Chapter 12

1259 Words
Leah's Pov. Sa totoo lang ngayon palang sya kinakabahan, di nya alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng lalaki, yakap sya nito mula sa likuran habang hinahalikan ang kanyang buhok. Wala syang binabanggit na plano o sa sinasabi man lang, ang alam lang nya ay uuwi na sila ngayon sa resort. Magkikita na sila ng mama nito. Ayaw nyang umasa, dahil napaka impossible na tatanggapin sya ng pamilya nito kaya isang bahagi ng pag katao nya ang nasasaktan. Binigay nya dito ang p********e at ginusto nya yun. Tama ba ang disisyon kong ibigay dito?.. Nakarating na sila sa may pampang, Inabot sa isang lalaki  ang susi saka tinungo ang sasakyan, pinagbuksan   sya nito ng pinto at kinabit ang seat belt, hinalikan muna sya nito sa labi bago umikot sa kabila.. Binabaybay na nila ang daan papuntang resort at aaminin nyang Kinakabahan sya pero ang kasama nya ay di man lang nakikitaan ng pangamba bagkus nakangiti pa ito. Nilingon sya nito. "You look tense baby?!" Anang lalaki saka Kinuha ang kamay at halikan ito. "Dont bothering yourself baby, trust me I can manage this!" Pagpapagaan nito sa kalooban nya. Hinawakan pa nito ang leeg nya at nilapit saka sya hinalikan. Tumanaw nalang din sya sa labas. Maari bang ganito kabilis? Nagkakagusto sa kanya ang lalaki at Anong ibig nitong sabihin? Wala syang maramdaman na saya bagkos kaba lang at dahil ba sa ganitong sitwasyon sila nagkakilala? Napakalayo ng agwat nila sa buhay. Di naman sya umaasa pero ang dahilan na binigay nya ang sarili dito ay sapat na bang pang hawakan nya.? Limang buwan nalang ang bubunuin nya't matatapos na ang kontrata, uuwi na sya ng pilipinas at ngayon ay naguguluhan narin sya. Pinarada ang sasakyan saka pumaikot  muli at binagbuksan sya. "Your my woman now baby, I will introduce you to my family." Anya sa kanya Pero mas lalo na syang nag aalala ngayon. Kinuha nito ang kamay at pinagsalikop saka sabay ng pumasok. Mas dumagundong pa ang dibdib nya ng bumukas ang pinto at niluwa nun ang nakangiting matanda, tumingin ito sa kanya hanggang sa mapadako sa kamay nilang dalawa. Pero di parin nawawala ang ngiti ng matanda kaya hirap syang hulaan kung anu ang nasa  isip nito. Pagpasok ay bumitaw na sya sa lalaki na hinayaan naman sya, saka yumakap sa ina. "Welcome back son, how are you?" "I'm good Mom!" Humalik pa ito sa  magkabilang pisngi at nuo ng matanda saka naman sya binalingan ng matanda at  niyakap din.. Nagtataka bagamat sa nangyayari ay binaliwala nalang muna nya. Nagpaalam parin sya kay rafael kahit ayaw nito nag dahilan lang na pupunta ng banyo pero ang totoo ay kinakabahan sya, di nya kayang makipag harapan sa matanda... Tinungo ang kwarto at wala sa loob ang mga kasama. Kinuha ang cellphone sa bulsa saka nag dial... "Hello Mae?" "Oh Leah, alam namin na darating kayo ngayon pero dimo na kami naabutan, kasi nag kasagutan ang mag ina kanina, kararating lang din namin dito kaya usap nalang tayo mamaya ha alam mo naman trabaho saka marami kang ikukwento sakin! Mag me message nalang din ako sayo mamaya, bye!" Kahit na kailan talaga ang babaing yun ni hindi man lang ako pinagsalita! Mas lalo nya tuloy naramdaman ang takot dahil mag isa nalang din sya ngayon dito. Nilapag sa lamesa ang cellphone saka nahiga pakiramdam nya'y pagod na pagod sya maghapon kaya di namalayan ang pag tulog. ***** Naalimpungatan sya dahil sa panaka nakang halik sa kanyang labi. "Hi, Your wake up beautiful lady!" Gwapong mukha ni rafael ang    bumungad sa kanya kaya dali syang napabangon. "What time is it Sir, I-I mean rafael?" Kinuha ang  cellphone at mag aalas otso palang ng gabi. Nakita naman nyang nakakunot ang nuo ng lalaki habang titig na titig sa kanya. "It's Ok, Mama is already sleep. By the way call me sweetheart, baby and not my name or I will kiss you every time you call me in my name!" Anang lalaki at hinalikan nga sya. "Now come with me!?" Tumayo ito saka iginiya sya palabas Pinapasok sya nito sa kotse. Wala syang ideya kung saan sya dadalhin nito pero huminto sila sa isang kilalang mall. Sa loob nito ay napaka elegante at ngayon lang sya nakapasok dito. May lumapit sa kanilang babae at dinala sa isang boutique. Namamangha sya sa nakikita ang gaganda ng mga gown. Nagtataka man pero di na sya nagpahalata, para syang nananaginip ng gising at may kung anung kilig syang nararamdman sa loob at kung ano man ang namumuong imahinasyon sa utak ay hahayaan na muna nyang lasapin ito.. Sinukat ang kulay pulang backless gown kitang kita ang makinis nyang likod at napaka elegante ng damit na ito na sa dilim ay kikislap dahil sa may maliliit nitong dyamante.. Pinasuot pa sya ng 5 inch heels na pinaris ang kulay sa damit. Sunod na pinunthan nila ang salon na nasa loob din ng kilalang mall na ito. Dalawang babae ang tumulong sa kanya sa pag ayos.. Hanggang sa matapos ay kahit sya ay di makilala ang sarili. Kinulot at Inipit ang buhok sa bandang tainga habang nakalugay parin. Hinatid pa sya ng dalawang babae sa lobby kung saan nakaupo si rafael, Naka tuxedo na ito at napakagwapo mas lalo tuloy syang humanga rito kahit pa nangangarap lang sya. Nilapitan sya nito at hinapit sa beywang saka hinalikan.. "Your so gorgeous baby! Maybe I can kill someone staring at you!" Bahagya nyang tinapik sa dibdib ito na sya namang ikinangiti nito. Nag uumpisa na naman itong magselos kuno.. "Your so handsome rafael!" Hinalikan na naman sya nito ng mabilisan. "I told you to call me sweetheart, don't you?!" Anang lalaki na kunwari ay nagtatampo na kalaunay ngumiti rin sya pabalik dito.. Inalalayan na sya nitong makapasok sa kotse. Tatlumpong minuto ang tinagal ng byahe nila Bago narating ang isang building pagpasok sa loob ay halos mamangha sya sa nakikita ang mga tao ay napaka elegante. Nanliit sya bigla sa sarili dahil ngayon lang nya naisip na mali ata ang isama sya ni rafael sa ganitong event.  Pero andito na sya kaya pangangatawanan nalang nya. Hinapit sya ni rafael sa beywang saka  inalalayang maupo. Wala syang ideya sa kung anong programa ang meron sa function hall na ito. "This is a Bid program baby, I would like to show you my hobbies and soon my world." Bulong ng lalaki, ibig sabihin mahilig ito sa mga antigo, di nga nya talaga lubos na kilala ang lalaki.. May lumapit dito na babae at nakipag beso sa lalaki saka sumunod sa kanya  na pinaunlakan naman din. Nakipag usap dito si rafael na kalaunay nagpaalam ang dalawa. Nanatili sya sa kinauupuan pero bigla  nauhaw kaya ininom nya ang laman ng baso. "Hi, may I join you?" Anang lalaki na lumapit sa kanya, Di nya ito kilala pero gwapo rin gaya ni Rafael. "Where is your date?" Bulong pa nito Di nya ito sinagot mahirap na baka mas lalong magtanong. Uminom pa ulit hanggang maubos ang laman ng baso. "By the way, my name is Liam Adam!" Pagpapatuloy pa ng lalaki habang pakamot kamot, pero sa pagkakataong ito ay Nakipag kamay na sya at di nya alam kung bakit. "I'm Leah Ramos." Nag uusap sila ng lalaki na paminsan minsan ay titig na titig lang ito sa kanya. Gwapo si Liam, katulad ni Rafael ay matangkad din ito kaya minsan Di nya maiwasang humanga sa ganitong mga lalaki gayun paman hindi ito ang kasama nya sa gabing ito kaya binigyan din nya ng distansya ang sarili dito na minsan pang bumubulong sa kanya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD