Prologue

1836 Words
PROLOGUE. The Start. After months that I thought it's years for me. I am finally back in my place. "Savannah!" napatalon ako sa gulat nang may tumawag sa pangalan ko. And there I saw my bestfriend, waving her hand to me. "Oh my God! Oh my God! Nakabalik ka na talaga!" sigaw niya habang tumatakbo patungo sa akin. Binuksan ko ang magkabila kong braso para salubongin siya ng napakainit na yakap. "Dianne! I missed you!" I said and hugged her so tight. "Namiss din kita!" we faced at each other. Kinurot niya ang pisngi ko. "Kamusta ka na? Grabe! Mas lalo ka yatang gumanda! Nagdala ka man lang sana ng isang balde ng tubig dito para naman magamit ko at gumanda ako lalo!" barumbadong aniya. Marahan akong natawa. "Baliw ka talaga," sabi ko. "Ikaw lang bah? Akala ko bah sasama sila Mama sa 'yo?" kumukurap-kurap na tanong ko. Umasim ang ekspresyon ng kaibigan ko. "Inakala ko nga rin eh pero inuna pa yata ng Mama mo ang birthday ng echosera mong kapatid," siniko ko siya para pigilan. "Ano? Totoo naman ah! Halos isang taon kang nawala para magtrabaho sa ibang bansa tapos hindi ka man lang sasalubongin pagbalik mo! Aba! Kung ako sa iyo, pagsusuntokin ko talaga sila!" umakto pa siyang manuntok. "Dianne..." saway ko. Malungkot akong ngumiti. "Hayaan mo na. Isusurpresa ko na lang--" "Ay naku! Bakit susurpresahin mo pa? Alam na nila na nakauwi ka na!" napanguso ako. "Kung ako na naman sa 'yo! Tayo nalang ang magcelebrate. Pagkatapos mo silang padalhan ng pera kada buwan, wala man lang ni isa sa kanila na sumama sa 'kin dito para salubongin ka kaya sa condo ko nalang tayo dumiretso." hinila niya ang isa sa mga luggage ko at tinawag na ang taxi na nirentahan. Bumuga ako ng hangin at pinilit ang sarili na ngumiti. Habang papasakay sa sasakyan ay napalingon ako sa airport. I bit my lower lip as I remember how I worked hard in Spain to earn some money. While in the middle of road, siniko ako ni Dianne para kunin ang atensyon ko. "Palagi kang hinahanap ni Maxi sa akin," imporma niya. "Palaki nang palaki ang anak mo, gumaganda lalo kagaya mo! Hay naku! Sana all nalang talaga ako 'noh?" I laughed. "You are still young, Dianne so take your time finding the right guy for you." sabi ko at tiningnan ang mga pictures na nakuha niya sa anak ko. Maxi looks like me when I was a kid but we have different shade of eyes. Kulay itim kasi ang sa akin samantalang sa kaniya ay light brown. She looked like an American because of her natural freckles. May freckles din naman ako pero mas nakuha niya ang ganitong features sa side ng ama niya. 'Di nagtagal ay nakarating kami sa condo ni Dianne. My baby angel immediately ran towards me. She really missed me. Umiyak pa nga siya nang mayakap niya ang tuhod ko. Muntik na rin tuloy akong mapaiyak. I carried her. "Mommy is already home, baby. Kamusta ka? Ha?" bulong ko at hinalikan ang tungki ng ilong niya. "Ah! Sav, mag-oorder ako ng dinner natin. Ikaw magbayad ah?" tamad kong tiningnan si Dianne at kinindatan niya lang ako. Binaba ko ang anak ko para ipakita sa kaniya ang mga laruan na nabili ko. Her eyes twinkled when she saw alot of toys. She's turning 4... Ang bilis ng paglaki niya pero sa sobrang bilis ay nangangamba ako na baka hanap-hanapin niya ang kalinga ng isang ama. Huminga ako nang malalim at pinagmasdan na lamang si Maxi na tuwang-tuwa na sa paglalaro sa mga laruan na dala ko. I caressed her curly brownish hair and thought if Mama visits her here. Simula noong malaman nila na buntis ako ay mas lalo nila akong itinakwil. Hindi ako tanggap ng pamilya ni Mama at sa ama ko naman, may pag-aalinlangan pa kung tanggap bah nila ako o hindi. Both of my parents had a family. Bale... isa lang akong pagkakamali na nagawa nila sa isang gabi. Masyadong mahaba ang kuwento at ang importante, hinayaan ako ni Mama na mabuhay at lumaki na binibigyan ako sa kailangan ko. I grew up in my grandparent's side. Sa side ng ama ko. Akala ko nga ay hahayaan nalang nila akong mabuhay sa bahay-ampunan dahil walang tumatanggap sa akin. Kahit hindi masyadong maganda ang treatment nila ay pinag-aral naman nila ako at pinakain sa tamang oras kada araw. "Ano na plano mo pagkatapos nito?" tanong ni Dianne. Sinuboan ko si Maxi. "Babalik ako sa agency para ipasa ang mga reports ko tungkol doon sa pinagtrabahuan ko sa Spain," sagot ko. "Ipasyal mo muna si Maxi, Sav. Miss na miss ka ng anak mo," tumango ako. "At alam mo bah? Kakabalik lang ni Carson kahapon galing business trip," tinaasan ko siya ng kilay. "Uy! Anong tingin naman 'yan? Information lang naman teh!" sabay hampas sa balikat ko. Napailing ako. "Ayaw ko nang marinig ulit ang pangalan niya." "Ayaw mo marinig? Titig na titig ka nga sa mukha ni Maxi dahil kamukhang-kamukha niya si Carson!" Makahulugan ko siyang tinitigan kaya tinikom niya ang kaniyang bibig. Pinagpatuloy ko ang pagpapakain kay Maxi at nang matapos ay humiga na ako sa kama para magpahinga. I hugged my daughter as I closed my eyes. Everything will be good... ayos lang ang lahat, Sav. Tiwala lang. Medyo jetlag pa ako dahil hindi ako nakatulog nang maayos. Nagising ako sa tunog ng cellphone. I gave it a look and it was my Boss from my agency. Kinausap at tinawagan niya ako tungkol sa naging trabaho ko. I told her about my experiences and she is happy to know that I enjoyed my 8 months in Spain. Of course, that 8 months were one of my memorable months in my life. Para akong nakatakas na ibon sa kulongan. Sa tagal ng pag-uusap namin ay doon na ako hinila ng antok. Bibigyan ako ng isang linggong pahinga ng Boss ko kaya susulitin ko na iyon para kay Maxi. "Gusto ko sumama!" si Dianne nang makita kaming papaalis. Inirapan ko siya. "Bukas nalang kasi dahil day off mo," matabang na sabi ko sabay ayos sa kulot na buhok ni Maxi. "Pero parang gusto ko ngayon na!" kung makapagsalita ang babaeng 'to, mas bata pa sa anak ko. "Teka! Tatawagan ko ang Head namin, palagi na akong nag-oovertime nitong nakaraan kaya pwede ako magday off ngayon." "Bahala ka sa buhay mo." Hinanda ko ang tumbler ni Maxi at nilagay sa bag niya. She likes bringing her cute backpack when we go to the park since before. Sa huli ay sumama nga si Dianne sa amin. Napakiusapan niya daw kasi ang Head nila kaya pumayag. "Mommy! Look! A dog!" may tinuro na maliit na aso ang anak ko habang naglalakad kami sa park. "I want a dog, Mommy!" I crouched a bit. "Let's just buy a dog next time, Maxi. Pasyal muna tayo ngayon okay?" She nodded. Ang cute din kasi ng aso. May pinagmanahan nga si Maximillian. Ang ama nito, mahilig din sa mga aso. Wala namang sinabi ang Pedia ni Maxi na may allergy siya sa mga balahibo kaya mukhang mas maganda na bilhan ko nga siya ng sariling aso. Nakipaglaro si Maxi sa ibang bata. I sat down in the bench together with Dianne. She kept taking pictures with me but I kept covering my face. Stress pa ako at medyo pangit pa tingnan. "'Wag mo nga takpan ang mukha mo! Sayang ganda mo!" asik niya. "Not in the mood, Dianne kaya tigilan mo ako," tamad na sabi ko pero matigas ang ulo niya. "Sige na! Kahit isa lang para ** story!" pagmamatigas niya at pinagbigyan ko nga siya. I smiled at the camera with her. "Ayan! Ganda natin!" humagikhik pa siya kaya napairap na ako. Nabulabog kaming dalawa nang marinig namin ang isang pag-iyak ng bata. Paglingon ko ay nakita ko na doon si Maxi na nakadapa. Oh gosh! Ang anak ko ang umiiyak! Dali-dali akong tumakbo patungo sa kaniya. "I'm sorry..." mahinang sabi no'ng batang lalaki na nasa harapan ng anak ko. "'Di ko po sinasadyang mabangga ang anak ninyo, Ma'am--" "What happened here, Alexander?" natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses. "Ninong... hinahabol ko lang si Von tapos... tapos..." umiyak na ang bata at hindi ko na alam kung ano ang susunod kong gagawin dahil sa oras na lilingon ako, magtatama ang paningin naming dalawa. "Humingi na ako ng sorry..." Pinatayo ko si Maxi na umiiyak pa rin. Binuhat ko siya at aalis na sana nang... "Wait," s**t! Huwag kang lumingon, Savannah! "Ayos lang siya! Ako na ang bahala!" sabi ko at dire-diretso na sanang aalis pero nahawakan niya ang isang braso ko. It feels like a deja vu as he pulled me to face him. Nagtama ang mga mata namin. My jaw slowly dropped when a familiar feeling went to my nerves. Ang bilis ng t***k ng puso ko na para akong inaatake. Sanay na sanay ako sa ganito noon pero ngayon? Para akong nababaguhan. His brown eyes dartly stared at me. Nangatog ang tuhod ko at hindi nakapagsalita. May gulat na lumandas sa mga mata niya. Binitawan niya agad ako at kunot ang noong tiningnan si Maxi na humuhupa na ang pag-iyak. "Is she okay? Baka nasugatan siya," aniya habang sinusuri ang pagmumukha ni Maxi. "Ah! Ayos lang siya... hindi naman malakas ang pagkakadapa niya," pilit akong ngumiti. Binaba ko si Maxi para itago sa likod ko dahil napansin ko ang paninitig ni Carson sa kaniya. "Who is she--" "Anak ko siya! Oo! Anak ko siya!" napakurap ako sa gulat nang isigaw iyon ni Dianne. Mariin akong napapikit nang madrama niyang binuhat si Maxi. "Baby! Nandito na si Mommy. Huwag ka na umiyak okay? Nandito na ang maganda mong Mommy!" Nakita ko ang pagkurap ni Carson. May sasabihin pa sana siya pero naunahan na naman siya ni Dianne. Gusto kong sapuin ang noo ko sa kabaliwan ng kaibigan. "Eat ka ng ice cream? Hali ka na! Kakain ng ice cream ang baby ko!" At kasunod no'n ay nawala na sa paningin ko ang kaibigan ko, dala-dala si Maxi. Hindi ko matingnan si Carson kaya mas mabuting umalis na ako bago pa ako may masabing kakaiba. "How are you, Savannah?" that made me stiff. Tinatanong niya ako... Sasagutin ko bah? Bahagya ko siyang nilingon. "Ayos lang naman..." pilit akong ngumiti para makumbinse siya. Bumaba ang mata ko sa bata na katabi niya. I tapped his shoulders. "Walang masamang nangyari sa... ana-- inaanak pala. Huwag ka nang umiyak. Nagulat lang ang inaanak ko." sambit ko. "S-sorry po..." humihikbing sabi niya. Tumango lang ako at hinarap si Carson. He is gently staring at me. Yumuko ako. "Kailangan ko nang umalis. Ingat kayong dalawa." sabi ko. "Wait!" ano na naman bang kailangan niya?! Jusko! Inaatake na ako sa nerbyos! "Ano?" ngiting tugon ko. "Can I..." umiwas siya ng tingin. "Uhm... can I take you to a coffee shop? Let's... talk if it's fine with you." ilang beses akong napapakurap. Is he for real?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD