahil nakaupo na ako sa table na pinareserba ni Dianne para sa amin. Too late to hide when Kuya Carson looked at my gaze. Kinabahan ako nang makitang palapit siya! Napaayos ako ng upo at napilitang lunokin ang kinain na manok kahit hindi ko pa ito nangunguya nang maayos. Then he sat down beside me. And gosh... it's my first time to see him wearing a glasses. Fashion lang bah? O may deperensiya talaga ang mga mata niya? He looked so good. Mas lalo siyang gumwapo. "Congratulations, Savannah." he softly said. "S-salamat, Kuya Carson..." mahinang tugon ko at umiwas ng tingin. Nakita kk si Dianne na napapakurap na sa malayo. "Hmmm... I can see you received alot of awards. I am happy for you," tumango lamang ako. "May plano sana akong ipakilala kita kay Athena." napapitlag ako roon. Dahan-dahan akong napayuko. I don't want to meet her... "We met the last time in the mall but you walked away. Why is that?" I clenched my hands under the table. Napansin niya ang pananahimik ko kaya bumuntong-hininga nalang siya. "Ate Maria wants to treat you after this. Are you available?" "Oh my! Savannah!" napatalon ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko. "Congratulations! Congratulations to you!" pinatayo niya ako at niyakap nang mahigpit. Marahan na natawa ang kasama niyang lalaki. "Who is this little girl, sweetie?" napatitig ako sa lalaki at napansin na ang gwapo niya. Nasulyapan ko ang pag-irap ni Kuya Carson. After hugging me, sumandal si Dra. Maria sa lalaki. "She's my beautiful patient, hon. The one that I mentioned you last time?" nahihiya akong ngumiti. "Savannah, meet my fiancé, Christian." "H-hello po..." akma ko na sanang tatanggapin ang kamay ni Sir Christian nang si Kuya Carson na ang tumanggap nito. "She's scared. Don't touch her," nagulat ako sa pagiging seryuso niya. Humagikhik si Dra. Maria. Napalapit si Dianne. "Siya pala ang doktor mo, Savannah?" tanong niya at tumango naman ako. "Hello, Ruth! May nabanggit ako sa 'yo noon na magandang bata 'di bah? It's your friend pala?" tanong ni Dra. "What a small world indeed! Kumain na bah kayo?" nagkatinginan kami ni Dianne. "Tatapusin pa namin ang pagkain namin," si Dianne. Na-conscious ako bigla sa paninitig ni Kuya Carson. Kung makatitig siya ay parang diretso sa mata ko. I pouted and continued my food while Dra. Maria and her fiance talked infront of us. Bagay na bagay sila sa isa't-isa. Nalaman kong pinsan pala ni Dianne si Sir Christian-- I mean... second degree cousin niya ito dahil magpinsan ang Mommy ni Sir Christian at ang Mama ni Dianne. "Ubosin mo 'yan," tumindig ang balahibo ko sa pagbulong ni Kuya Carson sa akin. I bit my lower lip and nodded slowly. Marami akong nakain. Sumasabay na si Dianne sa pag-uusap ng magkasintahan samantalang ako at si Kuya Carson ay tahimik lang. Something is wrong with his silence. Mukhang naiinis siya sa presensiya ni Sir Christian pero hindi naman siya galit. "Humingi na ako ng permission sa Mama mo, Ruth na isasama ko kayo ni Savannah bukas sa mall. Hindi magandang tingnan kapag may okasyon tapos aalis ako." iyon ang sabi ni Sir Christian at napa-Tsk naman si Kuya Carson. "Luh siya... manlilibre ka, Kuya Chris? Naku! Mahiya naman ako oy." si Dianne. Natawa si Dra. Maria. "Hindi ka dapat mahiya, Ruth. Sasakay tayo ng rides sa amusement park at pupunta din tayo ng ocean park. It's fun right?" Mabilis akong tumango. Para makuha ang kanilang atensyon ay itinaas ko ang kanan kong kamay. "Uhm... may dadalhin po bah kaming pera para extra expenses?" mahina ang boses na tanong ko. All of them went silent. Nang-init ang pisngi ko dahil sa awkwardness. Hanggang sa tumawa si Dianne, sumunod si Kuya Christian at Dra. Maria. "Oh God... how can you be so adorable, Savannah? Ang cute mo!" napaiwas ako ng tingin at napanguso. "To answer your question. Hindi mo na kailangang magdala ng pera dahil kukunin ka namin at ihahatid pauwi." "Talaga po?" "Yep! So ready yourselves tomorrow because it will be a long day!" excited na aniya at tumili naman si Dianne. Napatingin ako kay Kuya Carson na nakatitig na sa kawalan. 'Di nagtagal ang kasiyahan na iyon at hinatid ako ni Dianne sa amin. Ang katuwaan na nangyari sa bahay nila ay kabaliktaran naman sa bahay namin. I bitterly smiled as I get inside. "Oh? Nakauwi ka na pala?" nagmano ako kay Lola. "Kamusta naman ang selebrasyon sa bahay ng kaibigan mo?" nagulat ako sa pagtanong niya. "Ayos lang naman po, Lola... May dala po akong pagkain para sa inyo ni Lolo," sinulyapan niya ang hawak kong plastic. "Kumain na ho kayo at lilinisan ko ang likod." Sa unang pagkakataon... Nakita kong nginitian ako ng aking Lola. Wala siyang sinabi at tinanguhan lang ako. I can feel she's happy for me but she couldn't say it. Her smile said it. Nakaramdam rin ako ng tuwa at nagbihis na sa kwarto. Nagsuot ako ng pambahay na damit at nadatnan ko si Lolo sa labas na pinapakain ang alaga niyang K9 na aso. Nagmano ako sa kaniya. "May dala po akong pagkain, Lolo. Sabay na kayo ni Lola kumain..." He nodded. Akma na sana akong tatalikod nang magsalita siya. "Ipagpatuloy mo ang pagkakaroon ng mataas na marka, Eleanor. Ikasasaya namin ng Lola mo ang ganoon," umihip ang malamig na hangin kasabay ng seryusong boses ni Lolo. Ang ikinagulat ko pa ay may hawak na siyang maliit na kahon. "Tanggapin mo ito bilang regalo namin sa 'yo." Nangilid ang luha ko at paulit-ulit na tumango. "Thank you, Lolo... Thank you..." napaiyak na ako at tinanggap ang kahon. I was so excited to see what's inside of the cute box. Tinapos ko ang aking mga gawain para makapasok na sa sariling kwarto. Sinadya kong buksan lahat ng bintana para pumasok ang preskong hangin. Magkahalong kulay kahel at dilaw na kalangitan... Tuluyan kong nakita ang isang magandang kwintas at isang pulseras. Tears overflowed in my cheeks. This will be precious for me. Iingatan ko ito. Iingatan ko ang bigay nila. Pero hindi ko napansin ang isang litrato. Tiningnan ko ito at ilang beses akong napakurap dahil... Si Lola at Lolo ang nandoon na may dalang sanggol. They are smiling widely. Ako bah ang buhat-buhat nila? Naiyak ako lalo dahil ako nga... ako nga ang nandoon. I sniffed and calmed myself. Sinuot ko agad ang kwintas na may pendant na diamond shape. Ang bracelet ay bukas ko na susuotin. Bumaba ako ulit para magpasalamat sa kanilang dalawa. Before I could enter the dining room, narinig kong nag-uusapan sina Lolo at Lola. "Matalinong bata ang ating apo, Romel." natigil ako sa pagpasok. "Halatang nagmana sa ating anak." dugtong ni Lola at napakurap ako dahil doon. Are they talking about me? Marahan na natawa si Lolo. "Sa akin nagmana si Eleanor, mahal ko. Nakita mo bah ang kaniyang marka sa Matematika? Sobrang taas na kasing taas sa marka ko noon!" iyon ang unang beses na lumakas ang boses ni Lolo. Natawa na din si Lola. "Oo na... sa iyo na nagmana, lahatin mo nalang ang namana ng ating apo." Unti-unti akong napangiti. Napagpasiyahan kong hindi nalang pumasok. Masaya silang nag-uusap at natutuwa akong ako ang pinag-uusapan nila. I didn't know that they are proud of me. Bumalik ako sa kwarto at tinago na ang maliit na litrato naming tatlo. I slept with a smile on my lips. Iyon ang pinakamagandang tulog ko sa tanan kong buhay. Walang mabigat sa katawan ko nang sumapit ang umaga. There is still a smile on my lips as I took a bath. Nagdesisyon akong magsuot ng tight jeans na pinaresan ko ng sky blue na off shoulder. Tinali ko rin ang aking buhok at inayos ang pagkakasuklay ng bangs. I smiled in the mirror. "Magandang umaga, Lola! Kukunin po ako ni Dra. Maria ngayon kasi may lakad kami," paalam ko kay Lola na naghahanda ng almusal. "Ang doktor na nag-asikaso sa iyo sa ospital?" "Opo... isasama niya raw ako sa lakad nila ng kaniyang fiancé kasama na si Dianne," tiim niya akong tinitigan bago tumango. "Basta mag-ingat ka." "Salamat po, Lola." ngiting tugon ko at nang makaupo ay may isa na namang kahon ang lumantad sa harapan ko. "Dumaan ang Papa mo rito kagabi para ibigay sana sa 'yo ang kaniyang regalo pero tulog ka na noong pumasok siya sa kwarto mo," umawang ang bibig ko at napatitig sa malaking kahon. "Gusto niyang ikaw ang magbukas niyan kaya bago ka umalis, buksan mo muna iyan." "O-opo, Lola..." I carefully opened the box and my eyes widened when I saw that it was a dress with a white lace headband. Umawang ang bibig ko dahil may nakita rin akong litrato. It's me and Papa when I was 2 years old? I don't know basta ang liit ko pa tingnan sa picture. Humanga ako dahil may oras din pala si Papa na bigyan ako ng ganito. Sinuot ko ang puting headband bago umalis ng bahay. I hope I look good with my white lace headband. Malaki ang ngiti ko habang hinihintay ang isang... Van? "Buenas diaz!" lumabas doon si Dra. Maria na sobrang ganda sa kaniyang outfit. "Looking so pretty, Savannah! Wow!" Ngumiti ako. "Salamat..." "Sakay na tayo! I brought our van because my brothers are here!" si Kuya Carson ang nagbukas at sumilip ako sa kaniyang likuran. "Savannah, meet my youngest brother! Magnus!" kinawayan ako no'ng lalaki. Sumakay nga ako at sa gitna nila ako! This feels awkward. "I did not know that you really have a pretty patient, Ate." nagsalita si Magnus sa aking tabi. Tinawanan lang siya ni Dra. Maria at nagmaneho na papunta sa bahay nila Dianne. Sa rearview mirror ay nagtatama ang mga mata namin ni Kuya Carson pero mas panay ang pagtitingin niya sa cellphone niya. I did not mean to look at it but I can't stop it. May katext siya at 'yung girlfriend niya ata. Kitang-kita ko ang messages nila. They are going to see each other later. Sasama ang girlfriend niya sa amin. Excited si Dianne noong makasakay pero nang makita niya kung sino ang nasa tabi ko, ganoon nalang pagngiwi niya. Sinabihan ko si Kuya Carson na tatabi ako kay Dianne sa likuran nila. "Sumama talaga ang gago," asik ng aking kaibigan. "I heard that, Ruthy." malamig ang boses na tugon ni Magnus. "Tse! Ano naman ang paki ko kung narinig mo?" giit ni Dianne at pinagkrus ang dalawang braso. I was silent the whole ride. Si Dianne naman ay panay ang pag-asik sa tabi ko tungkol kay Magnus. Until we reached to the amusement park, doon ko nga nakita sa malapitan ang babaeng napupusoan ng lalaking gusto ko. Titig na titig ako sa maliit na mukha niya. She looked decent with her tight jeans and off shoulder, parang matchy kami ng outfit pero mas maganda ang sa kaniya. "Hii!" masiglang bati niya sa amin. Nagtaka ako kung bakit tumahimik si Dra. Maria. I can feel that she did not like the presence of Ate Athena. Nawala ang malaking ngiti niya nang lumantad si Ate Athena at hindi ko naman siya masisisi dahik hindi ko sila maintindihan. Kumirot ang puso ko nang makita kung paano iniingatan ni Kuya Carson ang kaniyang girlfriend. Ito namang si Dianne ay kilig na kilig sa dalawa. Nagagandahan ako kay Ate Athena. Umagang-umaga pero bukas na ang amusement na pinuntahan namin. Lahat ng rides ay available. Sumakay kami sa ferris wheel at kasama ko si Dianne. Hindi ako mapakali habang pinapanood si Kuya Carson na inaalalayan ang girlfriend niya. Magkasama sila sa isa at sumikip ang dibdib ko dahil naiisip ko ang mga bagay na pwede nilang gawin sa loob. Maghahalikan bah sila? Gusto kong maiyak. Nagsimulang umikot ang ferris wheel at nang pabilis ito nang pabilis ay nawawala rin ang lungkot na nararamdaman ko. Siguro pwede ko nang sabihin kay Kuya Carson ang nararamdaman ko para gumaan naman ang pakiramdam ko. Infatuation lang 'tong nararamdaman ko kaya alam kong mawawala rin ito balang araw. Wala na akong pakialam kung masasaktan man ako basta ang mahalaga, masasabi ko sa kaniya. Matapos ang ilang minutong pagsakay ng ferris wheel ay naghiwalay kaming lahat. Bibili ng pagkain sila Dra. Maria kasama si Sir Christian tapos si Magnus ay magbabanyo na sakto namang doon ang punta ni Dianne dahil nasusuka. I want to come with her but she insisted na ayos lang siya na mag-isa. Sa huli ay mag-isa akong umupo sa bench na nasa ilalim ng puno. Umihip ang hangin at nilipad ang nakatali kong buhok. "Hey," napatayo ako. Tinitigan ko si Kuya Carson na nakatayo malapit sa akin. "N-nasaan si Ate Athena?" "She met a friend in the way, pinauna niya ako." inayos niya ang kaniyang eyeglasses. "So? How's your ride in the ferris wheel?" "It was... fun." "Hmmm..." tumatangong tugon niya at akma na sanang uupo pero pinigilan ko. "May sasabihin ako sa 'yo," matapang kong sabi at natigilan siya. I swallowed some air at nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. "Alam kong hindi ko pa naiintindihan ang bagay na nararamdaman ko pero gusto kong sabihin sa iyo ito dahil ayaw kong may pagsisihan ako sa huli." He tilted his head. "What are you saying, Savannah?" "Gusto kita," kasabay ng pagsabi ko no'n ay nanlaki ang mata niya. I stared how he will express his reaction to my confession. "Gustong-gusto kita, Kuya Carson pero alam kong may mahal kang iba kaya ayos lang..." Ngumiti ako. "Ayos lang dahil sanay na akong hindi mahalin o gustohin ng mga taong mahal ko." pagtatapos ko at yumuko saglit bago umalis. I thought I will feel better after confessing my feelings pero bakit mas lalo yata akong nasasaktan? I'm still 12 but I already know how my heart clenches... Nasasaktan ako.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD